Saturday, December 10, 2016

Set Me Free

I am sad...
A little depressed...
Maybe close to crazy.

My mind is like a jar
Filled with unnecessary things
Covering up all the joy.

I want to stop living the lie
I want to go out
And live in the truth.

I was wrong.
I was hurt.
I got to move on.

Been here for months now
And it's driving me more and  more crazy
Everyday.

This must stop!
I don't want to live this lie anymore.
I want to get out.

Oh, set me free!
Please set me free, Lord!
Please set me free...

Tuesday, October 25, 2016

A beautiful prayer

"Lord, thank you for the qualities I see in this guy. Please take my emotions and guard them. Enable me to keep my heart protected for my future husband. ...I leave the details in Your hands. May I not manipulate or grow impatient, but allow You to remain in complete control.  Amen. "

Sunday, October 16, 2016

I did not give it
But it made me sooooooo sad that he asked for it.
I thought he has changed.
I thought....
Or I just thought...

:'(

Sorry na po, Lord.  Mali ako.  Ygglfkmfksigmjjdjfskaófjfjammjjdndjfjdjs.  :'(

Nakaka-depress.

Monday, August 29, 2016

Hindi kita gusto
Pero nakita ko sa'yo ang mga katangiang hinahanap ko.  (Edi wow!)
Ayoko nang ganito
Magkaibigan tayo.

Nakakainis!
Pwede bang umalis?
Hindi mo rin naman ako ma-mmiss.
Hindi rin naman ikaw ang aking nais.
(At hindi rin naman ako ang iyong ninanais...)

Ayoko nang ganito
Hindi talaga kita gusto
Pero gusto ko ang pagkatao mo.
Kailangan ko na nga atang lumayo.

Ipinanalangin ko na ito noon
Matapos mong lumitaw sa panaginip ko...
Nang maka-ilang beses.
Errr... Nakaka-stress!!!

Bakit ikaw?
Bakit hindi na lang siya?
Pwede bang ilipat ang mga katangian mo sa kanya?
Hahahahahahahaha.

Ayoko na.
Bakiiit???
Wag naman.
Eeehhhhh...
Talaga ba?
Gersh!!!
Kainis!
Ano ba???
Bakiiit???




Okay. Kalooban ng Diyos ang masunod at hindi ang sa akin.
Unti-unti, dahan-dahan
Nahuhulog ako nang hindi ko nalalaman.
Sino bang nagtatanggal ng harang?

Ayoko rito.
Ayoko talaga.
Waaaaahhhh....

Unti-unti, dahan-dahan
Hindi ko man lang namalayan.
Pwede bang 'wag na lang?

Hindi ko sigurado kung anong babagsakan.
Natatakot na akong muling masaktan.
Makabubuti kayang umalis sa lang?

Unti-unti, dahan-dahan
Ano nga kayang patutunguhan?

Sunday, August 21, 2016

Payong

Wallpaper umbrella, rain, drops


Masaya ako noong dumating ka,
Dahil nagkaroon ako ng kasama.
Umulan man o umaraw ay nariyan ka,
Karamay sa lungkot at ligaya.

Marami na tayong lugar napuntahan,
Sa kagubatan, kabundukan at kung saan-saan.
Marami na rin tayong napagdaanan,
Palagi mo akong dinadamayan.

Ngunit nang nagising ako isang umaga,
Hindi na kita nakita.
Ipinagtanong ko kung nasaan ka,
Araw-gabi'y hinahanap kita.

Bakit mo ako iniwan
Noong malakas ang buhos ng ulan?
Akala ko'y magtatagal ang ating samahan?
Hindi ba kita lubos na napahalagahan?

Nasaan ka na?
Hinahanap pa rin kita.
Nahihirapan ako 'pag wala ka.
Sana ay bumalik ka na.

(image source: https://wallpaperscraft.com/wallpaper/umbrella_rain_drops_54299)

Tuesday, August 16, 2016

Kwentuhan

Ilang beses kong tinangkang magkwento sa'yo
Pero laging mas mahaba ang mga sasabihin mo.
Ayos lang naman.  Gusto rin kitang pakinggan.
Kaya nga ako nakikipagkamustahan.

Tenga'y pinagana, pinatigil ang dila.
Inantay ko ang pagkakataon na ako'y makapagsalita.
Pero naubos na ang oras ng kwentuhan
At tayo'y muling panandaliang nagpaalam.

Hahahaha.

Ganito siguro ang pakiramdam ng taong lagi kong kakwentuhan
Kapag may hindi naipahayag na pakiramdam.
Ganun talaga!  Pana-panahon lang 'yan.
Minsan nakikinig, minsan pinapakinggan.

:)

Masaya akong nakakabalita tungkol sa'yo
'Wag ka sanang magsawang sa akin ay magkwento
Handang makinig ang mga tenga ko.
Magsabi ka lang, tatahimik ako.

;)

Monday, August 15, 2016

Sunday, July 31, 2016

Mahogany ng Aking Ama

Buto ng Mahogany na natanggap ko noong Pasko.
Matagal ko nang gusto nang magtanim ng puno.
Tatanggapin ko ang kahit na anong buto.
Matagal ko itong hiniling hanggang sa may magregalo.
Lubos ang galak ko nang ito ay matamo.

