Bagong Kwaderno para sa aking mga bagong kaisipan.
Gayun din sa mga luma na maaring 'di ko pa pinaaalam.
Bagong Kwadernong maari mong buksan.
Halika't buklatin at basahin ang nilalaman.
Bagong Kwadernong hayagan ng pakiramdam,
Mga ideya, mga pangarap at iba pang saka na natin malalaman.
Bagong Kwadernong maaari nyo ring sulatan,
Inyong kuro-kuro ay akin ding pakikinggan.
Lumang kwaderno'y hilig ko rin talagang sulatan,
Ngunit siya ay aking bahagyang nakalimutan.
Hindi na naging madalas ang aming usapan
Nang ako ay matutong makipagkwentuhan
Ngunit hindi lahat ay kayang ihayag ng bibig
May mga salita na sadyang kinakabig
Mga nilalaman ng puso at isip
Minsa'y sa hangin na lang iniihip
Kaya sa pagsusulat ako'y magbabalik
Kasama ang Bagong Kwaderno na may pananabik
Hello sa kwaderno ng pagbabahaginan!
Sa mga pambabasa sana'y maging kapakinabangan.
:D :)
No comments:
Post a Comment