Monday, September 28, 2015

Drama

Tumawag ako, walang sumagot.
Umiyak ako, walang nakarinig.
Dumaing ako, walang pumansin.
Wala kahit sino sa kanila.

Buti na lang nariyan Ka.
Kanino pa ba ako lalapit kundi Sa'yo lamang.
Aking Panginoong Hesus,
aking Diyos at kaibigan.

Saan ako tatakbo?

Saan ako tatakbo ngayong naguguluhan ako?  Ang daming concerns: sunod-sunod o sabay-sabay na pagkakasakit sa pamilya, pasaway na kapatid (haaay), issues sa trabaho at pera.  Wow!  Kasali pera?  Haaayyy.  Saan ba kukuha ng mas maraming pera pampagamot sa mga maysakit?  Saan?  Saan?  Saan???

Maghahanap ng sideline?  Lilipad sa kabilang mundo at doon magtuturo?  Saan ba?  Ahh, basta!  Sigurado ako ang Diyos ang magbibigay ng lahat ng aming mga pangangailangan.

Nitong mga nakaraang araw, kung kani-kanino ako tumakbo.  Sinubukan kong hanapin ang sagot sa aking mga tanong.  Hinanap ko sa pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan, sa Kuya, sa co-teacher, at sa boyfriend ko.  Nagbasa ako ng blogs at sinubukan ko ring magblog para mailabas ang lahat ng nasa isip ko.  Pero wala rin akong maisulat.  Walang salitang makakapag-express ng aking nararamdaman.  Umattend ako sa iba't ibang makabuluhang gawain: tree planting, pagtuturo ng mga bata...  Inaliw ko ang sarili ko.  Ngunit pagkatapos ng araw, alam kong may kulang pa rin.  Kulang talaga ang araw ng hindi ko nabubuklat ang aking Biblia.  Excited akong magbukas ng e-mails, text messages, facebook at kung ano-ano pa...pero wala pa ring tatalo sa kapanatagang dala ng pagbubukas ng Biblia.

Salamat sa Diyos dahil nandyan Siya na pwede kong takbuhan palagi.  Handang makinig sa lahat ng aking mga daing, handang umunawa sa aking mga nararamdaman at handang magbigay ng payo tuwing akin itong kailangan.  Minsan nga, kahit wala Siyang sabihin, basta alam ko lang na andyan Siya ay gumagaan na ang loob ko.

Tama!  Sa Kanya ako tatakbo at hindi kung kani-kanino pa.  Sa Kanya ko lang mahahanap ang kapanatagan.  Sa Kanya ko lang makikita ang liwanag.  Sa Kanya ko ipinagkakatiwala ang lahat.

Sunday, September 27, 2015

Dear Lord

Dear Lord,

Thank you po sa lahat-lahat.  Salamat kasi na-live ko kahapon ang purpose ko sa mundong ito: pangalagaan ang kalikasan at i-share ang word Nyo.  Thank You po sa experience, new friends, at learning.  Thank You po sa adventure sa pagtretreck ng kagubatan (kahit medyo bitin ako) at sa opportuniting magtanim ng puno kasama ang Environmental Science students ng TUP at iba't iba pa pong organizations.  Thank You po kasi hindi Nyo po ako hinayaang magsawalang kibo na lang noong pinagtatawanan Ka ng mga Atheist at kinekwestiyon nila ang Biblia, lahat ng nagawa Mo at ang pananampalataya ng mga Kristyano.  Maraming salamat po dahil kahit na ganoon ang paniniwala nila ay naniniwala pa rin sa'yo ang kanilang mga anak (Kristel at J...).  Super thanks po, Lord, sa courage to stand up and proudly tell them that I'm a Christian.  :D  Thank You rin po dahil na-encourage talaga akong may kasama akong Kristyano doon (Kuya John).  Kahit ngumiti lang Siya noong tinanong Siya kung ano pa ang masasabi Niya tungkol sa faith Niya, ung alam ko lang may kasama ako ay super uplifting na.  :))  Thank You po... Thank You... Pati po pala sa Kuya ko na katext ko at that moment.  At least, may napaglalabasan ako ng thoughts ko at feeling ko mas nao-organize ang mga bagay-bagay.  Hehe.