Itinuro sa akin ni Ama kung paano ito itanim,
Nakatayo dapat ang buto, 'wag patumbahin.
Ganun ang ginawa ko, 'yon ang aking hangarin,
At inilagay ko ang buto sa lupa...sa ilalim!

Puno ng pagmamahal, dinilig ko ito araw-araw.
Naghintay nang naghintay na supling ay lumitaw.
Pero bakit ganun, wala akong kahit isang natanaw,
Wala kahit isa sa bawat pagsikat ng araw.

Lumapit ako at nagtanong sa aking mahal na Ama.
"Paano mo ba itinanim ang Mahogany?", tanong niya.
"Ganito dapat 'yon, o", dagdag pa niya.
Habang ipinapakita niya sa akin kung paano ito dapat ginawa.

Akala ko tama ang ginawa kong pagtatanim.
Akala ko nasunod ko ang lahat ng kanyang mga bilin.
Mabuti naman ang aking hangarin,
Pero hindi ko pala dapat inilagay ang buong buto sa ilalim.

Sa parehong paso inilagak ang bagong buto.
Tinanggap kong mali ang paraan ng pagtatanim ko.
Pareho kong nadiligan ang mga buto sa paso.
Pero ang tanim ni Ama ang siyang tumubo.

Hindi ko ito masyadong napansin noon
Tawag ni Ama'y 'di ko agad nabigyang tugon
Sa ulan sa kwarto, ako noo'y doon nakatuon
Pero salamat sa Diyos, ang tanim ay buhay pa hanggang ngayon.

Kapag naalala ko ito, nabubuhay din ang loob ko.
Alam kong may pag-asa basta andyan ang Ama ko.
Dahil kasabay ng pag-ulan noon sa aking kwarto,
Ang itinanim ni Ama ay tumubo.

Isa itong paalala na sa ating Amang Diyos ay magtiwala
Minsan akala natin alam na natin, pero hindi pa pala.
'Wag tayong mahiyang lumapit at magtanong sa Kanya
Siguradong tutulong Siya at tutubo ang pag-asa.

(Ipapakita ko sa inyo ang larawan ng aming tanim sa tamang panahon. ;) )

Sunday, July 24, 2016

Thank You Lord... (weekend)

Na-miss ko mag-share ng mga pinagpapasalamat ko sa blog na ito kaya naman....  :))

Thank You, Lord...
- time mag-blog
- nakapag-publish ng article sa wordpress (may blog na ako na kaya ko lang i-share sa kahit sino ang mga laman.)
- nakasama sa care group + meeting ng FHUMYAF kahapon.  Sulit po ang time sa hapon kahit hindi na natuloy ang meeting ng BulPAC UMYAF
- Kuya --- encouragements, reminders ("mag-encourage at 'wag mang-discourage), saglit na kwentuhan + good news: may tininutuluyan na siya malapit sa workplace niya
- Nasisimulan nang mag-post at mag-add ng members EBD UMYAF FB Group.  Dapat ma-manage talaga 'to.

- prayer time with FHUMYAF. Weee... Thank you, thank you, thank you po sa mga answered prayers namin.  Na-promote na si Kuya Samson....at marami pang iba.  At yes, nagiging aktibo na po ang UMYAF sa church namin.  Super thanks po!  Para sa inyo naman po ang lahat.  Para mas marami pa pong ma-reach out na tao at makakilala Sa'yo.  Nawa'y manatili pong nag-aalab ang apoy.  :))
- kwentuhan with Kuya Benj about UMYAF concerns... Ano ba ang mga needs ng UMYAF... Nagkaka-idea na po ako.  Buti na lang po may mga napagtatanungang nakatatanda at may sariling pamilya tungkol sa mga ganung bagay.  At least, nagkaka-idea sa mga dapat gawin.  :)
- laba, linis kwarto, tapon gamit, bagong palit na bedsheet, etc.

Yey!  :))

Thank You, Lord!

Love love love.   :))

Ang Dami Kasing Kalat XD

Umuwi ako ng maaga galing sa simbahan.  Excited akong magsulat ng article tungkol sa mga bago kong natutunan at insights tungkol sa UMYAF.  Pero mahirap magsulat at mag-isip kapag may kalat sa kwarto at may hindi natapos na gawain.

Sinimulan ko ang gawain sa pagbabanlaw sa mga ibinabad na puting damit.  'Yon na lang dapat ang lalabhan ko kaya lang sayang ang sabon.  Itinuloy ko na hanggang maubos lahat ng mga damit sa aking laundry basket.  Isinunod kong ayusin at linisin ang kwarto.  Haaay... Ang daming damit!  Nagtiklop ako at nag-discard ulit ako ng mga luma na o ayaw ko nang mga damit.  Ang sarap sa pakiramdam 'pag nababawasan ang mga damit.  Nagkakaroon ng puwang para sa mga mas gusto kong isuot at sa mga bagong dadating.  Ang hirap kasing bumili 'pag walang paglalagyan at meron pa namang magagamit.  Hahaha XD Inayos ko rin ang mga nakakalat na papel sa sa sahig. (Doon nilagay kahapon ng kapatid ko para tignan ko raw kung ano'ng gagawin sa mga iyon.)  Ang dami ko ulit naitapon...kahit ung mga art works ng bata na noo'y mahahalaga sa akin.  Naisip ko, hindi ko naman 'yon magagamit at hindi rin naman para sa akin ang mga 'yon.  Hindi lang talaga naibalik dati.  Naaalala ko naman sila kahit wala ang mga iyon.  Hehe.

