Pumunta ako sa coffee shop para magtrabaho. Madalas ako rito. Ang lakas ng tugtog nila ngayon pero ayos lang... Maganda naman ang kanta kaso medyo nakaka-distract. Hanggang sa nagpatugtog sila ng isang kantang medyo double meaning. Ang sakit sa ulo. Ayoko ng kantang 'yon.
"Saglit lang 'to. 3 minutes lang." Sabi ko sa sarili ko.
Tinakpan ko ang tenga ko pagdating ng chorus. Hindi ko na ata kaya pang ataying matapos ang kanta. Hindi ako productive. Huhu.
Hindi ko alam kung anong parte na ng kanta nung napalakas ang pagsasalita ko sa sarili. "Ang ingay!"
Haaay... Nakakahiya pero hininaan nila. Salamat sa Diyos!
Na-miss ko bigla ang Diligence Cafe. Darating ang panahon na magtatayo ako ng coffee shop kung saan mas masarap magtrabaho.
No comments:
Post a Comment