Kumusta ka na?
Okay ka lang ba?
O may dinaramdam?
O may mabigat na pasanin?
Handa akong makinig.
Tutulungan kitang magbuhat
Katulad ng ginawa mo para sa akin.
Yun lang naman ay kung gugustuhin.
Ngunit kung di mo nais sabihin
Ikaw pa ri'y aking ipapanalangin.
No comments:
Post a Comment