Wednesday, September 2, 2015

Wordpress. Blogger. Tumblr.

Meron akong tatlong blogs.  Pero nagsisimula pa lang talaga ako.

Ganito ko i-describe ang tatlo kong blogs sa iba't ibang sites.

Wordpress - Parang pro.  Kauna-unahan kong blog na na-create noong isang taon.  Hindi ko na ito ginalaw pakatapos magpost na isang artikulo.  Simple lang ang blog ko rito pero 'pag tinitignan ko feeling ko may dating.  Hahahah.  Sikreto lang ang blog na ito.  Ok lang mabasa ng iba baka sakaling makatulong din sa kanila.  Pero ayoko pang ipaalam na ako ang nagsulat.  Gusto kong magsulat muli rito.

Blogger - Random at madaling gamitin.  Ito na 'yon.  Na-excite ako sa blog na 'to.  Bagong diary/journal na pwedeng sulatan ng kahit ano at pwede ring basahin ng iba (kung pinupublish XD).  Na-curious lang talaga ako sa blog ng isang kaibigan (na nagpayo rin sa aking isulat ang mga kinuwento ko sa kanya) kaya ako napunta rito.  Wala rin akong cellphone ngayon kaya dito ko nabubuhos ang ibang lakas at oras ko.  Feeling ko free akong maglagay ng kahit ano at hindi ko kailangang maging pormal.  (Epekto rin siguro ng mga unang blogs na nabasa ko rito).  At ang nakakatuwa pa, nananagalog ako.  Hehehe.  Pilipino naman ako at mukhang marami ring Pilipino rito.  Pakiramdam ko nga lang limited ang magagawa rito (o 'di ko pa lang na-eexplore).  Parang bitin?

Tumblr - Cool lang i-share?  Feeling ko madaling i-share at willing akong i-share.   Kamukha ng instagram pero may mahabang caption (obserbasyon ko sa tumblr ng kaibigan ko).  XD  Pwede ring feeling ko lang 'yon.  Hehehe.  Kagagawa ko lang kanina.  Gusto ko kasing lagyan ng details kung paano gawin ang mga instructional materials na ipinost ko sa instagram para maging mas kapaki-pakinabang sa mga gurong magbabasa.  Nagrequest din kasi ang kaibigan ko na magshare pa more ng mga preschool activities dahil gagayahin daw niya.  Kagagawa ko lang nito kanina pero 'di ko pa nalalagyan ng laman.  Saka na siguro 'pag meron na ulit akong makapangyarihang cellphone para pangkuha ng larawan.  Na-eexcite ako pero hindi ko sure kung ifi-feel ko ba ito o babalik ako sa wordpress.

Ang dami 'no?  Gusto ko nga sana isa lang, eh.  Redundant na ata kasi may facebook at instagram pa ako.  Pero sabagay, hindi naman ako masyadong nagpopost doon ng mahahabang artikulo na gaya nito.  Alin ba ang pinakamainam sa tatlo?  Depende siguro sa paggagamitan.  Kailangan kong magset ng objectives para makapili ng tama.

Ang dami kong gustong isulat.  Gusto kong magcreate ng blog para sa random thoughts ko lang at sa sharings para sa mga kapwa guro ng Kinder.  Gusto ring magsulat ng mga kwentong pambata, devotional book, at marami pang iba.

Sa ngayon, ito na nga lang muna.  Andito ako sa Blogger at nagttype ng mga nasa isip ko na parang wala akong tatapusing trabaho.  Hahahaha.  Enjoy naman.

Hello, Bagong Kwaderno!  Natutuwa ako sa'yo.  Tulungan mo akong makaipon ng gutts na magshare pa ng thoughts ko.  Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mananatili rito.  Basta, sa'yo ko muna ibubuhos ang aking mga pangarap.  Labyu!  :D



Publish?  Publish.  Ok lang 'yan.  Hahahahaha.

 

No comments:

Post a Comment