Sa mga mambabasa, ito ay aking personal notes at reflection sa message ni God sa akin. Na-realize ko lang na maaaring hindi ka maka-relate dahil magkakaiba talaga ng issues ang mga tao. Maaring magkaiba tayo. :)
Thank You, Lord...
- quiet time moment
- holiday
- lessons from good and not so good experiences this week. Wala talagang experience na nasasayang. Sa lahat, may natututunan.
- people who cared at my lowest :') (Ma'am Jen, Lalan, prayer meeting group, Kuya)
- prayer meeting, conversation with friends and love ones
- just everything
- self-control
- hope
- encouragements
Sorry, Lord...
- being unprepared in class
- not so good thoughts and words
- letting my emotion affect my work...and other things that I do
Lord,
Malungkot pa rin po talaga ako. Bakit naman sabay-sabay... (o sunod-sunod)? Hindi po ba pwedeng one at a time? Pero alam ko naman pong alam Nyo ang ginagawa Nyo. Haaay... Alam ko namang hindi Nyo ito hahayaan kung walang magandang dahilan at hindi ko kakayanin. Nagtitiwala po ako sa Inyo. Alam kong kontrolado Nyo po ang lahat. May dahilan. :) Hindi rin naman magsasabay kung hindi ako nagpaapekto sa naunang pangyayari. Sorry po...
3rd John
"Nothing makes me happier than to hear that my children live in the truth." -1:4
"My dear friends, do not imitate what is bad, but imitate what is good. Whoever does good belongs to God; whoever does what is bad has not seen God." - :11
"...talk personally."
"Peace be with you. All your friends send greetings. Greet all our friends personally." - :15
1. May mga katotohanan sa buhay ko na nahihirapan akong tanggapin. Actually, hindi ko nga alam ang katotohanan na iyon, eh. Ayoko kasing alamin dahil natatakot ako sa katotohanan na iyon. Baka kasi masaktan ako...kami pareho. Pero totoo rin ang sinabi ng kaibigan ko, "The truth shall set you free." Makikita rin sa Bible 'yon at totoo naman talaga! 'Pag alam mo na ang katotohanan at nabubuhay ka sa katotohanan, mas madaling kumilos. Mas madaling magmove forward. Hindi kailangan ikulong ang sarili sa pagpapanggap. Kailangan kong maging matapang. Mas magiging masaya si Lord 'pag naging matapang akong harapin ito. Ano nga ba ito? Kailangan kong malaman.
2. "Ano, nagbago na siya kaagad?", sabi niya sa co-teacher noong tinatanong siya tungkol sa akin.
"Di ba sinabi ko sa'yo 'wag kang padadala sa sistema!", galit niyang sinabi habang kinakausap ako.
"I'm disappointed! Mataas ang expectation namin sa'yo! Sa lahat ng teachers, ikaw ang pinakapinapaboran namin dahil sabi mo gusto mong magturo sa remote areas. May pinaboran ka pa namin kesa kay (nilagay sa central). Ano'ng nangyari sa'yo? Bakit sabi nila ganito?!"
Walang akong magawa kundi makinig, yumuko at tumango, "Sorry po, naiintindihan ko po."
Kung bakit ba naman kasi kung kailan pa ako hindi ok, naiwan ko ang lesson plan ko, at hindi ako prepared ay saka pa siya dumating. Dumating siya sa panahon na magulo ang lahat, walang tumutulong sa akin at nasa tuktok ako ng aking emosyon. Haay... bakit?
"Laman ka ng simbahan."
"Mataas ang expectation namin sa'yo!"
"Mahirap nang ibalik ang tiwala ko"
Pauli-ulit pa niyang sinabi na mataas ang expectation nila sa'kin dahil sa interview ko at mga ipinakita ko noong una.
Hindi ko naman sinasadya. Hindi naman ako ganoon magturo. Alam ng mga bata at ng co-teachers ko 'yon. Alam din 'yon ng principal dahil maayos ang klase tuwing pinupuntahan niya ako sa room. Alam nila 'yon... pero pambihira talaga ang eksana. Na-judge na ako agad!
Pero totoo naman, may mga pagkakamali rin ako. Hindi dapat naaapektohan ang trabaho dahil sa kung ano pa man ang nararamdaman ko. For sure, ma iba pang mga guro na mas mahirap ang pinagdaraanan kaysa sa akin...pero kinakaya nila! Kakayanin ko rin. Hindi dapat ako padala sa sistema ng pagiging "wala lang" sa pagtuturo kahit ano pa man ang mangyari. Mahal ko ang mga bata...at misyon ko ang turuan sila ng maayos at tama. Dapat mas sipagan ko pa...mas masipag pa kesa sa sipag ko noong una.
Salamat pa rin sa pangyayaring ito. Marami akong natutunan. Kahit pa sabihing valid ang reason ko sa pag-absent sa seminar, mali pa ring hindi ako nagtext sa principal. Hindi ko alam ang number niya pero dapat inalam ko. Mali talaga ako. Salamat sa Diyos sa realizations!
Hindi dapat ako palamon sa kalakaran sa public schools. Kailangang maging daan ako nang pagbabago!
3. Namimiss ko na ang marami kong kaibigan. Nawawalan na ako ng oras sa kanila dahil sa maraming ginagawa. Plano ko ngang sulatan ang isa sa kanila dahil hindi kami magtagpo ng sched sa school... o nagkakansel ako ng sched na napag-usapan. Pareho kaming busy. Marami na kaming na-miss sa isa't isa. Maraming gusto ikwento at ipagpray ng magkasama. Kailangan naming mag-usap ng personal. Buti sasama siya sa UP sa Sabado. Bibigan ko na po siya ng time. :)
Dear Lord,
Amazing ka talaga! Alam ko naman pong iba ang tinutukoy Nyo sa aklat na ito...pero salamat po sa mensahe para sa akin. Magkakaiba talaga ng concerns ang mga tao pero ang galing po ng Word Nyo na mangusap sa bawat isa. Thank You, Lord Jesus! Amen! Amen! Amen! :D
No comments:
Post a Comment