Friday, September 11, 2015

Quiet time - James 2

Good morning, Lord!
My journal (notebook) has no more room for ink so I'll be using this today.  :)

Thank You, Lord...
-holiday and time to rest
-e-mails and chat with friends
-plans for a get together
-new notebook
-laughter, laughter, laughter

Sorry, Lord...
-laziness and procrastination

Haaaayy....
Sorry po kung naiinis po ako tuwing nagagalit si Mama pero kasalanan ko rin naman.


What's your message for me today, Lord?

James 2

"My friends, as believers in our Lord Jesus Christ, the Lord of glory, you must never treat people in different ways according to their outward appearance." :1

Dapat pantay-pantay ang tingin at respetong ibibigay sa bawat tao, mayaman man o mahirap.
Naalala ko tuloy sa PTA meetings at klase.  Dapat hindi lang ang kayang magbayad sa mga projects ang binibigyan ng atensyon kundi lahat ng mga bata.  Wala dapat favoritism o kung ano pa man.

"Whoever breaks one commandment is guilty of breaking them all." :10
"Speak and act as people who will be judged by the law that sets us free." :12

At ayun nga.  Aminado ako na minsan fail talaga ako sa pagsunod sa dyan.  Hindi ko kayang sundin ang lahat ng commandments ng walang mintis.  Lalo na 'pag naiinis ako sa mga batang makukulit tapos nasisigawan ko, at 'pag naiinis akong pinagsasabihan ako ni Mama na mag-ayos ng kwarto ko...kahit alam kong tama naman siya.  Haay... Sorry na po.  Hindi man ako nagjujudge sa outward appearance ng tao, hindi ko napapakita sa kanila ang love nyo 'pag nagiging mainisin ako.
grace...grace...grace...
Tulungan nyo po ako, Lord, na maging mas mapagpasensya sa mga tao sa paligid ko.  At tulungan nyo rin po akong maging masunurin sa mga magulang ko.

"So it is with faith: if it is alone and includes no actions, then it is dead." :17

Tama, tama, tama!  Hindi pwedeng naniniwala ka lang na may iisang Diyos na buhay kundi nakikita rin ito sa buhay mo: sa mga salita at gawa.  Walang silbi ang salita kung hindi naman nakakakitaan ng gawa.  Even the demons believe-and tremble with fear.  Ano'ng pinagkaiba ng isang Kristyano?  May kilos at gawa.

Parang si Abraham.  Dahil may faith siya kay God, hindi siya nag-alinlangang i-offer ang anak niyang si Isaac.

"Can't you see?  His faith and his actions worked together; his faith was made perfect through his actions." :22

So ako, paano ko ba maipapakita sa aking mga gawa ang aking pananampalataya kay Jesus?
Apply, apply, apply!  Sayang ang mga natututunan kung hindi naman sinasabuhay.


  • Maglinis ka ng kwarto, Mai.  Paraan ito ng pagpapakita ng respeto kina Ma at Pa...pati na rin sa sarili mo.
  • Magwalis ka ng bakuran.  WAaaaah!  Utos 'yan ni Ma dahil wala ka namang pasok.  Gawin mo.  sumunod ka.  Ephesians 6:1  :)
  • Tapusin ang trabaho bago ang ano pa man.  Nakakahiya naman kay Lord na nagbigay sa'yo ng trabaho.  Nakakahiya naman sa mga batang tuturuan mo.  Mas patient ka sa kanila 'pag prepared ka sa class, di ba?  Trabaho bago date.  ;)
  • Parehong irespeto ang mga kapitbahay sa kaliwa at kanan...mayaman man o mahirap...at lahat pa ng mga taong makakasalamuha mo ngayon, bukas at sa mga susunod pang mga araw.
  • Ituloy ang storytelling sa kids para matuto pa silang magbasa.  'Yan talaga ang dahilan kung bakit ka binigyan ng mahabang break.
  • Ipunin mo na ang fund mo for retired pastors at ibalik ang fund for kawang-gawa.  Ayusin mo na ulit ang budget mo.


"You see, then, that it is by our actions that we are put right with God, and not by our faith alone."  :24

"So then, as the body without the spirit is dead, also faith without action is dead." :26


Yey!  Done.  Thank You, Lord, for Your word.  Ang dami pong dapat gawin ngayong araw.  Nawa po ay magawa ko ang mga ito upang makita Kayo sa kilos at gawa ko.  Amen.  Amen.  Amen.

No comments:

Post a Comment