Thank You po dahil naabutan ko ang AlDub sa bus at sa paradahan ng tricycle, at sa experience to teach those kids (Rommel, Batusai, Joseph,...) in front of Stamall while waiting for my date.  Thank You po kasi may sumabay sa aking kumain.  At salamat salamat salamat po dahil sa wakas ay nakapagturo na ulit ako ng Sabado sa kids sa church.  Ang tagal din akong kinulit nina Bea at Zab para doon.  hehehe.  Thank You po, Lord, sa lahat-lahat!  Napakabuti Nyo sa akin.  :)

Sorry po...kasi feeling ko ang weak ko... At sorry kasi hindi ko nagagawa ang iba ko pang mga dapat gawin dahil sa sobrang pag-iisip.  Sorry po kasi hindi ako nakakain ng tama kahit alam ko naman na dapat kong alagaan ang katawan ko dahil ito ay templo ninyo.  Marami akong hindi magagawa 'pag mahina ako physically...at emotionally.  Sana po patatagin Nyo pa po ako.  "Jesus, be strong in my weaknesses.  Empower me..."

Alam Nyo po ang lahat ng concerns ko sa buhay.  Alam Nyo po lahat.  Wala po akong maitatago sa Inyo.  At alam ko pong alam Nyo kung ano ang nararapat.  Kayo po ang magpatatag sa aming akin at sa aming pamilya.  Pagalingin Nyo po si Mama.  Kayo po ang best doctor at wala pong imposible sa inyo.  Please po, Lord... :')  Please po....

Tulungan Nyo rin po sana ako sa concerns ko sa school at iba pang mga bagay.  Alam Nyo na po iyon.  Gabayan Nyo po ako sa pagdedesisyon sa mga bagay-bagay.  Tulungan Nyo rin po akong pagbutihin pa ang pagtuturo ko at iba pang mga gawain sa school.  Palakasin Nyo po ako palagi...kahit ano pa man ang mangyari.  Alam ko pong palagi Nyo po akong sinasamahan.  Thank You po...

Lord, alam Nyo po ang desires ng heart ko.  Alam Nyo po ang lahat ng mga pangarap ko at gusto kong mangyari sa buhay.  Alam Nyo po ang nararapat.  Ipinagkakatiwala ko po sa Inyo ang lahat-lahat.  Sa makapangyarihang pangalan ni Hesus.  AMEN!  :D


Lubos na nagtitiwala,

Mai :)

Thursday, September 24, 2015

Quiet Time - 3 John

Sa mga mambabasa, ito ay aking personal notes at reflection sa message ni God sa akin.  Na-realize ko lang na maaaring hindi ka maka-relate dahil magkakaiba talaga ng issues ang mga tao.  Maaring magkaiba tayo.  :)


Thank You, Lord...
- quiet time moment
- holiday
- lessons from good and not so good experiences this week.  Wala talagang experience na nasasayang.  Sa lahat, may natututunan.
- people who cared at my lowest :') (Ma'am Jen, Lalan, prayer meeting group, Kuya)
- prayer meeting, conversation with friends and love ones
- just everything
- self-control
- hope
- encouragements

Sorry, Lord...
- being unprepared in class
- not so good thoughts and words
- letting my emotion affect my work...and other things that I do

Lord,
Malungkot pa rin po talaga ako.  Bakit naman sabay-sabay... (o sunod-sunod)?  Hindi po ba pwedeng one at a time?  Pero alam ko naman pong alam Nyo ang ginagawa Nyo.  Haaay... Alam ko namang hindi Nyo ito hahayaan kung walang magandang dahilan at hindi ko kakayanin.  Nagtitiwala po ako sa Inyo.  Alam kong kontrolado Nyo po ang lahat.  May dahilan.  :)  Hindi rin naman magsasabay kung hindi ako nagpaapekto sa naunang pangyayari.  Sorry po...


3rd John

"Nothing makes me happier than to hear that my children live in the truth." -1:4
"My dear friends, do not imitate what is bad, but imitate what is good.  Whoever does good belongs to God; whoever does what is bad has not seen God."  - :11

"...talk personally."

"Peace be with you.  All your friends send greetings.  Greet all our friends personally." - :15

1.  May mga katotohanan sa buhay ko na nahihirapan akong tanggapin.  Actually, hindi ko nga alam ang katotohanan na iyon, eh.  Ayoko kasing alamin dahil natatakot ako sa katotohanan na iyon.  Baka kasi masaktan ako...kami pareho.  Pero totoo rin ang sinabi ng kaibigan ko, "The truth shall set you free."  Makikita rin sa Bible 'yon at totoo naman talaga!  'Pag alam mo na ang katotohanan at nabubuhay ka sa katotohanan, mas madaling kumilos.  Mas madaling magmove forward.  Hindi kailangan ikulong ang sarili sa pagpapanggap.  Kailangan kong maging matapang.  Mas magiging masaya si Lord 'pag naging matapang akong harapin ito.  Ano nga ba ito?  Kailangan kong malaman.

