Thank You, Lord...
-naayos ko na po ang kwarto
-nakapagwalis ako sa labas kahapon
-maraming napulot at naipon na kayaman sa mga bag at sulok-sulok ng kwarto (para po un sa retired pastors. ;))
-may bago akong capo c/o Lalan
-maayos na sharing of ideas tungkol sa faith at church. Masaya po ako 'pag pinag-uusapan un ng walang pagtatalo. Salamat po sa wisdom at kahinahunan.
-good vibes na background music habang naglilinis (https://soundcloud.com/awitkayyahweh1) Favorite song ko na po ung Pasasalamat. :))
-chat at tawanan with college bestfriend
-laughter laughter laughter at throwback memories and pictures with college barkada. Yey! Happy birthday kay Csai! :D
-natapos at nabigay na ni Lan ung ibang DepEd IDs ng co-teachers ko.
Sorry po, Lord...
-hindi natapos na gawain
-pagsagot sa magulang...or hindi magandang tono sa sagot
Sorry po talaga. Ayoko po kasi ng paulit-ulit. Unang sabi pa lang ginawa ko na, inulit-ulit-ulit pa. Pero mali pa rin po ako. Sorry po kasi naging impatient ako at hindi ko agad naisip ako na marami lang iniisip si Mama...pressured at stressed. Tulungan Nyo po akong maging mas understanding pa at patient. Bigyan Nyo po ako ng self-control para hindi ako agad-agad magagalit... "quick to listen, slow to speak, slow to become angry."
James 3
The tongue
Hindi pwedeng maging teacher ang lahat. 'Pag teacher ka, mas prone ka sa pagkakasala kung hindi mo pag-iisipan ng maayos ang mga lalabas sa bibig mo. Maraming makikinig sa'yo at mas madaling ma-judge. 'Pag teacher bawal magkamali kaya dapat careful talaga sa mga bibitawang salita.
Ang dila ay makapangyarihan. Para itong maliit na apoy na kayang tumupok ng buong kagubatan. Isipin mo, isang salita lang na nakakasakit ay kaya nang tumupok ng damdamin. Isang tsismis lang ay pwede nang kumalat at makasira sa pagkatao ng isang tao. Grabe, ano?
Ang problema, "no one has ever been able to tame the tongue. It is evil and uncontrollable, full of deadly poison."
Ang hirap kontrolin ng dila. Naalala ko tuloy kahapon habang nagkwekwentuhan kami ng college barkada ko sa FB. Nagthrothrowback kami tungkol sa mga nakaraan at nadamay na rito ang mga ex nila. Nag-away tuloy ang isa naming kaibigan at ang boyfriend niya. May mga hindi magagandang comments ang boyfriend niya na binura rin kaagad...ng kaibigan namin. Para sa'kin, ang insecure naman niya. Past is past. Nagselos sa papel. Pero dahil ganoon nga, nagdulot ito ng konting katahimikan at dinaan na lang namin sa PM ang mga pag-uusap. Oo nga pala. Hindi naman kasi lahat ng bagay ay pwedeng pag-usapan sa publiko. Sa likod ng mga tawanan at kwentuhan, may mga tao rin palang maaaring masaktan ng hindi mo nalalaman.
"We use it [tongue] to give thanks to our Lord and Father and also to curse other people, who are created in the likeness of God. Words of thanksgiving and cursing pour out from the same mouth. My friends, this should not happen!
No spring of water pours out sweet water and bitter water from the same opening.
A fig tree, my friends, cannot bear olives; a grapevine cannot bear figs, nor can a salty spring produce sweet water."
Now, what? What should I do?
Sinisikap ko talagang pag-aralang i-tame ang tongue ko noon pa. Mahirap pero kahit papaano naman ay kinakaya. Syempre, hindi ko talaga ma-perfect pero ito ang mga pinagsisikapan kong gawin.
- Listen - Intindihin munang mabuti ang sinasabi ng kausap bago magreact. Saan ba siya nanggagaling? Baka naman tama siya. Marami nang tagapagsalita sa mundo, kailangan natin ng tagapakinig.
- Zip your mouth - Be slow to speak (James 1 :19). Pag-isipang mabuti ang mga bibitawang salita. Kung wala ka namang magandang sasabihin, 'WAG ka na lang munang magsasalita. Tumahimik ka. Kung magyayabang ka lang para sa iyong sarili, 'wag na. Hindi naman 'yon kailangan. Kung trip mo lang mangtsismis, shhhh... Keep it to yourself.
- Control your emotions - Don't let your emotions control you. 'Pag galit ka, huwag mong hayaang ma-lead ka nito sa pagkakasala. 'Wag magbibitiw ng salita na magsisisihan mo rin sa huli.
- Use encouraging words / constructive criticism - May mga puna talaga na kailangang sabihin upang makapagdulot ng pagbabago. Kailangan lang isaayos ang mga salitang sasabihin bago ito bitawan. Ilagay ang sarili sa kinatatayuan ng kausap. "Do not use harmful words, but only helpful words, the kind that build up and provide what is needed, so that what you say will do good to those who hear you." (Ephesians 4:29)
- Speak the truth in the spirit love (Ephesians 4:15) - Kahit tama ang sinasabi mo, iba pa rin ang epekto nito 'pag mali ang tono. Sabihin ito ng maayos at sa diwa ng pag-ibig. Check your heart din, okeiz? :)
- Read your Bible - Fill your heart with good things. For the mouth speaks what the heart is full of. (Luke 6:45) Ano ba ang laman ng puso mo? Ano ba ang fini-feed mo sa sarili mo? Kung si Lord ang laman nyan, kusa 'yang magfloflow. Ganun din, kung puro galit ang laman, 'yon din ang lalabas.
- Pray - "Lord, kayo po ang magprovide ng words para sa akin. Bigyan Nyo po ako ng wisdom. Please speak through me." Ito ang prayer ko 'pag hindi ko alam ang sasabihin ko pero feeling ko may kailangan akong sabihin. Effective. Mas nakakapag-isip ako ng maayos at yes, nagproprovide Siya ng perfect words to say...na minsan feeling ko hindi na talaga ako ang nagsasalita. The best talaga si Lord!
Dear Lord,
Thanks po sa reminderssss at sorry po talaga kung minsan o madalas ay hindi ko na pipigilan ang sarili kong magsalita ng hindi tama. Salamat po sa grace Nyo kasi kahit na ganoon ay ginagamit Nyo pa rin po ako to spread Your word. Tulungan Nyo po akong i-tame ang tongue ko at nawa ay encouraging words at praises lang para Sa'yo ang lumabas dito. Thank You, Lord. Amen. Amen. Amen. :*
No comments:
Post a Comment