Saturday, November 28, 2015

..................

Blame the imbalanced hormones
Or the headache
Or the stressors
Or the situation
Whatever!

Please be patient with me, Lalan.  Ayaw ko rin namang magsungit pero sana 'wag kang magagalit sa'kin 'pag ganito ako.  Haaaay... Kailangan ko po ng pang-unawa at hindi away o galit.  Alam mo na ngang maraming iniisip, eh.  Hindi mo na po kailangang dagdagan.  Pleaseee.....bare with me.  I tried to be patient and kind.   I needed to be comforted but we ended up like this.  Me apologizing for my mood that you do not understand.  Tapos, nung umiyak ako saka lang tayo naging okay.  Pleaaaseeeeee understand po.  Haay!  Palagi na lang.  Haaaaayyyy...

How can I express myself with you if you fail to understand?  Ni hindi nga para sa'yo 'yong inis ko kundi sa sitwasyon na kinukuwento kahapon.  Ang tagal kong pinigil ang emosyon ko kaya nung tumawag ka kagabi akala ko time ko na mag-release...pero hindi pala.  Ano ang ine-expect mong kwento ng taong hindi alam ang gagawin sa ospital habang nakapila siya para magpa-discount at iniwan niya ang nanay niyang walang bantay?  Sinabi ko lang naman na naiinis ako sa kasi hindi man ang siya nakahiga at pera pa ang iniisip niya.  Yun lang.  Ni wala man lang comforting word from you.  Nainis ka lang sa tono ko.  Naramdaman ko un kahit hindi ka nagsalita...at inamin mo rin naman kanina.

Sana naintindihan mong hindi para sa'yo ung inis ko.  Sana na-feel mo ung hindi ko maipaliwanag na nararamdaman na nung kasasabi lang nasa ospital si Mama...bago mag-start ang contest sa Starmall.  Naiiyak na talaga ako nun pero kailangan kong maging matapang.  Pinilit kong ngumiti para encouraging pa rin sa batang iiwan ko ang mukha kong aalis.  Hindi ako umiyak kahit super stressed ako...dahil hindi ko makita ang ATM ko at wala akong pera.  Sana talaga naintindihan mo ako... pero ikaw na rin ang nagsabing hindi.  Sa'yo ko na nga lang nailabas ang mga nasa loob ko kahapon, eh. Sad!

Buti na lang okay na tayo ngayon.  :)  Kasi umiyak ako?  Hahaha.  Bakit ganun???  Kailangan ko ba talagang umiyak ako para maging okay tayo?  Palaging ganun.  Ako palagi unang magso-sorry.  Okay lang.  Alam ko naman talagang mali ang tono ko.  Pasensya ka na.  Hindi ko sinasadya.

Hindi ko talaga alam kung naintindihan mo ba ung side ko pagkatapos nating mag-usap kanina.  Siguro naman oo.  Pasensya ka na sa'kin.  Pasensya na talaga.

Buburahin ko rin 'to.  Pasensya na.

Wednesday, November 18, 2015

Mga Dapat Unahin sa mga Natitirang Oras

Nakauwi ako ng maaga.  Masarap sanang mag-facebook, kumain, tumugtog ng gitara, mag-practice ng piano, matulog, magdrawing o magsulat magdamag pero alam ko namang marami pa akong dapat unahin.  Magandang matapos ko muna ang mga gawain na mas mahahalaga bago ang mga gusto ko.

Anu-ano ba ang dapat kong gawin?

1. JOGGING/WALKING - Mag-jogging o maglakad papuntang Starmall mamayang 5:30 PM or 6:00 PM para maghanda sa darating na "Color Me Run".  Baka kasi sakit lang ng katawan abutin ko 'pag nabigla.  Syempre, idadamay ko na ang mga kasama kong pumupunta sa Prayer Meeting.  Makakatipid pa ako sa pamasahe namin.  Hehehehe.  Sana magawa ko 'to araw-araw.

2.  PRAYER MEETING - Nag-commit ako kay Lord dito.  Kailangan kong pumunta kahit na busy pa ako.  Sigurado akong maya-maya dadaan ulit dito ang mga kapitbahay naming kabataan para magtanong kung may Prayer Meeting ba.  Nakakahiya namang hindi pumunta si Ate Mai.  Alam ko din namang makatutulong din 'yon sa'kin at mas kailangan ko 'yon sa sitwasyon ko ngayon.  :)

3. CARDS - Kailangan ko nang simulang sulatan ang Progress Report Cards ng mga bata para ma-distribute ito sa takdang oras.  Hala, sa Biyernes na pala 'yon!  Alam ko namang wala halos dumadating na magulang sa paaralan kapag Biyernes pero kailangan ko pa ring maghanda.

