Bakit kayo ganyan? Mali ba ang paraan ko ng pagtuturo. Nabo-bore na ba kayo? Kailangan ko bang magpalit ng strategy? Bakit kayo lang ang ganyan? Masyado bang mahirap para sa inyo ang mga pinapagawa ko? Haay... Maaari.
Arlsol, masaya akong nakikita kang masayang natuto tuwing tinuturuan kita pagkatapos ng klase. Pero bakit ganyan ka sa klase ko? Bakit iba ka na 'pag kasama ang mga kaklase mo? Dahil ba sinasaktan ka ng Mama mo sa harap nila? Arlsol, mahal naman kita at mahal ka rin ni Jesus. Sana bumait ka na. 'Wag mong gawin sa kanila ang ginagawa ng Mama mo sa'yo, pakiusap. Please, Arlsol. Alam kong matapang ka pero 'wag ka na ring tumalon sa mesa. Masyado 'yong delikado para sa'yo at ginagaya ka rin ng mga kaklase mo. Pakiusap ikaw ang gumawa ng mga gawain sa paaralan. Naniniwala akong kaya mo! 'Wag mo nang ipagawa sa mama mo, please. Kakausapin ko ulit ang lola mo dahil alam kong hindi maayos ang pag-iisip ng iyong Mama. Sana maging ok na ang lahat.
Ljay, nagpapasalamat ako sa Diyos dahil kahit makulit ka ay kaya na kitang pakiusapan ngayon. Nakatulong din siguro ang isang linggong pagtu-tutor ko sa'yo. Hehe. :) Mabait ka naman talaga noong una. Hindi ko lang alam kung bakit bigla kang nagbago. Ang alam ko lang, palagi mong binubulong sa akin na wala pa kayong pera tuwing may kulang kang gamit. Ok lang naman 'yon, Ljay. May nasabi o nagawa ba akong hindi tama? Hindi ko maalala pero paumanhin kung meron man.
Palagi kang maraming tanong. Palaging kang may bagong kuwento tungkol sa iba't ibang mga bagay. Natutuwa ako tuwing napag-uusapan natin si Jesus. "Teacher, 'pag makulit ba ako ipapako ulit sa krus si Jesus?", "Teacher, kung bumaba talaga dito si Jesus bakit hindi ko siya nakita." Ang laki epekto ng Super Book sa'yo. Nood pa more. Nawa ay mas makikilala mo pa Siya at mas marami ka pang matututunan tungkol sa Kanya sa mga susunod na panahon. ;) Masaya akong gustung-gusto mong magbahagi sa akin ng kung anu-ano. Nais ko lang ipaalala na hindi sa lahat ng pagkakataon ay ikaw ang magsasalita. May mga pagkakataon din na kailangan mong makinig. Sana makinig at sumunod ka rin kaagad. :)
Razel, :) bakit ka ba nasama sa liham na ito? Haay naku! Ang dali mo kasing impluwenysahan. Sana sa mga nakikinig na bata ka na lang magpaimpluwensya. Hehe. Love kita, makulit na bata! :* 'Wag ka nang mananakit, ha? 'Wag ka na rin pong mangunguha ng hindi sa iyo. Pwede ka namang manghiram sa kanila kung gusto mo talagang gamitin ang gamit nila.
Carlo, ohhhh dear Carlo, sinasaktan ka daw ni Dada mo? *hug* Kaya ka ba ganyan sa klase? Please 'wag mo na pong uulitin ang panununtok kasi hindi po magandang nananakit tayo ng kapwa. Mahal kita, Carlo. Hindi ko lang talaga alam minsan kung paano 'yon ipapakita sa'yo. Minsan kasi nahihirapan na talaga akong maging mahinahon. Haaay, Carlo, kahit wala kang Papa at kahit na ganyan ang pamilya mo, sana malaman at maramdaman mong maraming nagmamahal sa'yo. Mahal ka ni Jesus at mahal ka rin ni Teacher Mai. :) Bati na tayo, ha? Sorry na kung sinarhan kita ng pinto. Ikaw kasi, eh. Lahat na lang kinulit mo. Haaaayyy... Carlo, I feel so guilty remembering your face as I closed the door. Sana pumasok ka pa bukas...pero... magpakabait ka, please.
Love lots,
Teacher Mai :)
No comments:
Post a Comment