Friday, September 11, 2015

Mga lumang kwaderno

Naglinis ako ng kwarto at marami akong natagpuang mga bagay na hindi ko na pala nabibigyan ng pansin.
Mga lumang gamit, dating paninda, mga aklat, instructional materials, mga larawan, lumang ticket sa bus...at napakaraming basura.
Ang dami kong itinapon.

Nakita ko rin ang mga luma kong kwaderno.  Iba't ibang klase.  May mga kwaderno sa pag-aaral, lovelife at kung anu-ano pa.  Pero ang pinakamahalaga sa mga kwadernong nakita ay iyong journal na sinulatan ko araw-araw noong nagtuturo pa 'ko sa FCPC.  Un ung time ng pagbabasa ko ng books ng New Testament at nagpopost ako ng repleksyon sa literal na wall ko sa faculty.  Waaahhh...  Kumakalat na ang tinta sa mga pahina nun.  Naku, naku, naku.  Bakit kasi HBW ang ginamit kong ballpen, e, alam ko naman noon pa na ganoon ang epekto nun sa papel paglipas ng mga taon.

Kailangan ko 'yong ma-preserve.  Napakahalaga sa'kin nun.  Ano bang gagawin ko?  Mag-eencode?  Naku, naku, naku.  Kailangan ko ng camera.  Kailangan ko ang makapangyarihang cellphone ko para ma-preserve ang mga nakasulat.  Pero sira nga un, eh...

Buti may mahihiraman.  Mamaya ka.

(Isinusulat ko ito rito upang aking maalala.)  :)

waaahhhh..hahaha

No comments:

Post a Comment