4  DAILY LESSON LOG - Ang DLL ay dapat gawin araw-araw.  Ok, sorry na!  Maghahabol pa pala ako.  

5. FORMS - SF1 at SF2.  Haaay!  Hanggang ngayon hindi ko pa rin naiaayos.  Wala pa ring check sa Things to Do List ko noong nakaraang buwan sa tabi ng bed.  Ano ba 'yan?!  Hindi naman hinihingi ng kinauukulan pero dapat pa ring maging handa.  Hopefully, next week talaga!  Tapusin ko lang ang cardssss...  :)

6. VCS - Sa wakas, may assignments na kami para sa pagsusulat ng Vacation Church School manual.  Hindi ko pa binabasa kasi ayaw ko pang masyadong ma-pressure.  Dapat mabasa ko 'yon bago kami mag-meet ng Middle Elementary team sa Biyernes ng gabi.  (Buti na lang walang CG sa Biyernes.  Nabakante ang Biyernes ko.  Kailangan pa naman ng overnight.  Hooray!  :D)

'Yan lang muna.  Ayaw kong masyadong ma-overwhelm.  Priority ang prayer meeting at cards. :)



P.S.
Ipag-pray si Sir.  Waaahhh... Grabe na talaga siya.  Sinabi ko namang hindi ko pa binebenta ang Book2 dahil hindi pang bayad ang mga magulang sa Book1 taposss.....  Haay naku!  Ano 'yon gigipitin ko sila?  Ang dami na nga nilang gastos sa paaralan ngayon, eh.

Ok lang kung ako lang mapapagalitan.  'Di ko lang maatim na sinigawan na naman kami ng Grade leader ko.  Umiyak tuloy siya...at na-guilty ako.  Feeling ko kasalanan ko.  Bakit kasi nandadamay pa siyaaa...  PRAY!  It works.  It really works.  :)

Phil.4.13 ;)

Wednesday, November 11, 2015

Thank You, Lord!

I can't let a day go by without writing the things that I'm grateful for.  But since I cannot find my dear Pilot, I'll be listing on this blog again.  Worth sharing din naman ang mga pinagpapasalamat sa Diyos.  Hehehehe.  :)

Thank You, Lord...

- gumawa po ng activity si Carlo.  :') Hindi 'yon karaniwan at waaahhh...nayakap ko siya after.   Super thanks po, Lord, sa patience, love, mercy, grace.  :))

- Yushin na palaging nagsasabing "Love ko si Teacher Mai".  Nakaka-touch.  Thankful din po ako sa conversation namin kahapon tungkol sa love.  "Oo, Yushin, kahit makulit si Carlo dapat love pa rin natin siya."  Hahaha.  :D

- Nakapag-share kay Jenggai (Ma'am Jen) tungkol sa faith at nagagawa nito.

- prayer time with Ma'am Lot.  Nawa po ay gumaling na ang sipon at ubo niya at gayon na rin ang vertigo ni Ma'am Weng.  Nawa ay makapag-BS or prayer time na kami ng kumpleto mamaya.

- Pagkakataon na mag-share sa prayer meeting.  Nagamit ko ulit ang favorite notebook ko para i-share ang love and grace Nyo.  Yey!  :))  Wala po si Pastor kaya ako ang nag-lead.  Salamat po sa paggabay at paggamit sa akin bilang daluyan ng 'Yong pagpapala.  Salamat din po dahil may bago kaming kasama sa prayer meeting.  Ang sipag ni Shane mag-invite.  Nakaka-inspire.  :D

- conversations with Kuya.  I'm always thankful for this.  Marami akong natututunan at masaya ako 'pag nakakakuwentuhan ko siya tungkol sa kahit ano.  Napaka-open kasi at marunong makinig.  Nawa po ay gumaling na ang sipon at niya at matapos ang mga trabaho.

