Gusto mo akong lumayo sa pader.
Sa pader kung saan naramdaman ko ang kapanatagan
Sa panahong ako'y takot na takot at walang masandalan
Tuwing kailangan ko nito at wala akong mapuntahan.
Gusto mo akong lumayo sa pader.
Hindi ko alam kung bakit.
Ano bang meron sa kabilang dako?
Hindi ko alam pero kung ano man 'yon
Kung bangin man o hardin, wala akong pakialam.
Alam ko ang limitasyon ko.
Hindi ako lalampas sa pader at hanggang dito lang ako.
'Wag mo na sanang hilinging ako'y lumayo.
'Wag kang mag-aalala. Sigurado ako, matibay 'to!
Hindi basta-basta mawawasak ng kahit na ano.
Wala rin akong planong tumawid.
Hanggang dito lang ako. :)
No comments:
Post a Comment