Ang hirap tumigil kapag nasimulang mga-ayos kaya nagpalit na rin ako ng bedsheet, etc.  Nakakapagod.  Hindi ko nga namalayang past 10PM na pala ngayon.  Humigi-kumulang walong oras din pala akong naglinis.  Haha.  Hindi talaga nauubos ang kalat....o hindi nga ba?  Haha.  Mauubos din 'to.  Wait lang.  XD

Next time na 'yong article ko tungkol sa UMYAF.  Napagod ako ng bongga.  HAHAHAHAHA XD

Goodnight, notebook.  :)

Wednesday, July 6, 2016

Decluttering and Letting Go



It's always nice to go home on a clutter-free bedroom.  :))

I spent the holiday cleaning our room while listening to Beethoven's classical music and to worship songs on youtube.  I had a great time and didn't feel tired of cleaning.  I enjoyed sorting clothes and things that are still needed and not.  Sometimes, I found it hard to decide whether to keep a thing or not so I sought help from my dear little sister.  I showed her a blouse and asked if I should still keep it or not then she asked me, "Do you still like it?  Do you think you still look good on that blouse?"  I just smiled and said, "I think it still looks nice."  (though I really haven't worn that blouse ever).  Then she asked, "Does it still spark joy?"  (Haha.  She and Pa were so influenced by the book entitled The Life-Changing Magic of Tidying Up by Marie Kondo. )  I thought for a while, smiled, put the blouse aside and went back sorting other clothes.

After sorting the last piece of shirt on the once mountain of clothes, I got the blouse and put it with the other clothes to be given away.  Yes, it still did look good on me (and my mother also told me so)...but no, it didn't spark joy anymore.  I didn't really liked as I thought I did.  Maybe, it's not really for me.  Maybe, someone needed it more than I do.  Maybe, it could spark more joy to someone else.

Today, I realized that decluttering is the same as letting go.  There are things in life that we have to let go to live better.  We may sometimes think that we still need it or maybe we could still fix it (like what I thought when I broke my glasses) but the truth is that we really have to let it go.  We have to let go to live happier.  We have to let go for someone to fulfill his purpose.  Yes, it's hard but we have to.

Letting go takes time.  It's like organizing your room over and over and over again...but can't really finish doing so.  The bunch of things that aren't needed gets in the way of the things that should be in that place.  It's takes time to remove all of those things because you still want to keep them for reasons.  Still, you have to let those things go.

I'm not telling you to do it now.  Move at your own pace.  Take your time.  Make yourself ready...like putting all of those clothes and things together in one bag.  By doing that, it will be easier for you to give them all away.  Keep them...until you feel that it's time for you to let go.  But please be sure to really let them go to make room for more important things: those that spark joy.  Don't keep them for selfish reasons.  Someone else needs those more than you do.

For You... (For myself?)

Well, it's my call. But please remember: you are loved.
And you are still loved.

You'll find her.
He'll find me. (HAHA)
Or maybe we'll find each other again.

It's not up to us.
It's up to God.
And it will all be worth it.

No, this ain't easy.
But gotta trust the process.
We gotta have faith.

He knows what He's doing
And it would be the best for us.
Have faith.
;)

Just a Friend

I know You see what I don't see
So I'll be just a friend
I'll be just a friend.

I know that I will be happy
Even if I'm just a friend
I'll be just a friend.

So yeah, that's that, that, that.
Oh, that's that, that, that.
I'll be that, that, that, that.

I'm telling you I'll be just that.


-Jamie Grace, Just a Friend


:)

Tuesday, June 14, 2016

Dahil gutom ako. XD

I'm getting busier and busier
And somebody's getting noisier and noisier.
Her judgements aren't true
But what can I do?

I have to listen. I have to understand.
I have to to bite my tongue for me not to say something that's not nice.

Well, actually, chill lang naman.
Okay lang kahit ano.
Gutom at pagod lang pero mananahimik na lang ako.

I have to empatize
Put myself in her shoes.
E ano kung pagod ako dapat kumain muna ako bago natulog.  Hehehe

Hay naku!

I have no time for rhymes.
Kailangan ko ng rice.
Kahit tinapon niya ang ulam.
Habang kumakain ako ng apple pie.

Grabe lang.
Pero chill lang.
Pero sana 'wag masyadong sensitive sa pagkain ko ng apple pie. Huhu.

Ubos oras 'to, ah.
Ang sakit sa ulo.

Still a good night.
May trabaho pa ako.
Puyat na naman.

E kung 'wag na kaya akong gumawa?
Haha.  As if kaya ko. XD

Goodnight, notebook!  Oo, positive tayo.  :)

:)

Thursday, May 26, 2016

Poems

Poems are made...
Not to sit in old, forgotten notebook
Or the notebook that you always use
To hide, to cry or to express your happiness...
Where no one else but you could feel it.