2.  "Ano, nagbago na siya kaagad?", sabi niya sa co-teacher noong tinatanong siya tungkol sa akin.
"Di ba sinabi ko sa'yo 'wag kang padadala sa sistema!", galit niyang sinabi habang kinakausap ako.
"I'm disappointed!  Mataas ang expectation namin sa'yo!  Sa lahat ng teachers, ikaw ang pinakapinapaboran namin dahil sabi mo gusto mong magturo sa remote areas.  May pinaboran ka pa namin kesa kay (nilagay sa central).  Ano'ng nangyari sa'yo?  Bakit sabi nila ganito?!"

Walang akong magawa kundi makinig, yumuko at tumango,  "Sorry po, naiintindihan ko po."

Kung bakit ba naman kasi kung kailan pa ako hindi ok, naiwan ko ang lesson plan ko, at hindi ako prepared ay saka pa siya dumating.  Dumating siya sa panahon na magulo ang lahat, walang tumutulong sa akin at nasa tuktok ako ng aking emosyon. Haay... bakit?

"Laman ka ng simbahan."
"Mataas ang expectation namin sa'yo!"
"Mahirap nang ibalik ang tiwala ko"

Pauli-ulit pa niyang sinabi na mataas ang expectation nila sa'kin dahil sa interview ko at mga ipinakita ko noong una.

Hindi ko naman sinasadya.  Hindi naman ako ganoon magturo.  Alam ng mga bata at ng co-teachers ko 'yon.  Alam din 'yon ng principal dahil maayos ang klase tuwing pinupuntahan niya ako sa room.  Alam nila 'yon... pero pambihira talaga ang eksana.  Na-judge na ako agad!

Pero totoo naman, may mga pagkakamali rin ako.  Hindi dapat naaapektohan ang trabaho dahil sa kung ano pa man ang nararamdaman ko.  For sure, ma iba pang mga guro na mas mahirap ang pinagdaraanan kaysa sa akin...pero kinakaya nila!  Kakayanin ko rin.  Hindi dapat ako padala sa sistema ng pagiging "wala lang" sa pagtuturo kahit ano pa man ang mangyari.  Mahal ko ang mga bata...at misyon ko ang turuan sila ng maayos at tama.  Dapat mas sipagan ko pa...mas masipag pa kesa sa sipag ko noong una.

Salamat pa rin sa pangyayaring ito.  Marami akong natutunan.  Kahit pa sabihing valid ang reason ko sa pag-absent sa seminar, mali pa ring hindi ako nagtext sa principal.  Hindi ko alam ang number niya pero dapat inalam ko.  Mali talaga ako.  Salamat sa Diyos sa realizations!

Hindi dapat ako palamon sa kalakaran sa public schools.  Kailangang maging daan ako nang pagbabago!

3.  Namimiss ko na ang marami kong kaibigan.  Nawawalan na ako ng oras sa kanila dahil sa maraming ginagawa.  Plano ko ngang sulatan ang isa sa kanila dahil hindi kami magtagpo ng sched sa school... o nagkakansel ako ng sched na napag-usapan.  Pareho kaming busy.  Marami na kaming na-miss sa isa't isa.  Maraming gusto ikwento at ipagpray ng magkasama.  Kailangan naming mag-usap ng personal.  Buti sasama siya sa UP sa Sabado.  Bibigan ko na po siya ng time.  :)


Dear Lord,
Amazing ka talaga!  Alam ko naman pong iba ang tinutukoy Nyo sa aklat na ito...pero salamat po sa mensahe para sa akin.  Magkakaiba talaga ng concerns ang mga tao pero ang galing po ng Word Nyo na mangusap sa bawat isa.  Thank You, Lord Jesus!  Amen! Amen!  Amen!  :D

Thursday, September 17, 2015

Quiet Time notes - 2 Timothy 1:3-18

These are personal notes.  I'm putting them here while still looking for a good place to keep all of these.  :)


Thank You, Lord...
- safe travel from Quirino to Bulacan
- conversations sa text with my peyborit Kuya
- Lola feels better now
- Nakapagbantay ako kay Lola habang nasa ICU siya
- understanding parents ng kids (pupils ko) :)
- rest day again.  Di na kasi aaabot sa seminar
- plan for a movie date...  We'll be watching "Heneral Luna" later or tomorrow.  Ma and Pa wants to come, too.  :))
- nagluto ako ng kanin sa rice cooker.  First time!  HAHAHA  XD
- quiet time ulit ngayon.  Yey!  :))
- inspirasyon sa pagtugtog ng gitara
- katatawanan c/o Ryan Rems and Crazy Duos at magandang movie (Break-up Playlist) habang nasa byahe

Sorry, Lord...
- irresponsibility.  Hindi na naman ako pumasok sa sobrang antok.  Plus, hindi ko po talaga alam kung saan ang seminar.  Dapat inalam ko kaagad.
- na-interrupt ng FB ang quiet time ko  tsk tsk tsk tsk...


