Wednesday, March 8, 2017

Bakit Hindi Tayo Nagkikita

Madalas tayong magplano ng lakad pero hindi naman natutuloy.  Minsan nga, tinatamad na ring magplano.  Bakit nga ba?  Bakit hindi tayo nagkikita?

Dahil malayo? Ilang oras ang byahe para lang magkita tayo.
Dahil magkakaiba ng oras ng trabaho?  Pang-umaga ako at pang-gabi naman ang ilan sa inyo.
Dahil busy?  May kanya-kanya tayong kaabalahan sa buhay at trabaho.

Dahilan nga ba talaga 'yon?  Madali lang naman sa'king gawan ng paraan makipagkita sa mga kaibigan, lalo na ung mga malalapit sa akin, kapag gusto ko.  Kaya kong bumyahe papuntang Taytay, makipagkita sa SM North o dumalaw sa bahay nyo.  Madali lang 'yon kahit busy ako at busy kayo...kasi gusto ko.  Nagagawa ko nga dati, eh.  Bakit hindi ngayon?

Na-mmiss ko na kayo at gusto kong makibalita sa inyo.  Gusto kong ma-update sa mga nangyayari sa buhay nyo.  Gusto ko kayong makita pero minsan, nahihiya ako.  Minsan, ayoko nang mag-initiate ng  kitaan.  Hindi dahil sa alam kong tatanggi kayo...kundi dahil ayokong magkwento.  Sigurado kasing kakamustahin nyo ako at hindi ako handang magkwento kung kamusta na ba ako.  Sigurado akong itatanong nyo kung kamusta na "kami" at hindi ko sigurado kung masasagot ko ba ang mga tanong nyo.

Pasensya na, ah.  Ang unfair ko ba?  Kaunti lang ang mga napag-kwentuhan ko.  Sorry kung madamot ako.  Hindi ko kasi talaga alam kung paano ba 'yon ikwento.  Hindi na rin naman kasi ata pinagsasabi pa ang mga ganun.  'Pag tinanong nyo siguro ako baka tumawa lang ako.  Hahahhaha

Kanina, kinamusta ko ang isa sa inyo.  Ayun, papunta siya ngayon dito sa bahay.  Nakaka-miss din kaya okay lang.  For sure, magtatanong siya.  Hindi ko alam kung sasagot ako 'pag nagtanong siya.  Hindi ako handa.  Hahaha.  Baka nga tumawa lang ako.  Maiintindihan kaya niya ang ibig sabihin ng tawa ko kung sakali?

Miss ko na kayo.  Sorry, ah.  Magkakabalitaan din tayo.  Magkikita rin tayo.  Pwede naman sigurong ibang bahagi na lang ng buhay ko ang ikwento ko sa inyo.  Hehehehe.

:)

No comments:

Post a Comment