Sunday, May 22, 2016

Kapayapaan

Natulog akong may luha, masakit ang ulo at nahihilo.
Hindi ko na nga natapos ang pagkain ko dahil dito.
Dahil siguro sa sunod-sunod na puyat
O kaya sa late na pagkain.

Tsk!  Mali 'yon, eh!

Pero nagising ako ng maaga ngayon.
May ngiti sa labi at masayang puso.
Dahil siguro sa malamig na panahon?
Hehehe.  Hindi pala.  Alam ko lang kasing kasama ko ang Diyos.

Ang tagal na rin naming hindi nag-usap ng ganito.
Natatakot kasi ako sa mga sasabihin Niya
kaya minsan, ipinipilit/ipinapakiusap ko ang gusto ko.
Naku, naku, naku!  Mali rin 'yon!

Salamat sa Diyos sa kapanatagan.
Waah...nakakaiyak.
Nakaka-touch na hindi Niya ako iniwan.
Nararamdaman ko ngayon ang kapayapaan.

Naguguluhan pa rin talaga ako
Pero naniniwala at nagtitiwala ako sa Kanya.
Wala na sa akin ang manibela.
Siya na ang bahala.

Alam kong magiging maayos din ang lahat.

:)


Dear Lord,

Sorry for driving my life recklessly.   Mali po talaga ako. Medyo puzzle pa rin po sa akin kung saan talaga ako pupunta pero nagtitiwala po ako sa Inyo.  'Wag Nyo na pong ibigay sa akin ang manibela.  Baka po mabangga o maligaw ako.  :)  Kayo na po ang bahala.  Amen!

No comments:

Post a Comment