Poems are made...
Not for the moths and termites on the shelf
To eat and have a feast on it.
Nor for the earthworms on the ground to decompose.

Poems are meant...
To encourage...or to be encouraged yourself
When you need an advice, or a kind word, or something that you could relate to that would really hit you
To make you realize your mistakes
Or to make others realize their mistakes
Or another to understand.

Poems are meant...
To be shared...with a friend, a loved one or someone who might need it
Whether he/she realizes it or not
Either in a song or spoken word poetry...or however else you want it to be shared.
It's not meant to just sit there.

It must be heard.

Tuesday, May 24, 2016

Bagahe

Bagahe'y unti-unting gumagaan.
Dalahi'y unti-unting nababawasan.
Salamat sa pagsalo sa panahon ng kapaguran.
Salamat sa pagtulong kahit na ikaw ri'y nabibigatan.

Salamat sa pagdamay sa lumbay.
Salamat sa pakikinig nang walang humpay.
Presenya mo't payo ay nakatulong nang tunay.
Antay lang, makakamit ko rin ang tagumpay.

Salamat sa pinahiram na sandalan.
Salamat sa pag-intindi sa'king mga kahinaan.
Salamat sa pagbibigay ng kalakasan.
Salamat sa hindi paglisan.

Di ko alam kung gaano pa kalayo ang lakbaying ito
Pero alam kong makakarating ako.
Sa tulong ng Diyos at presensya ninyo
Mabubuhat ko rin ang bag ko.

Magpapalakas lang ako...
Tapos hindi na ako magpapabigat.

Sunday, May 22, 2016

Kapayapaan

Natulog akong may luha, masakit ang ulo at nahihilo.
Hindi ko na nga natapos ang pagkain ko dahil dito.
Dahil siguro sa sunod-sunod na puyat
O kaya sa late na pagkain.

Tsk!  Mali 'yon, eh!

Pero nagising ako ng maaga ngayon.
May ngiti sa labi at masayang puso.
Dahil siguro sa malamig na panahon?
Hehehe.  Hindi pala.  Alam ko lang kasing kasama ko ang Diyos.

Ang tagal na rin naming hindi nag-usap ng ganito.
Natatakot kasi ako sa mga sasabihin Niya
kaya minsan, ipinipilit/ipinapakiusap ko ang gusto ko.
Naku, naku, naku!  Mali rin 'yon!

Salamat sa Diyos sa kapanatagan.
Waah...nakakaiyak.
Nakaka-touch na hindi Niya ako iniwan.
Nararamdaman ko ngayon ang kapayapaan.

Naguguluhan pa rin talaga ako
Pero naniniwala at nagtitiwala ako sa Kanya.
Wala na sa akin ang manibela.
Siya na ang bahala.

Alam kong magiging maayos din ang lahat.

:)


Dear Lord,

Sorry for driving my life recklessly.   Mali po talaga ako. Medyo puzzle pa rin po sa akin kung saan talaga ako pupunta pero nagtitiwala po ako sa Inyo.  'Wag Nyo na pong ibigay sa akin ang manibela.  Baka po mabangga o maligaw ako.  :)  Kayo na po ang bahala.  Amen!

Life Jacket


Hindi ako takot tumalon sa cliff o falls
dahil may suot akong life jacket.
Sigurado akong ligtas ako.
Hindi ako malulunod.

Maraming beses ko na itong nagawa
at nabuhay naman ako.
Kailangan lang talaga ng lakas ng loob
at tiwala sa mga kasama mo.

Siguraduhin mo lang na tama ang pagkakakabit mo ng life jacket
para hindi ito matanggal sa pagtalon mo.
Tingin sa baba, siguraduhing walang bato
Tapos talon na!

Masarap ang pakiramdam pagkatapos.
Walang kapantay na kaligayahan.
"Wow, nagawa ko!  Buti na lang may life jacket ako!"
Langoy-langoy sabay aya sa kasama na tumalon na rin.

Noong huli kong talon,
naisip kong si God ay parang life jacket.
Siguradong ligtas ka 'pag suot mo.
Kailangan mo lang maniwala at magtiwala.

'Wag kang mag-alala.
Hindi ka Niya iiwan ni pababayaan man.
May mga pinadala rin Siyang makakasama.
Talon na!

:D

Sunday, May 15, 2016

Paano na nga ba mangarap?

Paano na nga ba mangarap?
Tila ba tumigil ang oras.
Dati ang dami kong naiisip.
Dati ang dami kong nasusulat.

Oo, hindi lahat ng bagay ay tungkol sa'yo.
Alam ko ring maaring hindi ko matupad ang mga pangarap ko 'pag naging tayo.
Pero bakit ganito?
Ikaw pa rin ang gusto ko.

Bulag na ba talaga ako?
Nalilinlang ng aking puso?
Tumulungan mo ako.
Ipaintindi mo sa'kin ang lahat.

Gusto ko muling mangarap.
Kasama ka... Sana...

Kung pwede lang naman.
Walang pilitan.
Walang pupuntahan kung pwersahan.

Kahit ano...

Maging masaya ka sana.