- Lalan na hindi nakakalimot kahit busy ako at busy rin siya.  At least!  Thank You, Lord.  Nawa po ay patuloy na kayo ang palaging maging center ng relationship namin...at nawa po ay 'wag Nyo kaming hayaang gumawa ng mga bagay na hindi nakalulugod sa'yo.  Ayoko na pong bumalik pa sa mga bagay na tinalikuran na.  :)

- another day.  Another chance to serve You, seek Your will and live life to the fullest!

Thank You, Lord!  :D

Tuesday, November 10, 2015

Para kina Arlsol, Razel, Ljay at Carlo mula sa frustrated nilang guro

You are so small but you always make the class go wild.  Sometimes, I feel like I'm in the zoo when you are around playing with each other.  Alam ko namang naglalaro lang kayo pero pakiusap, 'wag naman sa oras ng klase kung saan ang mga kaklase nyo ay gustong makinig at matuto.  Nahihilo ako tuwing tumatakbo kayo o may ibang ginagawa sa iba't ibang bahagi ng silid-aralan.  Ang dami ko nang ginawang adjustments para sa inyo.  Napapagod din ako.  May oras para sa lahat ng bagay.  'Wag nyo namang sagarin ang pisi ko, pakiusap.  Please... Ayaw ko kayong masaktan...physically and emotionally.

Bakit kayo ganyan?  Mali ba ang paraan ko ng pagtuturo.  Nabo-bore na ba kayo?  Kailangan ko bang magpalit ng strategy?  Bakit kayo lang ang ganyan?  Masyado bang mahirap para sa inyo ang mga pinapagawa ko?  Haay... Maaari.  

Arlsol, masaya akong nakikita kang masayang natuto tuwing tinuturuan kita pagkatapos ng klase.  Pero bakit ganyan ka sa klase ko?  Bakit iba ka na 'pag kasama ang mga kaklase mo?  Dahil ba sinasaktan ka ng Mama mo sa harap nila?  Arlsol, mahal naman kita at mahal ka rin ni Jesus.  Sana bumait ka na.  'Wag mong gawin sa kanila ang ginagawa ng Mama mo sa'yo, pakiusap.  Please, Arlsol.  Alam kong matapang ka pero 'wag ka na ring tumalon sa mesa.  Masyado 'yong delikado para sa'yo at ginagaya ka rin ng mga kaklase mo.  Pakiusap ikaw ang gumawa ng mga gawain sa paaralan.  Naniniwala akong kaya mo!  'Wag mo nang ipagawa sa mama mo, please.  Kakausapin ko ulit ang lola mo dahil alam kong hindi maayos ang pag-iisip ng iyong Mama.  Sana maging ok na ang lahat.

Ljay, nagpapasalamat ako sa Diyos dahil kahit makulit ka ay kaya na kitang pakiusapan ngayon.  Nakatulong din siguro ang isang linggong pagtu-tutor ko sa'yo.  Hehe.  :)  Mabait ka naman talaga noong una.  Hindi ko lang alam kung bakit bigla kang nagbago.  Ang alam ko lang, palagi mong binubulong sa akin na wala pa kayong pera tuwing may kulang kang gamit.  Ok lang naman 'yon, Ljay.  May nasabi o nagawa ba akong hindi tama?  Hindi ko maalala pero paumanhin kung meron man.

Palagi kang maraming tanong.  Palaging  kang may bagong kuwento tungkol sa iba't ibang mga bagay.  Natutuwa ako tuwing napag-uusapan natin si Jesus.  "Teacher, 'pag makulit ba ako ipapako ulit sa krus si Jesus?", "Teacher, kung bumaba talaga dito si Jesus bakit hindi ko siya nakita." Ang laki epekto ng Super Book sa'yo.  Nood pa more.  Nawa ay mas makikilala mo pa Siya at mas marami ka pang matututunan tungkol sa Kanya sa mga susunod na panahon.  ;)  Masaya akong gustung-gusto mong magbahagi sa akin ng kung anu-ano.  Nais ko lang ipaalala na hindi sa lahat ng pagkakataon ay ikaw ang magsasalita.  May mga pagkakataon din na kailangan mong makinig.  Sana makinig at sumunod ka rin kaagad.  :)

Razel, :) bakit ka ba nasama sa liham na ito?  Haay naku!  Ang dali mo kasing impluwenysahan.  Sana sa mga nakikinig na bata ka na lang magpaimpluwensya.  Hehe.  Love kita, makulit na bata!  :*  'Wag ka nang mananakit, ha?  'Wag ka na rin pong mangunguha ng hindi sa iyo.  Pwede ka namang manghiram sa kanila kung gusto mo talagang gamitin ang gamit nila.

