Super touched ako sa video ng estudyanteng nagtuturo sa tabi ng daan. <3 Naalala ko ang mga batang tinuturuan ko rin noon. Ai, kaiyak. :')
Dear Lord,
Sorry po sa mga pagkukulang ko bilang guro nitong mga nakaraang buwan. Hindi ko po nabibigay ang best ko. Sorry... Salamat po sa grace at sa chance to be better sa mga susunod pang mga araw. Please continue to use me po for Your glory...kahit na feeling ko po hindi ako school teacher forever.
I-bless Nyo rin po si Dara Mae, ung estudyante sa video. Nawa'y patuloy po nyang gawin un at 'wag magbago sa mga susunod pang panahon.
I-bless Nyo po ang mga street kids. Kayo po ang mag-provide ng needs nila araw-araw at nawa'y tulungan Nyo po silang makaahon sa buhay. Ilayo Nyo po nawa sila sa mga panganib at magkaroon po nawa sila ng mabubuting impluwesya sa buhay. Crucial po kasi sa development ng bata ung age tapos nasa lansanan. :'( Mag-tap pa po kayo ng maraming tao para tumulong sa kanila.
I love You, Lord at super thanks po sa love and grace. Nawa'y ma-share ko pa po ito sa iba. Amen!
No comments:
Post a Comment