Naaalala ko lang ang nakaraan.
Sabi mo natuto kang mangarap dahil sa'kin
Ako naman natutong isantabi ang pangarap para sa'yo.

Walang sisihan.
Umibig lang.
Mali ba 'yon?
Ano ba ang tama?

Haaay...
Paano na nga ba mangarap?
Tila ba tumigil ang oras.

Nasaan ka na?
Babalik ka pa ba?
Ano nang ginagawa mo?
Kasama ba ako sa mga pangarap mo?

Sana maging masaya ka.
Tuparin mo ang mga pangarap mo.
Magiging masaya ako para sa'yo.
Ingat ka! Samahan ka ng Diyos palagi.

Dito lang muna ako.
Hahanapin ko lang ang sarili ko.


Wednesday, May 11, 2016

Ang daming problema ng bayan lovelife pa rin iniisip.

Nakakainis, di ba?

Gusto ko na nga ring sisihin ang presidente kung bakit ganito.
Ganun naman lagi.  Kasalanan ng presidente ang lahat.

Pero hindi.
Kailangan kong maging produktibo.

Mag-eempake muna ako at magpapakalayo-layo.  Baka sakaling lumiwanag ang isip ko.  :)

Alam kong sasamahan ako ng Diyos.

Thank You, Lord.  Dyan ka lang po, please... :)
Pagalit
Sa hindi pagkain sa oras
Sa maling mga desisyon sa buhay
Sa hindi pakikinig
Sa mga hindi nagagawang gawain.

Alam at hindi alam ang sitwasyon.
Nauunawaan ko kayo.
Hindi ko na rin naman maintindihan.

Tila ba huminto ang oras.
Paano na nga ba mangarap?

Kasalanan ko ang lahat.

Mali ako.

At kailangang kong tulungan ang sariling umahon.

Pero paano ba?

Una, kailangan kong magdesisyon.

Ang hirap.

Haaay...

May mga dapat pa akong gawin.
Dapat ko nang simulan.
Pero paano ba?

Tila ba wala na akong lakas.

Gusto kong mapag-isa pero kailangan ko rin ng kasama.

Ano ba talaga?

May mali dito.

Kailangang itama ko.

Sunday, May 8, 2016

Presidente at Bise ko

I'll be voting for Mar and Leni.

Para sa bayan, para sa mga estudyante ko, para sa lahat ng Pilipino.

Isa akong guro ng Kinder at nais ko na ang susunod na presidente ay maging huwaran sa kanila at sa lahat.  Ang susunod na presidente ang magiging mukha ng Pilipinas at lahat ng Pilipino.  Hindi ko ito maaatim ipagkatiwala sa isang mamamatay tao, walang paggalang sa batas, walang paggalang sa babae at matatanda, at palamura.  Ayoko rin doon sa magnanakaw at doon sa may connectional ties sa business man na... Hindi ko un masyadong alam.  Nagbabasa-basa pa ako (until now??) pero... Hay naku!

Dalawa na lang ang natira at kay Mar ko ibibigay ang boto.  Hindi lang dahil maysakit ang isa kundi para sa continuity.

Alam kong hindi perpekto ang kandidato ko pero ganun talaga.  Lahat may mga kahinaan pero may mga kahinaan siyang mas kaya kong tanggapin kesa sa iba.

Kina Mar at Leni ang boto.  Kayo ang bahala sa inyo.  Siguraduhin nyo lang na pinag-isipan at ipinanalangin nyo ito ng maigi.  'Wag sanang dahil sa ito ang boto ng mga kaibigan at kamag-anak, dahil sikat lang, cool ang memes at kung ano-ano pa.  Hindi po ito basta-basta.  Kinabukasan ng bansa ang nakataya.

Sa huli, nasa sa atin ang tunay na pagbabago.  Sa sarili nagsisimula, kay Jesus nagmumula.

Samahan tayo ng Diyos sa eleksyon na ito.

-Teacher Mai :)

P.S.  Ayaw ko rin kasing sayangin ang paghihirapa ng mga magulang ko at ng marami pang mga magulang para sa demokrasya at kalayaang tinatamasa natin ngayon.

#RoRo
#RoxasRobredo
#LeniIsMyVP
#neveragain

Now what

Now what?

Yes, this is hard.
Yes, it made you cry.
Yes, your heart is still crying till now.

Now what?

What's done is done.
Do you still want to bargain with God?
He may give what you want.
Will you be happy with that?
Oh...will that really make you happy?

Please examine your heart.
Stop bargaining with God.

Listen and obey.

Thursday, May 5, 2016

Lost words

...,

My words were lost somewhere but you could listen to my heart.

:)
Dahil sa'yo mas matapang na ako.  Salamat, Kuya!  :)

Wednesday, May 4, 2016

Natutunan ko ngayon

Hindi pwedeng puro bitterness at pag-e-emote ang laman ng blog na ito.


I'm facing a big challenge right now.  Haaay.  Grabe, napakabigat.  Di ko alam kung kakayanin ko pa.  Ang hirap din magkwento kasi mabigat din ikwento.  Parang gusto ko na lang palipasin pero hindi ata 'yon makakatulong.

