Thursday, May 26, 2016

Poems

Poems are made...
Not to sit in old, forgotten notebook
Or the notebook that you always use
To hide, to cry or to express your happiness...
Where no one else but you could feel it.

Poems are made...
Not for the moths and termites on the shelf
To eat and have a feast on it.
Nor for the earthworms on the ground to decompose.

Poems are meant...
To encourage...or to be encouraged yourself
When you need an advice, or a kind word, or something that you could relate to that would really hit you
To make you realize your mistakes
Or to make others realize their mistakes
Or another to understand.

Poems are meant...
To be shared...with a friend, a loved one or someone who might need it
Whether he/she realizes it or not
Either in a song or spoken word poetry...or however else you want it to be shared.
It's not meant to just sit there.

It must be heard.

Tuesday, May 24, 2016

Bagahe

Bagahe'y unti-unting gumagaan.
Dalahi'y unti-unting nababawasan.
Salamat sa pagsalo sa panahon ng kapaguran.
Salamat sa pagtulong kahit na ikaw ri'y nabibigatan.

Salamat sa pagdamay sa lumbay.
Salamat sa pakikinig nang walang humpay.
Presenya mo't payo ay nakatulong nang tunay.
Antay lang, makakamit ko rin ang tagumpay.

Salamat sa pinahiram na sandalan.
Salamat sa pag-intindi sa'king mga kahinaan.
Salamat sa pagbibigay ng kalakasan.
Salamat sa hindi paglisan.

Di ko alam kung gaano pa kalayo ang lakbaying ito
Pero alam kong makakarating ako.
Sa tulong ng Diyos at presensya ninyo
Mabubuhat ko rin ang bag ko.

Magpapalakas lang ako...
Tapos hindi na ako magpapabigat.

Sunday, May 22, 2016

Kapayapaan

Natulog akong may luha, masakit ang ulo at nahihilo.
Hindi ko na nga natapos ang pagkain ko dahil dito.
Dahil siguro sa sunod-sunod na puyat
O kaya sa late na pagkain.

Tsk!  Mali 'yon, eh!

Pero nagising ako ng maaga ngayon.
May ngiti sa labi at masayang puso.
Dahil siguro sa malamig na panahon?
Hehehe.  Hindi pala.  Alam ko lang kasing kasama ko ang Diyos.

Ang tagal na rin naming hindi nag-usap ng ganito.
Natatakot kasi ako sa mga sasabihin Niya
kaya minsan, ipinipilit/ipinapakiusap ko ang gusto ko.
Naku, naku, naku!  Mali rin 'yon!

Salamat sa Diyos sa kapanatagan.
Waah...nakakaiyak.
Nakaka-touch na hindi Niya ako iniwan.
Nararamdaman ko ngayon ang kapayapaan.

Naguguluhan pa rin talaga ako
Pero naniniwala at nagtitiwala ako sa Kanya.
Wala na sa akin ang manibela.
Siya na ang bahala.

Alam kong magiging maayos din ang lahat.

:)


Dear Lord,

Sorry for driving my life recklessly.   Mali po talaga ako. Medyo puzzle pa rin po sa akin kung saan talaga ako pupunta pero nagtitiwala po ako sa Inyo.  'Wag Nyo na pong ibigay sa akin ang manibela.  Baka po mabangga o maligaw ako.  :)  Kayo na po ang bahala.  Amen!

Life Jacket


Hindi ako takot tumalon sa cliff o falls
dahil may suot akong life jacket.
Sigurado akong ligtas ako.
Hindi ako malulunod.

Maraming beses ko na itong nagawa
at nabuhay naman ako.
Kailangan lang talaga ng lakas ng loob
at tiwala sa mga kasama mo.

Siguraduhin mo lang na tama ang pagkakakabit mo ng life jacket
para hindi ito matanggal sa pagtalon mo.
Tingin sa baba, siguraduhing walang bato
Tapos talon na!

Masarap ang pakiramdam pagkatapos.
Walang kapantay na kaligayahan.
"Wow, nagawa ko!  Buti na lang may life jacket ako!"
Langoy-langoy sabay aya sa kasama na tumalon na rin.

Noong huli kong talon,
naisip kong si God ay parang life jacket.
Siguradong ligtas ka 'pag suot mo.
Kailangan mo lang maniwala at magtiwala.

'Wag kang mag-alala.
Hindi ka Niya iiwan ni pababayaan man.
May mga pinadala rin Siyang makakasama.
Talon na!

:D

Sunday, May 15, 2016

Paano na nga ba mangarap?

