Monday, September 28, 2015

Saan ako tatakbo?

Saan ako tatakbo ngayong naguguluhan ako?  Ang daming concerns: sunod-sunod o sabay-sabay na pagkakasakit sa pamilya, pasaway na kapatid (haaay), issues sa trabaho at pera.  Wow!  Kasali pera?  Haaayyy.  Saan ba kukuha ng mas maraming pera pampagamot sa mga maysakit?  Saan?  Saan?  Saan???

Maghahanap ng sideline?  Lilipad sa kabilang mundo at doon magtuturo?  Saan ba?  Ahh, basta!  Sigurado ako ang Diyos ang magbibigay ng lahat ng aming mga pangangailangan.

Nitong mga nakaraang araw, kung kani-kanino ako tumakbo.  Sinubukan kong hanapin ang sagot sa aking mga tanong.  Hinanap ko sa pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan, sa Kuya, sa co-teacher, at sa boyfriend ko.  Nagbasa ako ng blogs at sinubukan ko ring magblog para mailabas ang lahat ng nasa isip ko.  Pero wala rin akong maisulat.  Walang salitang makakapag-express ng aking nararamdaman.  Umattend ako sa iba't ibang makabuluhang gawain: tree planting, pagtuturo ng mga bata...  Inaliw ko ang sarili ko.  Ngunit pagkatapos ng araw, alam kong may kulang pa rin.  Kulang talaga ang araw ng hindi ko nabubuklat ang aking Biblia.  Excited akong magbukas ng e-mails, text messages, facebook at kung ano-ano pa...pero wala pa ring tatalo sa kapanatagang dala ng pagbubukas ng Biblia.

Salamat sa Diyos dahil nandyan Siya na pwede kong takbuhan palagi.  Handang makinig sa lahat ng aking mga daing, handang umunawa sa aking mga nararamdaman at handang magbigay ng payo tuwing akin itong kailangan.  Minsan nga, kahit wala Siyang sabihin, basta alam ko lang na andyan Siya ay gumagaan na ang loob ko.

Tama!  Sa Kanya ako tatakbo at hindi kung kani-kanino pa.  Sa Kanya ko lang mahahanap ang kapanatagan.  Sa Kanya ko lang makikita ang liwanag.  Sa Kanya ko ipinagkakatiwala ang lahat.

No comments:

Post a Comment