pag di tayo magkasundo
tungkol sa bahay na titirhan
sa simbahang aattendan
sa pananampalataya tungkol sa Kristyanismo
Malungkot
Di ko maipaliwanag ang lungkot
Paano ang planong
Panghabambuhay na pag-iibigan?
Pagsasama sa isang bubongan?
Pag-aalaga ng mga anak?
Pagtanda ng magkasama?
Nasaan na ba napunta?
Napag-uusapan pa rin
Pero tila ba naliligaw na.
Nasaan na ba?
Saan ba tayo tutungo?
Sigurado ba tayo sa ating daan?
o di kaya'y mas kailangan pa
ng liwanag ng Araw?
Nasaan ba tayo?
Saan na nga ba tayo pupunta?
Ang alam ko lang,
Mahal na mahal kita.
Pero mas mahal ko Siya.
Si Jesus...Si Kristo higit sa lahat.
No comments:
Post a Comment