I can't let a day go by without writing the things that I'm grateful for. But since I cannot find my dear Pilot, I'll be listing on this blog again. Worth sharing din naman ang mga pinagpapasalamat sa Diyos. Hehehehe. :)
Thank You, Lord...
- gumawa po ng activity si Carlo. :') Hindi 'yon karaniwan at waaahhh...nayakap ko siya after. Super thanks po, Lord, sa patience, love, mercy, grace. :))
- Yushin na palaging nagsasabing "Love ko si Teacher Mai". Nakaka-touch. Thankful din po ako sa conversation namin kahapon tungkol sa love. "Oo, Yushin, kahit makulit si Carlo dapat love pa rin natin siya." Hahaha. :D
- Nakapag-share kay Jenggai (Ma'am Jen) tungkol sa faith at nagagawa nito.
- prayer time with Ma'am Lot. Nawa po ay gumaling na ang sipon at ubo niya at gayon na rin ang vertigo ni Ma'am Weng. Nawa ay makapag-BS or prayer time na kami ng kumpleto mamaya.
- Pagkakataon na mag-share sa prayer meeting. Nagamit ko ulit ang favorite notebook ko para i-share ang love and grace Nyo. Yey! :)) Wala po si Pastor kaya ako ang nag-lead. Salamat po sa paggabay at paggamit sa akin bilang daluyan ng 'Yong pagpapala. Salamat din po dahil may bago kaming kasama sa prayer meeting. Ang sipag ni Shane mag-invite. Nakaka-inspire. :D
- conversations with Kuya. I'm always thankful for this. Marami akong natututunan at masaya ako 'pag nakakakuwentuhan ko siya tungkol sa kahit ano. Napaka-open kasi at marunong makinig. Nawa po ay gumaling na ang sipon at niya at matapos ang mga trabaho.
- Lalan na hindi nakakalimot kahit busy ako at busy rin siya. At least! Thank You, Lord. Nawa po ay patuloy na kayo ang palaging maging center ng relationship namin...at nawa po ay 'wag Nyo kaming hayaang gumawa ng mga bagay na hindi nakalulugod sa'yo. Ayoko na pong bumalik pa sa mga bagay na tinalikuran na. :)
- another day. Another chance to serve You, seek Your will and live life to the fullest!
Thank You, Lord! :D
No comments:
Post a Comment