Lately, halos pag-e-emote na lang ang nasusulat ko rito.  Paumanhin.  Kahit hindi ko sigurado kung may nagbabasa nito maliban sa akin, paumanhin.

I wanted write positive thoughts.  I wanted to inspire readers (if there's any) pero mukhang naging labasan na lang ito ng ka-emohan ko.  Nagsusulat pa rin naman ako ng positive thoughts pero mas sa journal ko na lang.  Dumating din ako sa point na mahirap mag-share dahil nahihiya ako sa situation ko.  Ito lang talaga ang handy 'pag nag-e-emote ako at walang mapaglabasan (syempre, maliban kay God).

I also planned to create a new blog to start anew....pero ayaw kong iwan ang blog na ito ng ganito.  Hindi pwedeng malungkot ang ending.

Sabi ko sa description, "pangarap... pagsisikap... paglalakbay... pag-ibig... pag-asa"

Dito nakasulat ang aking mga pangarap (na may space pa para dagdagan), mga pagsisikap, at ilang karanasan sa pag-ibig (korni) at paglalakbay.  Parte ng paglalakbay ko ang mga pagsubok.  Hindi ko ito dapat sukuan at iwan na lang, dahil palaging may pag-asa.  Sabi nga ni Bamboo sa kanta niya, "Hangga't ako'y humihinga may pag-asa pa..."

Orayt!  Bawat umaga ay panibagong pagkakataon para magpasalamat sa Diyos, itama ang mga pagkakamali at maging masaya.

Napahaba na ang sinusulat ko, ah.  Hehe.

Gusto ko lang talagang i-share ang tinuro sa akin ni God ngayon.  Lately kasi nahihirapan akong mag-share dahil sa mabigat na dalahin.  Nahihiya ako...pero na-realize ko na kahit ano pang struggle ang pinagdadaanan, tuloy lang dapat sa pagpupuri at pananalangin kay God.  Palalayain din Niya ako.  Sa kabila ng sakit na nararamdaman, i-share pa rin ang kabutihan ni Lord.  Parang Paul and Silas lang.  ;)

Na-share ko 'yan sa churchmate kaninang nag-meet kaming dalawa para mag-prayer meeting.  Dapat i-apply ko rin.

Yey!  :))  Salamat sa Diyos!  Alam kong magiging maayos din ang lahat.  Antay-antay lang.  Unti-unti.  Dahan-dahan.  Tiwala lang.  May bukas pa!  ;)

Tuesday, May 3, 2016

Huli na...sana

Huling luha,
Huling hikbi,
Sa himpapawid nilabas.
Huli na.

Dahil ubos na.
Tuyo na.
Huli na.
Sana...

Sana...
Kapatid,
Gusto kong sagutin ang mga tanong mo...pero walang salita para maipaliwanag ko ang lahat.  Alam kong mahirap unawain.  Paumanhin.

Unti-unti lang ang kaya kong sabihin dahil sa bawat kwento, nadudurog ang puso ko.  Sana maintindihan mo.

Hanggang dito na lang muna.

Sana 'wag mo akong iwan.

Sunday, April 24, 2016

STOP

You know my stand
You know my views
You know how I think from the very start

But you ignored the fact that I'm slowly dying because of you

You kept insisting your wants
Your beliefs, your values
And the things that I do not want.

Stop hurting me with your words.
Stop killing me with your actions.
STOP!  Just stop.  Please stop.

Saturday, April 23, 2016

I thought I could face it.
I thought I could resist.
I thought I could speak up.
But all I could do is to cry.

I need a lift here.
I'm feeling so down, down, down.
I couldn't take what he's doing.
But I'm not strong enough to fight.

Can somebody out there hear me?
Oh, please do respond.
I'm slowly dying inside
I need to see the light

Friday, April 22, 2016

Battle

Facing a battle
With you by my side.
Be my strength and armor
Please don't leave me behind

Yeah, I know You won't,
You promised me that.
Thank You, Lord!
I know I won't face it all alone.

:)

Thursday, April 21, 2016

Ayoko sanang dumating ang panahon na wala na lang sa akin ang lahat at hindi na ako mag-re-react o magsasalita...hindi na masasaktan at wala nang pakialam...hindi na rin ako magtatanong.

Pero... :)

Tired

I really am so tired.
I hope you'd understand.
Please give me a break.
I just need to rest.

I'm not angry.
I'm just tired.

Tuesday, April 19, 2016

I tried to lean
Then suddenly realized that I have to move one step backward.
Did I step on the line?
Waaahhh...
Sorry, I didn't mean to.
Okay, one step backward.  :)

Saturday, April 16, 2016

Sermon

Sermon sa umaga
Sermon bago pumunta sa simbahan
Sermon para sa kapatid na pasaway
Sermon na naririnig ng lahat
Pagod na ako
Pwede namang kausapin nang maayos
Pwede namang kausapin ng harapan
Para mas maramdaman ang pagmamahal
Para mas mahikayat kumilos
Mas makapagdudulot siguro 'yon ng pagbabago

Sana....
Sana.....
Sana...

Monday, April 11, 2016

Ang unfair ko kung sasabihin kong walang nakakaintindi sa'kin kasi alam ko naman pong naiintihan Nyo ako.