Paano na nga ba mangarap?
Tila ba tumigil ang oras.
Dati ang dami kong naiisip.
Dati ang dami kong nasusulat.

Oo, hindi lahat ng bagay ay tungkol sa'yo.
Alam ko ring maaring hindi ko matupad ang mga pangarap ko 'pag naging tayo.
Pero bakit ganito?
Ikaw pa rin ang gusto ko.

Bulag na ba talaga ako?
Nalilinlang ng aking puso?
Tumulungan mo ako.
Ipaintindi mo sa'kin ang lahat.

Gusto ko muling mangarap.
Kasama ka... Sana...

Kung pwede lang naman.
Walang pilitan.
Walang pupuntahan kung pwersahan.

Kahit ano...

Maging masaya ka sana.



Naaalala ko lang ang nakaraan.
Sabi mo natuto kang mangarap dahil sa'kin
Ako naman natutong isantabi ang pangarap para sa'yo.

Walang sisihan.
Umibig lang.
Mali ba 'yon?
Ano ba ang tama?

Haaay...
Paano na nga ba mangarap?
Tila ba tumigil ang oras.

Nasaan ka na?
Babalik ka pa ba?
Ano nang ginagawa mo?
Kasama ba ako sa mga pangarap mo?

Sana maging masaya ka.
Tuparin mo ang mga pangarap mo.
Magiging masaya ako para sa'yo.
Ingat ka! Samahan ka ng Diyos palagi.

Dito lang muna ako.
Hahanapin ko lang ang sarili ko.


Wednesday, May 11, 2016

Ang daming problema ng bayan lovelife pa rin iniisip.

Nakakainis, di ba?

Gusto ko na nga ring sisihin ang presidente kung bakit ganito.
Ganun naman lagi.  Kasalanan ng presidente ang lahat.

Pero hindi.
Kailangan kong maging produktibo.

Mag-eempake muna ako at magpapakalayo-layo.  Baka sakaling lumiwanag ang isip ko.  :)

Alam kong sasamahan ako ng Diyos.

Thank You, Lord.  Dyan ka lang po, please... :)
Pagalit
Sa hindi pagkain sa oras
Sa maling mga desisyon sa buhay
Sa hindi pakikinig
Sa mga hindi nagagawang gawain.

Alam at hindi alam ang sitwasyon.
Nauunawaan ko kayo.
Hindi ko na rin naman maintindihan.

Tila ba huminto ang oras.
Paano na nga ba mangarap?

Kasalanan ko ang lahat.

Mali ako.

At kailangang kong tulungan ang sariling umahon.

Pero paano ba?

Una, kailangan kong magdesisyon.

Ang hirap.

Haaay...

May mga dapat pa akong gawin.
Dapat ko nang simulan.
Pero paano ba?

Tila ba wala na akong lakas.

Gusto kong mapag-isa pero kailangan ko rin ng kasama.

Ano ba talaga?

May mali dito.

Kailangang itama ko.

Sunday, May 8, 2016

Presidente at Bise ko

I'll be voting for Mar and Leni.

Para sa bayan, para sa mga estudyante ko, para sa lahat ng Pilipino.

Isa akong guro ng Kinder at nais ko na ang susunod na presidente ay maging huwaran sa kanila at sa lahat.  Ang susunod na presidente ang magiging mukha ng Pilipinas at lahat ng Pilipino.  Hindi ko ito maaatim ipagkatiwala sa isang mamamatay tao, walang paggalang sa batas, walang paggalang sa babae at matatanda, at palamura.  Ayoko rin doon sa magnanakaw at doon sa may connectional ties sa business man na... Hindi ko un masyadong alam.  Nagbabasa-basa pa ako (until now??) pero... Hay naku!

Dalawa na lang ang natira at kay Mar ko ibibigay ang boto.  Hindi lang dahil maysakit ang isa kundi para sa continuity.

Alam kong hindi perpekto ang kandidato ko pero ganun talaga.  Lahat may mga kahinaan pero may mga kahinaan siyang mas kaya kong tanggapin kesa sa iba.

Kina Mar at Leni ang boto.  Kayo ang bahala sa inyo.  Siguraduhin nyo lang na pinag-isipan at ipinanalangin nyo ito ng maigi.  'Wag sanang dahil sa ito ang boto ng mga kaibigan at kamag-anak, dahil sikat lang, cool ang memes at kung ano-ano pa.  Hindi po ito basta-basta.  Kinabukasan ng bansa ang nakataya.

