Habang nag-iisip ako ng ituturong kanta sa mga bata, naisipan kong magsulat at tumipa ng gitara. Epekto ng pagbababad, walang pasok at bagong capo.
Hindi talaga ako eksperto sa pagco-compose pero salamat sa Diyos dahil nakapagsulat ako. 'Di ko sure kung pambata ba ang tono at undecided na naman ako sa title, as always. Kailangan ko pa rin ng mag-aarange. XD :)
Hindi talaga ako eksperto sa pagco-compose pero salamat sa Diyos dahil nakapagsulat ako. 'Di ko sure kung pambata ba ang tono at undecided na naman ako sa title, as always. Kailangan ko pa rin ng mag-aarange. XD :)
Ang Dila
Intro: D-G-Bm-A
I: D-G
Sabi ng Bibliya ko
dila raw ay
may kapangyarihan
parang apoy
tumutupok ng kagubatan
II
Masasamang salita’y
minsa’y nasasabi
mga salitang ‘di na mababawi
kaya atin munang
siyasatin ang sarili
Refrain: A-Bm
Payo ko sa’yo..o aking kaibigan
Mga sasabihi’y pag-isipan mo
wooooo
Chorus: D-A-Bm-G
Makinig makinig ka muna
‘Wag agad magbibitaw ng salita
Maging mahinahon ka, maging mahinahon ka
Makinig makinig ka muna
'Wag agad magbibitaw ng salita
D-A- G-Bm-A
Maging mahinahon, sa bawat pagkakataon
G-A-D
Hingin ang tulong ng ating Panginoon
Instrumental: D-G-Bm-A
III. D-G
Papuri sa Diyos
at panlalait sa kapwa
ay lumalabas
sa iisang dila
‘Wag hayaang
sa’yo ito makita.
(Ulitin ang refrain at chorus)
Instrumental: D-A-Bm-G 2x
Coda: D-A-Bm-G
Makakabuti, makatutulong, makpagpapagaan ng loob,
makapaghihikayat, salitang may pag-ibig
No comments:
Post a Comment