Sunday, September 27, 2015

Dear Lord

Dear Lord,

Thank you po sa lahat-lahat.  Salamat kasi na-live ko kahapon ang purpose ko sa mundong ito: pangalagaan ang kalikasan at i-share ang word Nyo.  Thank You po sa experience, new friends, at learning.  Thank You po sa adventure sa pagtretreck ng kagubatan (kahit medyo bitin ako) at sa opportuniting magtanim ng puno kasama ang Environmental Science students ng TUP at iba't iba pa pong organizations.  Thank You po kasi hindi Nyo po ako hinayaang magsawalang kibo na lang noong pinagtatawanan Ka ng mga Atheist at kinekwestiyon nila ang Biblia, lahat ng nagawa Mo at ang pananampalataya ng mga Kristyano.  Maraming salamat po dahil kahit na ganoon ang paniniwala nila ay naniniwala pa rin sa'yo ang kanilang mga anak (Kristel at J...).  Super thanks po, Lord, sa courage to stand up and proudly tell them that I'm a Christian.  :D  Thank You rin po dahil na-encourage talaga akong may kasama akong Kristyano doon (Kuya John).  Kahit ngumiti lang Siya noong tinanong Siya kung ano pa ang masasabi Niya tungkol sa faith Niya, ung alam ko lang may kasama ako ay super uplifting na.  :))  Thank You po... Thank You... Pati po pala sa Kuya ko na katext ko at that moment.  At least, may napaglalabasan ako ng thoughts ko at feeling ko mas nao-organize ang mga bagay-bagay.  Hehe.

Thank You po dahil naabutan ko ang AlDub sa bus at sa paradahan ng tricycle, at sa experience to teach those kids (Rommel, Batusai, Joseph,...) in front of Stamall while waiting for my date.  Thank You po kasi may sumabay sa aking kumain.  At salamat salamat salamat po dahil sa wakas ay nakapagturo na ulit ako ng Sabado sa kids sa church.  Ang tagal din akong kinulit nina Bea at Zab para doon.  hehehe.  Thank You po, Lord, sa lahat-lahat!  Napakabuti Nyo sa akin.  :)

Sorry po...kasi feeling ko ang weak ko... At sorry kasi hindi ko nagagawa ang iba ko pang mga dapat gawin dahil sa sobrang pag-iisip.  Sorry po kasi hindi ako nakakain ng tama kahit alam ko naman na dapat kong alagaan ang katawan ko dahil ito ay templo ninyo.  Marami akong hindi magagawa 'pag mahina ako physically...at emotionally.  Sana po patatagin Nyo pa po ako.  "Jesus, be strong in my weaknesses.  Empower me..."

Alam Nyo po ang lahat ng concerns ko sa buhay.  Alam Nyo po lahat.  Wala po akong maitatago sa Inyo.  At alam ko pong alam Nyo kung ano ang nararapat.  Kayo po ang magpatatag sa aming akin at sa aming pamilya.  Pagalingin Nyo po si Mama.  Kayo po ang best doctor at wala pong imposible sa inyo.  Please po, Lord... :')  Please po....

Tulungan Nyo rin po sana ako sa concerns ko sa school at iba pang mga bagay.  Alam Nyo na po iyon.  Gabayan Nyo po ako sa pagdedesisyon sa mga bagay-bagay.  Tulungan Nyo rin po akong pagbutihin pa ang pagtuturo ko at iba pang mga gawain sa school.  Palakasin Nyo po ako palagi...kahit ano pa man ang mangyari.  Alam ko pong palagi Nyo po akong sinasamahan.  Thank You po...

Lord, alam Nyo po ang desires ng heart ko.  Alam Nyo po ang lahat ng mga pangarap ko at gusto kong mangyari sa buhay.  Alam Nyo po ang nararapat.  Ipinagkakatiwala ko po sa Inyo ang lahat-lahat.  Sa makapangyarihang pangalan ni Hesus.  AMEN!  :D


Lubos na nagtitiwala,

Mai :)

No comments:

Post a Comment