2 Timothy 1:3-18

"...I thank him as I remember you in my prayers night and day." :3
"I remember your tears... I remember the sincere faith you have..." :4-5
"For this reason, I remind you to keep alive the gift that God gave you when I laid my hands on you." :6
"For the Spirit that God gave us does not make us timid; instead, his Spirit fills us with power, love, and self-control." :7

"Do not be ashamed , then, of witnessing for our Lord... Instead, take your part in suffering for the Good News, as God gives you strength for it." :8

"He saved and called us to be his own people not because of what we have done, but because of his own purpose and grace." :9

Paul - apostle and teacher to proclaim Good News

"and it is for this reason that I suffer these things.  But I am still full of confidence, because I know whom I have trusted..." :12

"Hold firmly to the true words I taught you, as example for you to follow, and remain in the faith and love that are ours in union with Christ Jesus."

"Through the power of the Holy Spirit, keep the good things that have been entrusted to you." :14


What to do:

Mai, 

1.  Someone is praying for you.  Pray for others, too.  ;)

2. Keep alive the gifts that God gave you.


-teaching
-giving
-mercy
-compassion
-encouragement
-service

-writing
-arts
-storytelling
-music
-leadership??  support support.  :D

I-checheck ko nga later.
http://www.umc.org/what-we-believe/spiritual-gifts-online-assessment

3.  Do not be ashamed of witnessing for our Lord.  Take part in suffering for the Good News.

I-share pa rin si Jesus sa classroom.  'Wag isipin ang sinasabi at sasabihin pa ng iba.

4.  Trust in the Lord.  ;)

5.  Hold firmly to God's Word.  Remain in God's love.

6.  Through the power of the Holy Spirit, keep the good things that have been entrusted to you.

church
- FHUMYF, FHUMYAF
- Children's Choir
- Sunday School Attendance Record
- Prayer Meeting

school
- Afternoon Storytelling
- Kindergarten

house
-Auntie Dolly
-Pray for Bok...Pa, Ma, Ate, Jas.
-Clean your room regularly.




Dear Lord,
Thanks for the reminder.  Please help me to become more responsible in handling my resposibilities at home, at school, and at church.  In Jesus' mighty name.  Amen.  :))

Saturday, September 12, 2015

Ang Dila

Habang nag-iisip ako ng ituturong kanta sa mga bata, naisipan kong magsulat at tumipa ng gitara.  Epekto ng pagbababad, walang pasok at bagong capo.

Hindi talaga ako eksperto sa pagco-compose pero salamat sa Diyos dahil nakapagsulat ako.  'Di ko sure kung pambata ba ang tono at undecided na naman ako sa title, as always.  Kailangan ko pa rin ng mag-aarange. XD   :)


Ang Dila

Intro:  D-G-Bm-A

I:  D-G
Sabi ng Bibliya ko
dila raw ay
may kapangyarihan
parang apoy
tumutupok ng kagubatan

II
Masasamang salita’y
minsa’y nasasabi
mga salitang ‘di na mababawi
kaya atin munang
siyasatin ang sarili

Refrain: A-Bm
Payo ko sa’yo..o aking kaibigan
Mga sasabihi’y  pag-isipan mo
wooooo

Chorus:  D-A-Bm-G
Makinig makinig ka muna
‘Wag agad magbibitaw ng salita
Maging mahinahon ka, maging mahinahon ka
 Makinig makinig ka muna
'Wag agad magbibitaw ng salita
D-A-                          G-Bm-A
Maging mahinahon, sa bawat pagkakataon
G-A-D
Hingin ang tulong ng ating Panginoon

Instrumental: D-G-Bm-A

III.  D-G
Papuri sa Diyos
at panlalait sa kapwa
ay lumalabas
sa iisang dila
‘Wag hayaang
sa’yo ito makita.

(Ulitin ang refrain at chorus)
Instrumental: D-A-Bm-G 2x

Coda:  D-A-Bm-G
Makakabuti, makatutulong, makpagpapagaan ng loob,
makapaghihikayat, salitang may pag-ibig

