Monday, March 14, 2016

Still Grateful

Still awake at 1.18AM.
I know I should be sleeping but I just can't.
I still have lots of things to do...but a little time left.
I should have done these earlier if only I wasn't that tired...  If only I haven't slept for hours... If only I didn't put rest and relaxation first.

Grabe naman kasi sila sa school.  Ako na lang lahat.  At dahil ayaw gumawa ng isa, ako na gagawa ng trabaho niya.  Haaay... Pwede namang hatian ng gawain, eh.  Okay.  Unfair sabihing wala silang ginagawa pero sana patas ang hatian.  Halos kami na lang ng isa kong kasama ang kumikilos.  Nakakapagod din.  Nakakapagod talaga.  Buti na lang magbabakasyon na.  Yehey!  Thank You, Lord!  :D

Thank You, Lord...
- sa concern ng isang magulang kanina.  Buti pa siya nakita ang pagod ko at inako na ang paghuhugas ng pinggan sa feeding program.  :')
- nakakabisado na ng mga bata ang mga kanta, actions at sayaw.  :))
- pumayag ang kapatid ko na siya ang maging speaker sa Recognition Day ng Kinder.  I'm so touched.  Pasok na pasok naman kasi sa qualifications, eh.  Buti na lang may mahusay akong kapatid!  :D
- libreng lunch dahil kami ang nag-asikaso sa feeding program.  Nakiki-feeding lang.  Hehe.
- Hatian ng gawain sa feeding.  Kahit wala ang isa pa naming kasama, nakakagaan ng trabaho na tatlo kami roon at may mga tumulong na magulang.
- time to be grateful inspite of all my rants.  Hehe.  Iloveyou, Lord!
- rest. :')
- nakaka-relax na piano cover ng Hiraya Manawari
- time mag-email
- na-practice kanina ng kids ang mga sasabihin nila sa Recog
- meryendang inoffer ni Auntie pagkauwi ko (kahit hindi ko na nakain dahil nakatulog na ako sa pagod)
- inako ni Jenggai ang printing at encode ng awards na ididikit namin sa medals para matapos ko ang iba pang mga gagawin.  Ang sweet po nun.  Hehe.
- nakapag-breakfast ako kanina
- Mama Elyn's advice.  Masarap din talagang may doktor na Tita.
- Normal pa naman hemoglobin ko.  Borderline lang kaya kailangan ko na namang uminom ng gamot na lasang kalawang.  Hehehe.  :3

- prayer time with FHUMYAF yesterday
- plans for BS and jogging on Saturday at Camella Homes and breakfast at Andres' residence
- May chance pa akong maka-attend ng CG
- Polo UMYAF... :)

Lord, sorry po...
- sa kawalan ng disiplina sa oras
- at sa stubborness ko.  Haaayyy... Un lang talaga, eh.  Hindi na talaga tama.  Ayaw ko na rin po talaga pero paano ba??

Father,
Salamat po sa unlimited blessingsss, unending grace at unconditional love Nyo sakin.  No matter what happens please give me the heart that is willing to obey You.  Prune me, O Lord, that I may bear more fruits for You.  Amen.


Wow!  Summing up.  I'm still grateful.  Iloveyou, Lord!  :')

1.57AM

No comments:

Post a Comment