Thursday, October 15, 2015

Dear friends,

"Malapit na akong magtampo sa inyo."

I just blurted it out.  Haha.   Sorry, I really need to say it.  Kasi naman, sa dami ng makakalimot, kayo pa!  Tsk!

Pero ok lang talaga.  Naiintindihan ko naman na pare-pareho na tayong may mga trabaho at magkakaiba na ng schedule at priorities.  Ako rin naman.  Madalas busy.  Sinisikap ko lang talagang makarating sa mga lakad kahit malayo ang pinanggagalingan ko at kapos ako sa oras.  Hehe.

Ayan, nasabi ko na.  Ok na.  :)

Iniisip ko ngayon kung ok lang bang sinabi ko pa?  Hmm...sa tingin ko, oo.  Para alam nyo rin ang nararamdaman at naiisip ko.

Do you have to know?  I guess so.  Close friends ko kayo, eh.  Mas naiintindihan ang isa't isa 'pag sinasabi ang nararamdaman.  Hindi pwedeng hula-hula lang palagi.  (Though pwede rin namang naiisip nyo na 'yon)  lol XD


Naisip ko lang.  Tama ba ang pagkakasabi ko?

"Malapit na akong magtampo sa inyo."

Naku, naku.  Nahiya rin naman ako ng konti sa sinabi.  Ok naman 'yong una pero 'yong sinabi ko pang "EWAN.  Ganyan naman, eh", ay medyo nakakahiya na ata.  Though kilala nyo naman ako at may halong konting biro 'yon, medyo nakakahiya ata.  Hehe.  Alam ko naman kasing busy rin talaga kayo.

Naku, sorry.  Sana nabawi ng pagsasabi kong naiintindihan ko at pagtatanong kung pwede ba kayo next week.  Hehe.  Sorry na.  Buti na lang, isa lang talaga sa inyo ang ka-chat ko nun.

Alam kong hindi naman kayo galit o ano pa man.

Kailangan ko lang ding i-express 'to ngayon.  lol XD

Miss ko na kasi kayo.  HAHAHHA XD

At this very moment, natatawa na lang ako sa mga tina-type ko.  Para na naman ako bata.  Tama na nga!

HAHAHHAHA XD



Ano'ng natutunan ko rito?

1.  Pag-isipan ang mga sasabihin.  I-consider din ang sitwasyon ng kausap.  :)
2.  'Wag agad magtatampo. (Hala, hindi naman agad! XD)
3.  Mahirap talagang magkita-kita 'pag magkakaiba ng schedules pero at least, nasa puso nyo pa rin ang isa't isa.
4.  'Pag medyo nahihiya o napapahiya na, idaan sa tawa.  HAHAHHA XD


Lol.  XD
Grabe, feeling ko ang corny nito pero i-popost ko pa rin.  Baka sakaling mabasa nyo.   Pwede ring i-send ko?

HAHAHHAHA XD

Hahahahhaha.


Love lots,

Ako.  Hahahaha XD

No comments:

Post a Comment