Sinimulan ko ang gawain sa pagbabanlaw sa mga ibinabad na puting damit. 'Yon na lang dapat ang lalabhan ko kaya lang sayang ang sabon. Itinuloy ko na hanggang maubos lahat ng mga damit sa aking laundry basket. Isinunod kong ayusin at linisin ang kwarto. Haaay... Ang daming damit! Nagtiklop ako at nag-discard ulit ako ng mga luma na o ayaw ko nang mga damit. Ang sarap sa pakiramdam 'pag nababawasan ang mga damit. Nagkakaroon ng puwang para sa mga mas gusto kong isuot at sa mga bagong dadating. Ang hirap kasing bumili 'pag walang paglalagyan at meron pa namang magagamit. Hahaha XD Inayos ko rin ang mga nakakalat na papel sa sa sahig. (Doon nilagay kahapon ng kapatid ko para tignan ko raw kung ano'ng gagawin sa mga iyon.) Ang dami ko ulit naitapon...kahit ung mga art works ng bata na noo'y mahahalaga sa akin. Naisip ko, hindi ko naman 'yon magagamit at hindi rin naman para sa akin ang mga 'yon. Hindi lang talaga naibalik dati. Naaalala ko naman sila kahit wala ang mga iyon. Hehe.
Ang hirap tumigil kapag nasimulang mga-ayos kaya nagpalit na rin ako ng bedsheet, etc. Nakakapagod. Hindi ko nga namalayang past 10PM na pala ngayon. Humigi-kumulang walong oras din pala akong naglinis. Haha. Hindi talaga nauubos ang kalat....o hindi nga ba? Haha. Mauubos din 'to. Wait lang. XD
Next time na 'yong article ko tungkol sa UMYAF. Napagod ako ng bongga. HAHAHAHAHA XD
Goodnight, notebook. :)
Next time na 'yong article ko tungkol sa UMYAF. Napagod ako ng bongga. HAHAHAHAHA XD
Goodnight, notebook. :)
No comments:
Post a Comment