Dalawang taon.
Dalawang bagong taon na puno ng kwentuhan.
May kasamang tawanan sa magandang samahan.
Dalawang taon.
Iniwan na ng panahon.
Ngayon ang bagong yugto.
Magsisimula muli.
Hindi ako makapaniwala
sa sakit na nadama.
Ito siguro ung sinasabi nilang pagkaiwan sa ere.
Ito siguro ung pakiramdam ng isang kakilala nung bigla na lang akong di nagparamdam nang walang sinabing dahilan.
Ganito nga siguro un.
May dahilan pero di na pinag-usapan pa ng mas malalim.
Wala bang halaga?
Meron pala.
Pero baka tulad ko noon sa kakilala, ayaw na lang maulit pa ang nangyari.
Ayaw na lang ulit magkwento ng kahit na ano kasi may mas pinahahalagahan...
At haha. Alam kong magtataka siya pero sino ba siya para magtanong.
Pero ang totoo, medyo nasulsulan lang ako ng kapatid ko noon.
"Kung ako 'yan, te, hindi ko na siya ittxt....."
Hahahahaha.
Ganito siguro ang pakiramdam niya
nung bigla na lang akong hindi nangumusta
Pangungumustang natural ko lang naman noong sinasalita sa kanya.
Ganito nga siguro.
Dapat tanggapin ko.
Dapat harapin ko.
Ito ang katotohanan:
Wala na siyang pakialam.