Lord, pagod na pagod na po ako.  Sa sermon na sinasalo pero hindi naman para sa'kin.  Lahat na lang ng stress sa'yo ipupukol tapos pagsinabi mong, "tama na, nakaka-stress." Mapapagalitan ka.  Pagod na pagod na ako....sa mga taong hindi marunong magpatawad at paulit-ulit na pagbabalik ng mga pangyayaring matagaaaaaal nang nangyari at hindi naman na naulit.  Pagod na pagod na ako sa mga pangaral na parang wala na akong ginawang tama at maganda.  Hindi lang naman po sila ang pagod.  Hindi lang sila ang maraming ginagawa at iniisip.  Tapos, pagtatawanan ka sa reaction mo.  Pagod na po ako, Lord.  Pagod na po ako.

Pero at the end of the day, alam kong hindi lang din naman ako ang nakararanas ng ganito at hindi Nyo naman po pahihintulutang mangyari ang mga bagay-bagay kung hindi ko kakayanin.

Minsan po talaga hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko.  Kaya nga hindi na rin ako nagtataka kung bakit hindi ako maintindihan...kahit ng mga taong pinakamalalapit sa akin.  Hindi rin naman kasi ako nagkkwento.

Masyado na akong sensitive.  Haaaayyyy...  Ayoko naa.....

Lord, please show me the way out and make my feet be willing to move.  I really am soooo tired.  I need to rest.

Hindi ko na rin po nakikilala sarili ko.  Kanina nga sabi ni Olan sakin, "Alam mo ang nagustuhan ko sa'yo dati ung palagi kang masaya.  Parang kahit anong mangyari okay lang."  Oo nga, nag-iba na nga rin siguro ako.  Namimiss ko na po ang sarili ko.  Sana magkita kaming muli.

Patulong po please....

Haaay... Alam kong magiging maayos din ang lahat.  'Wag Nyo po sana akong bitawan.

Amen.






Lord, ang sakit po na marinig kay Olan na hindi niya ako maintindihan.  Sinabi niya un pagkatpos kong ipakita ang laman ng puso ko ngayon.  Umasa akong maiintindihan niya ako pero humingi siya ng tawad dahil hindi talaga.  Naiintindihan ko naman.  Okay lang.  Wala pong problema.  Hindi naman po talaga kaintindi-tindi ang sitwasyon ko.  Buti na lang andyan po Kayo.  Payakap po!  :')  I need your strength and peace.  Amen

Sunday, April 3, 2016

 Grabeeee... Ang dami kong na-miss sa mahigit isang buwan na walang facebook. Kaya pala ganun mag-usap 'pag magkakasama... Mga na-miss na events, etc.  Wala namang masyadong pagsisisi...at least natahimik ang mundo ko kahit papaano. Hahahaha.  But I'm so back!  :))

Hello, online world! Bakasyon na.  ;)

Saturday, March 26, 2016

Friday, March 25, 2016

We both need this...

But please remember that I love you.

I never stopped doing so...

Thursday, March 24, 2016

Mga Napulot na Kayamanan

Dear Lord,

Ang dami ko pong napulot na pera noong naglinis ako ng kwarto pero hindi ko alam kung saan ko gagamitin.  Pakiramdam ko hindi dapat para sa sarili ko lang.  Ang dami ko pong naiisip gawin pero hindi ko matumbok kung para saan ba talaga.   Ipunin ko po muna tapos sa tamang panahon sabihin Nyo po sa'kin kung para saan po 'yon.  Amen.  :)
I miss you, liv!  Siguro kung alam mong nag-e-emote ako nagkita na agad tayo.  Ang layo mo na kasi.  Haaayy.. I hope you're doing good!  :)

Saturday, March 19, 2016

Hug

I could really use a tight hug right now.  No words.  Just a hug.  :)

....

Is it really a question of love or what kind of life we want to live?

Ang sakit!  XD

Walang words...

Monday, March 14, 2016

Still Grateful

Still awake at 1.18AM.
I know I should be sleeping but I just can't.
I still have lots of things to do...but a little time left.
I should have done these earlier if only I wasn't that tired...  If only I haven't slept for hours... If only I didn't put rest and relaxation first.

Grabe naman kasi sila sa school.  Ako na lang lahat.  At dahil ayaw gumawa ng isa, ako na gagawa ng trabaho niya.  Haaay... Pwede namang hatian ng gawain, eh.  Okay.  Unfair sabihing wala silang ginagawa pero sana patas ang hatian.  Halos kami na lang ng isa kong kasama ang kumikilos.  Nakakapagod din.  Nakakapagod talaga.  Buti na lang magbabakasyon na.  Yehey!  Thank You, Lord!  :D