Carlo, ohhhh dear Carlo, sinasaktan ka daw ni Dada mo?  *hug*  Kaya ka ba ganyan sa klase?  Please 'wag mo na pong uulitin ang panununtok kasi hindi po magandang nananakit tayo ng kapwa.  Mahal kita, Carlo.  Hindi ko lang talaga alam minsan kung paano 'yon ipapakita sa'yo.  Minsan kasi nahihirapan na talaga akong maging mahinahon.  Haaay, Carlo, kahit wala kang Papa at kahit na ganyan ang pamilya mo, sana malaman at maramdaman mong maraming nagmamahal sa'yo.  Mahal ka ni Jesus at mahal ka rin ni Teacher Mai.  :)  Bati na tayo, ha?  Sorry na kung sinarhan kita ng pinto.  Ikaw kasi, eh.  Lahat na lang kinulit mo.  Haaaayyy... Carlo, I feel so guilty remembering your face as I closed the door.  Sana pumasok ka pa bukas...pero... magpakabait ka, please. 


Love lots,

Teacher Mai :)

Monday, November 2, 2015

Another blog

I'm missing Word Press.
I want to go back but with another account.
I want to share my thoughts with my friends and other people but I just can't do it with this blog.

No, it's not because of the site.  I just don't want to share some thoughts I wrote on this blog. Haha.  It makes me laugh thinking about why I posted those but didn't really want to share. Oh, maybe just to express how I felt.

But I want another blog that I can freely share with my friends without any inhibitions.  Maybe I should start doing it.  Nothing will happen if I won't take the first step.  I better do it...but not now.  Maybe tomorrow after doing all my responsibilities for the day.

So, this will be my blog for some random stuff and sentiments I can't share with a lot of people and the other one will be for sharing.  Yes, I'll do it.  I'll be doing it.  Just wait.  :)


>>>I feel soooo much better with this idea.  :))

Hanggang Kailan

Minsan ninanais kong umalis
Upang muling magsimula
Sa mas positibong pananaw,
Sa paraang mas kaya kong ibahagi
Ang mga nilalaman puso at isip.

Nais kong magsimula muli
Ngunit ayoko ring umalis.
Marami nang pinagdaanan.
Marami nang alaala.
Baka naman umayos din ang lahat.

Hanggang kailan mananatili?
Kailan lilisan o kailangan ba talaga?
Baka naman hindi.
Baka naman okey na rito.
Puro na lang "baka"
Hindi malalaman kung hindi susubukan.

Susubukan ang alin?
Subukang umalis?
Subukang manatili?
Hindi ko alam.
Handa na ba ako?
Dito muna ako.

Habang nag-iisip,
Habang walang desisyon,
Mananatili ako,
Ipapahayag ang saloobin,
masaya o hindi masyado,
ng aking aking puso at isip.

Dear sissy,

You're always with your friends  or co-workers
Leaving the house alone
Not thinking if anybody's already home.

Why?

Don't you realize that we may part ways soon?
You'll never know when one of us will marry and leave this house.
I hope you'd come home earlier sometime.
And when you do, I hope you'd not be spending too much time with your laptop alone.
I hope you'd treat your family as your friends, too.

Pader

Hindi ko alam kung paano nagkaroon ng pader dito.
Kung ikaw ba o ako ang naglagay.
Basta ang alam ko komportable akong may pader.

Sumandal ako sa pader at naramdaman ang seguridad.
Hindi ako hinahayaang mahulog sa banging hindi ko alam kung gaano kataas.
Sa banging 'di ko tiyak kung may sasalo ba o wala.

Ngunit tila ba biglang nawawasak ang pader.
Hindi ko alam kung marupok ba o may tumitibag.
Nakakatakot.  Ayokong mahulog.

Hindi ko alam ngayon kung ano ba ang tama.
Mananatili ba ako o kailangan nang lumayo?
Delikado kasi 'pag nasira ang pader.

Kung 'wag na lang kaya akong sumandal?
Hindi ko rin sigurado kung ano ba dapat.
Baka naman hindi talaga mawawasak ang pader.

Sana nga matibay ito.
Sana kayanin pa ang bigat ko.
Gusto kong manatili ang pader nang hindi kinakailangang lumayo.