Sunday, November 18, 2018

Nagpapasalamat ako sa Diyos sa buhay mo.
Binanggit kita ngayon sa panalangin ko.
Hangad ko ang kaligayahan mo.

Salamat sa pag-ibig
Sa dating pag-ibig
Sa pag-ibig na nakabaon pa rin sa puso ko
Sa pag-ibig na tinanim mo at diniligan
Lumago nang di ko namamalayan
Sumibol
Nagkaroon ng dahon

Minsan na itong namatay dahil dahil aking napabayan
Hindi pinansin dahil ako'y abala sa iba pang bagay
Abala sa pagtupad ng sariling misyon
Abala sa pag-aayos sa aking sarili

Salamat sa pag-ibig
na muling sumibol nang di ko rin inasan
Noong nawawalan na ako ng pag-asa
Noong naisip kong pabayaan na lang
Salamat sa pagbabalik

Patawad
Hindi ko naalagan ang ang inalay mong pag-ibig
Patawad
Hindi pala ako ganun kahandang tanggapin ito noong panahong iyon
Wala pang lugar
Masikip pa
May nakatanim pa

Patawad

At salamat
sa pag-ibig na nananatiling nakabaon sa puso kahit wala ka na
Salamat sa pag-ibig na patuloy na umuusbong ubang maibahagi ko rin sa iba
Salamat sa pag-ibig na inialay mo
Salamat sa pag-ibig mula sa Diyos na inialay mo

Mahal kita...kaibigan


  • Minahal din naman kita.