Thank You, Lord...
- sa concern ng isang magulang kanina.  Buti pa siya nakita ang pagod ko at inako na ang paghuhugas ng pinggan sa feeding program.  :')
- nakakabisado na ng mga bata ang mga kanta, actions at sayaw.  :))
- pumayag ang kapatid ko na siya ang maging speaker sa Recognition Day ng Kinder.  I'm so touched.  Pasok na pasok naman kasi sa qualifications, eh.  Buti na lang may mahusay akong kapatid!  :D
- libreng lunch dahil kami ang nag-asikaso sa feeding program.  Nakiki-feeding lang.  Hehe.
- Hatian ng gawain sa feeding.  Kahit wala ang isa pa naming kasama, nakakagaan ng trabaho na tatlo kami roon at may mga tumulong na magulang.
- time to be grateful inspite of all my rants.  Hehe.  Iloveyou, Lord!
- rest. :')
- nakaka-relax na piano cover ng Hiraya Manawari
- time mag-email
- na-practice kanina ng kids ang mga sasabihin nila sa Recog
- meryendang inoffer ni Auntie pagkauwi ko (kahit hindi ko na nakain dahil nakatulog na ako sa pagod)
- inako ni Jenggai ang printing at encode ng awards na ididikit namin sa medals para matapos ko ang iba pang mga gagawin.  Ang sweet po nun.  Hehe.
- nakapag-breakfast ako kanina
- Mama Elyn's advice.  Masarap din talagang may doktor na Tita.
- Normal pa naman hemoglobin ko.  Borderline lang kaya kailangan ko na namang uminom ng gamot na lasang kalawang.  Hehehe.  :3

- prayer time with FHUMYAF yesterday
- plans for BS and jogging on Saturday at Camella Homes and breakfast at Andres' residence
- May chance pa akong maka-attend ng CG
- Polo UMYAF... :)

Lord, sorry po...
- sa kawalan ng disiplina sa oras
- at sa stubborness ko.  Haaayyy... Un lang talaga, eh.  Hindi na talaga tama.  Ayaw ko na rin po talaga pero paano ba??

Father,
Salamat po sa unlimited blessingsss, unending grace at unconditional love Nyo sakin.  No matter what happens please give me the heart that is willing to obey You.  Prune me, O Lord, that I may bear more fruits for You.  Amen.


Wow!  Summing up.  I'm still grateful.  Iloveyou, Lord!  :')

1.57AM

Saturday, March 12, 2016

Hilo pa more

Haaay... Palagi na lang akong nahihilo.  Bigla-bigla na lang.  Para akong nasusukang ewan.  Bakit??  Gutom ba ako?  Haaay...  Nahihilo ako 'pag nakayuko.  Paano ko aayusin ang mga kalat sa sahig??? Tsk!  Mali 'to!  Bakit????  Hindi ko naman masabi rito sa bahay.  Papagalitan lang ako kasi lagi akong puyat.  Dapat ayusin ko sarili.  Pa-check-up kaya ako bukas??  Pwede rin namang 'wag na.  Tulog lang siguro 'to.

Goooodnight, notebook!  Salamat sa'yo!  Kailangan ko lanv 'tong ihinga.  Hehehe.

Tuesday, March 8, 2016

Pader 2

Gusto mo akong lumayo sa pader.
Sa pader kung saan naramdaman ko ang kapanatagan
Sa panahong ako'y takot na takot at walang masandalan
Tuwing kailangan ko nito at wala akong mapuntahan.

Gusto mo akong lumayo sa pader.
Hindi ko alam kung bakit.
Ano bang meron sa kabilang dako?

Hindi ko alam pero kung ano man 'yon
Kung bangin man o hardin, wala akong pakialam.
Alam ko ang limitasyon ko.
Hindi ako lalampas sa pader at hanggang dito lang ako.

'Wag mo na sanang hilinging ako'y lumayo.
'Wag kang mag-aalala.  Sigurado ako, matibay 'to!
Hindi basta-basta mawawasak ng kahit na ano.
Wala rin akong planong tumawid.
Hanggang dito lang ako.  :)

Sunday, February 7, 2016

Cold

Empty words
Gaps
Spaces
Cold

Unspoken words

He tried to kiss me,
I resisted.
He still kissed me,
Rain fell.

I told him not to touch me,
He asked for just one time.
I didn't agree.
I never liked it.

How ridiculous!
How dangerous!
I feel so unsafe!
How could he not wait!

How impolite to ask
For more than what I can give.
How foolish to give in
To his impatience!

This must be stopped!
I cannot give more.
I'm saving it all
On that special day.

No, I won't give in
I will not, I will not!
I will stand my ground.
I want to please God.

:)

Tuesday, January 19, 2016

A Little Heaven

A Little Heaven

Terrorism, war, corruption
Hunger, illness and death
Global warming, accidents and confusion
Watching a loved one breathe his last breath

Broken family, hatred and bitterness
Will all of these ever end?
Pain, jealousy, hatred and hopelessness
All of this, God is going to mend

Everyone will be filled with joy
No more crying, suffering or pain.
Homes and food His people will enjoy
His love and blessings will fall like rain

New heavens and new earth will soon be given
But we must do something while we wait.
Make this world a little heaven.
Oh, I think that would be great!


How are you going to help in making God's Kingdom come on earth as it is in heaven?

God be with you.



(The poem was originally written for Vacation Church School 2016 teacher's manual)

Wednesday, January 13, 2016

Hello, blog!

Hello, blog!  It's been a while.  I missed you...really!  I hope I could soon find time to write more.  See you next time!  I want to share God's love with you.  Let's spread love, hope and joy.  :)