Sa huli, nasa sa atin ang tunay na pagbabago.  Sa sarili nagsisimula, kay Jesus nagmumula.

Samahan tayo ng Diyos sa eleksyon na ito.

-Teacher Mai :)

P.S.  Ayaw ko rin kasing sayangin ang paghihirapa ng mga magulang ko at ng marami pang mga magulang para sa demokrasya at kalayaang tinatamasa natin ngayon.

#RoRo
#RoxasRobredo
#LeniIsMyVP
#neveragain

Now what

Now what?

Yes, this is hard.
Yes, it made you cry.
Yes, your heart is still crying till now.

Now what?

What's done is done.
Do you still want to bargain with God?
He may give what you want.
Will you be happy with that?
Oh...will that really make you happy?

Please examine your heart.
Stop bargaining with God.

Listen and obey.

Thursday, May 5, 2016

Lost words

...,

My words were lost somewhere but you could listen to my heart.

:)
Dahil sa'yo mas matapang na ako.  Salamat, Kuya!  :)

Wednesday, May 4, 2016

Natutunan ko ngayon

Hindi pwedeng puro bitterness at pag-e-emote ang laman ng blog na ito.


I'm facing a big challenge right now.  Haaay.  Grabe, napakabigat.  Di ko alam kung kakayanin ko pa.  Ang hirap din magkwento kasi mabigat din ikwento.  Parang gusto ko na lang palipasin pero hindi ata 'yon makakatulong.

Lately, halos pag-e-emote na lang ang nasusulat ko rito.  Paumanhin.  Kahit hindi ko sigurado kung may nagbabasa nito maliban sa akin, paumanhin.

I wanted write positive thoughts.  I wanted to inspire readers (if there's any) pero mukhang naging labasan na lang ito ng ka-emohan ko.  Nagsusulat pa rin naman ako ng positive thoughts pero mas sa journal ko na lang.  Dumating din ako sa point na mahirap mag-share dahil nahihiya ako sa situation ko.  Ito lang talaga ang handy 'pag nag-e-emote ako at walang mapaglabasan (syempre, maliban kay God).

I also planned to create a new blog to start anew....pero ayaw kong iwan ang blog na ito ng ganito.  Hindi pwedeng malungkot ang ending.

Sabi ko sa description, "pangarap... pagsisikap... paglalakbay... pag-ibig... pag-asa"

Dito nakasulat ang aking mga pangarap (na may space pa para dagdagan), mga pagsisikap, at ilang karanasan sa pag-ibig (korni) at paglalakbay.  Parte ng paglalakbay ko ang mga pagsubok.  Hindi ko ito dapat sukuan at iwan na lang, dahil palaging may pag-asa.  Sabi nga ni Bamboo sa kanta niya, "Hangga't ako'y humihinga may pag-asa pa..."

Orayt!  Bawat umaga ay panibagong pagkakataon para magpasalamat sa Diyos, itama ang mga pagkakamali at maging masaya.

Napahaba na ang sinusulat ko, ah.  Hehe.

Gusto ko lang talagang i-share ang tinuro sa akin ni God ngayon.  Lately kasi nahihirapan akong mag-share dahil sa mabigat na dalahin.  Nahihiya ako...pero na-realize ko na kahit ano pang struggle ang pinagdadaanan, tuloy lang dapat sa pagpupuri at pananalangin kay God.  Palalayain din Niya ako.  Sa kabila ng sakit na nararamdaman, i-share pa rin ang kabutihan ni Lord.  Parang Paul and Silas lang.  ;)

Na-share ko 'yan sa churchmate kaninang nag-meet kaming dalawa para mag-prayer meeting.  Dapat i-apply ko rin.

Yey!  :))  Salamat sa Diyos!  Alam kong magiging maayos din ang lahat.  Antay-antay lang.  Unti-unti.  Dahan-dahan.  Tiwala lang.  May bukas pa!  ;)

Tuesday, May 3, 2016

Huli na...sana

Huling luha,
Huling hikbi,
Sa himpapawid nilabas.
Huli na.

Dahil ubos na.
Tuyo na.
Huli na.
Sana...

Sana...
Kapatid,
Gusto kong sagutin ang mga tanong mo...pero walang salita para maipaliwanag ko ang lahat.  Alam kong mahirap unawain.  Paumanhin.

Unti-unti lang ang kaya kong sabihin dahil sa bawat kwento, nadudurog ang puso ko.  Sana maintindihan mo.

Hanggang dito na lang muna.

Sana 'wag mo akong iwan.