Sunday, November 12, 2017

Nanaginip ako kaninang umaga.
Nung natulog ulit ako pagkatapos magising.
Ganun naman lagi.

Magkasama tayong lumabas sa isang isang lugar.
Kasama ang iba pang kasamahan.
Baka meeting.
Pero hindi tayo pareho ng nilakaran.
Doon ka sa kabilang kalsada kasama ang isa pa.

Ung kasabay ko, pasikat.
Nag-jjuggle siya at ang galing niya.
Nakakatuwa naman talaga.
Hindi ako masyadong humanga
...pero pinakita kong interesado ako kahit papaano sa ginagawa niya.
Nakakhiya naman sa kanya.

Tapos nag-juggle ka rin.
Napatingin ako at napangiti.
Ang funny mo talaga!
Kahit medyo palpak at tumalsik pa ung isang basong jinu-juggle mo, sa'yo pa rin napunta ang atensyon ko.
Hanggang sa ikaw na lang ang pinanood ko.
Ang saya! Nakakatuwa ka.

Nilapitan ka namin ng isa pa nating kasama...ung isa sa mga kasabay kong naglakad sa kabila ng kalsadang nilakaran mo.
Tumawid ka. Nagsalubong tayo.
Naiwan ung naunang nag-juggle na nag-jjuggle pa rin.
Tapos, sinamahan mo ako pabalik sa loob kasi may naiwan ako.

Ni-rrecord ko lang dito kasi bigla kong naalala.

No comments:

Post a Comment