Monday, November 2, 2015

Pader

Hindi ko alam kung paano nagkaroon ng pader dito.
Kung ikaw ba o ako ang naglagay.
Basta ang alam ko komportable akong may pader.

Sumandal ako sa pader at naramdaman ang seguridad.
Hindi ako hinahayaang mahulog sa banging hindi ko alam kung gaano kataas.
Sa banging 'di ko tiyak kung may sasalo ba o wala.

Ngunit tila ba biglang nawawasak ang pader.
Hindi ko alam kung marupok ba o may tumitibag.
Nakakatakot.  Ayokong mahulog.

Hindi ko alam ngayon kung ano ba ang tama.
Mananatili ba ako o kailangan nang lumayo?
Delikado kasi 'pag nasira ang pader.

Kung 'wag na lang kaya akong sumandal?
Hindi ko rin sigurado kung ano ba dapat.
Baka naman hindi talaga mawawasak ang pader.

Sana nga matibay ito.
Sana kayanin pa ang bigat ko.
Gusto kong manatili ang pader nang hindi kinakailangang lumayo.

No comments:

Post a Comment