Saturday, November 6, 2021

Panaginip

 Napaniginipan kita nung isang araw.

Parang totoo.

Hahahahahaha.

Weird.

Pero...

Salamat!

Wednesday, November 3, 2021

Para kay RJ

 RJ, anak, matagal ka na naming ipinapanalangin. Kapag nabasa mo ito, ibig sabihin ay sinagot ng Diyos ang aming panalangin na magkaroon ng anak.


Nagsakit ang mommy...pero pinagaling siya ni Jesus. Ikaw ay isang milagro kaya maglingkod ka sa Panginoon habang ika'y nabubuhay. Maging daan ka sa mga gagawing milagro ng Diyos sa buhay ng iba pang mga tao.


Ikakasal na ang mommy at daddy sa susunod na taon. Sana dumating ka agad sa amin pagkatapos ng kasal. Yun ang aming panalangin.


Excited na kaming makilala ka. Mahal ka namin kahit hindi ka pa namin nakikita at sinusubukang makita. Wait lang, anak. Ilang buwan na lang at pwede ka nang maging baby. Bubusugin ka namin palagi ng pagmamahal.


.....


Panginoon, alam nyo po ang kahilingan ng aming puso. Nawa ay ihanda nyo po kami sa mga kakaharapin sa kinabukasan. Kalooban Mo palagi ang masunod sa buhay namin. Sa pangalan ni Jesus. Amen!

Sunday, November 18, 2018

Nagpapasalamat ako sa Diyos sa buhay mo.
Binanggit kita ngayon sa panalangin ko.
Hangad ko ang kaligayahan mo.

Salamat sa pag-ibig
Sa dating pag-ibig
Sa pag-ibig na nakabaon pa rin sa puso ko
Sa pag-ibig na tinanim mo at diniligan
Lumago nang di ko namamalayan
Sumibol
Nagkaroon ng dahon

Minsan na itong namatay dahil dahil aking napabayan
Hindi pinansin dahil ako'y abala sa iba pang bagay
Abala sa pagtupad ng sariling misyon
Abala sa pag-aayos sa aking sarili

Salamat sa pag-ibig
na muling sumibol nang di ko rin inasan
Noong nawawalan na ako ng pag-asa
Noong naisip kong pabayaan na lang
Salamat sa pagbabalik

Patawad
Hindi ko naalagan ang ang inalay mong pag-ibig
Patawad
Hindi pala ako ganun kahandang tanggapin ito noong panahong iyon
Wala pang lugar
Masikip pa
May nakatanim pa

Patawad

At salamat
sa pag-ibig na nananatiling nakabaon sa puso kahit wala ka na
Salamat sa pag-ibig na patuloy na umuusbong ubang maibahagi ko rin sa iba
Salamat sa pag-ibig na inialay mo
Salamat sa pag-ibig mula sa Diyos na inialay mo

Mahal kita...kaibigan


  • Minahal din naman kita.

Thursday, January 11, 2018

Pumunta ka rito para tulungan akong i-set-up ang printer. Sumaya ako at ang kapatid ko. Akala ko kasi di ka matutuloy.

Tapos, habang nag-sset-up ka, may nakita akong nag-chat sa'yo kaya pumunta akong kusina at naghugas ng pinggan. Maya-maya kausap mo na sa phone.

Tapos na akong maghugas. Tapos na akong mag-toothbrush. Nakaalis na si Jas. Kausap mo pa rin siya. At nag-loudspeak ka pa. Lumayo ako kasi ayoko marinig. Haha. Pero naririnig ko. 😂 Tinutulungan mo lang siya sa tax. Okay.

Kanina pa kayo magkausap. Sweet po! Haha. Ano naman sa'kin? 😂

Aja! Go!

Mamaya-maya aalis ka na. Mas matagal pa usap with phone kesa sa andito. lol. E ano naman? Wala namang tayo. Hahahahahaha.

K bye.

Wednesday, January 3, 2018

Nakakaiyak naman po ang message mo.  Hindi ko alam kung paano mag-reply.  Thank you!  You'll always be a little sis to me...pero kasi wala na kami ng diko mo kaya lumalayo rin talaga ako.  You don't have to be sorry.  Ahuhu. Happy new year, dear!  Everything will be fine.  Mahal ko kayong lahat sa family.  I just really hope you'd understand me someday... 'pag malinaw na sa inyo ang lahat.

God bless!

- Ate/Ditse

PS Thank you kasi may gift ka pala sa'kin nung birthday ko...kahit di mo nabigay. Di naman ako nag-eexpect pero thank you!

Hindi ko ma-send. Huhuhaha

Sunday, December 31, 2017

Dalawang taon.
Dalawang bagong taon na puno ng kwentuhan.
May kasamang tawanan sa magandang samahan.
Dalawang taon.
Iniwan na ng panahon.

Ngayon ang bagong yugto.
Magsisimula muli.
Hindi ako makapaniwala
sa sakit na nadama.
Ito siguro ung sinasabi nilang pagkaiwan sa ere.
Ito siguro ung pakiramdam ng isang kakilala nung bigla na lang akong di nagparamdam nang walang sinabing dahilan.
Ganito nga siguro un.
May dahilan pero di na pinag-usapan pa ng mas malalim.
Wala bang halaga?
Meron pala.
Pero baka tulad ko noon sa kakilala, ayaw na lang maulit pa ang nangyari.
Ayaw na lang ulit magkwento ng kahit na ano kasi may mas pinahahalagahan...
At haha. Alam kong magtataka siya pero sino ba siya para magtanong.

Pero ang totoo, medyo nasulsulan lang ako ng kapatid ko noon.
"Kung ako 'yan, te, hindi ko na siya ittxt....."
Hahahahaha.

Ganito siguro ang pakiramdam niya
nung bigla na lang akong hindi nangumusta
Pangungumustang natural ko lang naman noong sinasalita sa kanya.

Ganito nga siguro.
Dapat tanggapin ko.
Dapat harapin ko.

Ito ang katotohanan:
Wala na siyang pakialam.

Sunday, November 12, 2017

Nanaginip ako kaninang umaga.
Nung natulog ulit ako pagkatapos magising.
Ganun naman lagi.

Magkasama tayong lumabas sa isang isang lugar.
Kasama ang iba pang kasamahan.
Baka meeting.
Pero hindi tayo pareho ng nilakaran.
Doon ka sa kabilang kalsada kasama ang isa pa.

Ung kasabay ko, pasikat.
Nag-jjuggle siya at ang galing niya.
Nakakatuwa naman talaga.
Hindi ako masyadong humanga
...pero pinakita kong interesado ako kahit papaano sa ginagawa niya.
Nakakhiya naman sa kanya.

Tapos nag-juggle ka rin.
Napatingin ako at napangiti.
Ang funny mo talaga!
Kahit medyo palpak at tumalsik pa ung isang basong jinu-juggle mo, sa'yo pa rin napunta ang atensyon ko.
Hanggang sa ikaw na lang ang pinanood ko.
Ang saya! Nakakatuwa ka.

Nilapitan ka namin ng isa pa nating kasama...ung isa sa mga kasabay kong naglakad sa kabila ng kalsadang nilakaran mo.
Tumawid ka. Nagsalubong tayo.
Naiwan ung naunang nag-juggle na nag-jjuggle pa rin.
Tapos, sinamahan mo ako pabalik sa loob kasi may naiwan ako.

Ni-rrecord ko lang dito kasi bigla kong naalala.