Wednesday, May 4, 2016

Natutunan ko ngayon

Hindi pwedeng puro bitterness at pag-e-emote ang laman ng blog na ito.


I'm facing a big challenge right now.  Haaay.  Grabe, napakabigat.  Di ko alam kung kakayanin ko pa.  Ang hirap din magkwento kasi mabigat din ikwento.  Parang gusto ko na lang palipasin pero hindi ata 'yon makakatulong.

Lately, halos pag-e-emote na lang ang nasusulat ko rito.  Paumanhin.  Kahit hindi ko sigurado kung may nagbabasa nito maliban sa akin, paumanhin.

I wanted write positive thoughts.  I wanted to inspire readers (if there's any) pero mukhang naging labasan na lang ito ng ka-emohan ko.  Nagsusulat pa rin naman ako ng positive thoughts pero mas sa journal ko na lang.  Dumating din ako sa point na mahirap mag-share dahil nahihiya ako sa situation ko.  Ito lang talaga ang handy 'pag nag-e-emote ako at walang mapaglabasan (syempre, maliban kay God).

I also planned to create a new blog to start anew....pero ayaw kong iwan ang blog na ito ng ganito.  Hindi pwedeng malungkot ang ending.

Sabi ko sa description, "pangarap... pagsisikap... paglalakbay... pag-ibig... pag-asa"

Dito nakasulat ang aking mga pangarap (na may space pa para dagdagan), mga pagsisikap, at ilang karanasan sa pag-ibig (korni) at paglalakbay.  Parte ng paglalakbay ko ang mga pagsubok.  Hindi ko ito dapat sukuan at iwan na lang, dahil palaging may pag-asa.  Sabi nga ni Bamboo sa kanta niya, "Hangga't ako'y humihinga may pag-asa pa..."

Orayt!  Bawat umaga ay panibagong pagkakataon para magpasalamat sa Diyos, itama ang mga pagkakamali at maging masaya.

Napahaba na ang sinusulat ko, ah.  Hehe.

Gusto ko lang talagang i-share ang tinuro sa akin ni God ngayon.  Lately kasi nahihirapan akong mag-share dahil sa mabigat na dalahin.  Nahihiya ako...pero na-realize ko na kahit ano pang struggle ang pinagdadaanan, tuloy lang dapat sa pagpupuri at pananalangin kay God.  Palalayain din Niya ako.  Sa kabila ng sakit na nararamdaman, i-share pa rin ang kabutihan ni Lord.  Parang Paul and Silas lang.  ;)

Na-share ko 'yan sa churchmate kaninang nag-meet kaming dalawa para mag-prayer meeting.  Dapat i-apply ko rin.

Yey!  :))  Salamat sa Diyos!  Alam kong magiging maayos din ang lahat.  Antay-antay lang.  Unti-unti.  Dahan-dahan.  Tiwala lang.  May bukas pa!  ;)

No comments:

Post a Comment