Saturday, November 6, 2021

Panaginip

 Napaniginipan kita nung isang araw.

Parang totoo.

Hahahahahaha.

Weird.

Pero...

Salamat!

Wednesday, November 3, 2021

Para kay RJ

 RJ, anak, matagal ka na naming ipinapanalangin. Kapag nabasa mo ito, ibig sabihin ay sinagot ng Diyos ang aming panalangin na magkaroon ng anak.


Nagsakit ang mommy...pero pinagaling siya ni Jesus. Ikaw ay isang milagro kaya maglingkod ka sa Panginoon habang ika'y nabubuhay. Maging daan ka sa mga gagawing milagro ng Diyos sa buhay ng iba pang mga tao.


Ikakasal na ang mommy at daddy sa susunod na taon. Sana dumating ka agad sa amin pagkatapos ng kasal. Yun ang aming panalangin.


Excited na kaming makilala ka. Mahal ka namin kahit hindi ka pa namin nakikita at sinusubukang makita. Wait lang, anak. Ilang buwan na lang at pwede ka nang maging baby. Bubusugin ka namin palagi ng pagmamahal.


.....


Panginoon, alam nyo po ang kahilingan ng aming puso. Nawa ay ihanda nyo po kami sa mga kakaharapin sa kinabukasan. Kalooban Mo palagi ang masunod sa buhay namin. Sa pangalan ni Jesus. Amen!