Quiet Time - James 3

Good morning, Lord!  Here I am again.  Dito po muna ako hangga't di ko pa natututunang gamitin ang One Note.  :)

Thank You, Lord...
-naayos ko na po ang kwarto
-nakapagwalis ako sa labas kahapon
-maraming napulot at naipon na kayaman sa mga bag at sulok-sulok ng kwarto (para po un sa retired pastors. ;))
-may bago akong capo c/o Lalan
-maayos na sharing of ideas tungkol sa faith at church.  Masaya po ako 'pag pinag-uusapan un ng walang pagtatalo.  Salamat po sa wisdom at kahinahunan.
-good vibes na background music habang naglilinis (https://soundcloud.com/awitkayyahweh1)  Favorite song ko na po ung Pasasalamat.  :))
-chat at tawanan with college bestfriend
-laughter laughter laughter at throwback memories and pictures with college barkada.  Yey!  Happy birthday kay Csai!  :D
-natapos at nabigay na ni Lan ung ibang DepEd IDs ng co-teachers ko.

Sorry po, Lord...
-hindi natapos na gawain
-pagsagot sa magulang...or hindi magandang tono sa sagot

Sorry po talaga.  Ayoko po kasi ng paulit-ulit.  Unang sabi pa lang ginawa ko na, inulit-ulit-ulit pa.  Pero mali pa rin po ako.  Sorry po kasi naging impatient ako at hindi ko agad naisip ako na marami lang iniisip si Mama...pressured at stressed.  Tulungan Nyo po akong maging mas understanding pa at patient.  Bigyan Nyo po ako ng self-control para hindi ako agad-agad magagalit... "quick to listen, slow to speak, slow to become angry."


James 3

The tongue

Hindi pwedeng maging teacher ang lahat.  'Pag teacher ka, mas prone ka sa pagkakasala kung hindi mo pag-iisipan ng maayos ang mga lalabas sa bibig mo.  Maraming makikinig sa'yo at mas madaling ma-judge.  'Pag teacher bawal magkamali kaya dapat careful talaga sa mga bibitawang salita.

Ang dila ay makapangyarihan.  Para itong maliit na apoy na kayang tumupok ng buong kagubatan.  Isipin mo, isang salita lang na nakakasakit ay kaya nang tumupok ng damdamin.  Isang tsismis lang ay pwede nang kumalat at makasira sa pagkatao ng isang tao.  Grabe, ano?

Ang problema, "no one has ever been able to tame the tongue.  It is evil and uncontrollable, full of deadly poison."

Ang hirap kontrolin ng dila.  Naalala ko tuloy kahapon habang nagkwekwentuhan kami ng college barkada ko sa FB.  Nagthrothrowback kami tungkol sa mga nakaraan at nadamay na rito ang mga ex nila.  Nag-away tuloy ang isa naming kaibigan at ang boyfriend niya.  May mga hindi magagandang comments ang boyfriend niya na binura rin kaagad...ng kaibigan namin.  Para sa'kin, ang insecure naman niya.  Past is past.  Nagselos sa papel.  Pero dahil ganoon nga, nagdulot ito ng konting katahimikan at dinaan na lang namin sa PM ang mga pag-uusap.  Oo nga pala.  Hindi naman kasi lahat ng bagay ay pwedeng pag-usapan sa publiko.  Sa likod ng mga tawanan at kwentuhan, may mga tao rin palang maaaring masaktan ng hindi mo nalalaman.

"We use it [tongue] to give thanks to our Lord and Father and also to curse other people, who are created in the likeness of God.  Words of thanksgiving and cursing pour out from the same mouth.  My friends, this should not happen!

No spring of water pours out sweet water and bitter water from the same opening.

A fig tree, my friends, cannot bear olives; a grapevine cannot bear figs, nor can a salty spring produce sweet water."

Now, what?  What should I do?

Sinisikap ko talagang pag-aralang i-tame ang tongue ko noon pa.  Mahirap pero kahit papaano naman ay kinakaya.  Syempre, hindi ko talaga ma-perfect pero ito ang mga pinagsisikapan kong gawin.  
  1. Listen -  Intindihin munang mabuti ang sinasabi ng kausap bago magreact.  Saan ba siya nanggagaling?  Baka naman tama siya.  Marami nang tagapagsalita sa mundo, kailangan natin ng tagapakinig.
  2. Zip your mouth  - Be slow to speak (James 1 :19).  Pag-isipang mabuti ang mga bibitawang salita.  Kung wala ka namang magandang sasabihin, 'WAG ka na lang munang magsasalita.  Tumahimik ka.  Kung magyayabang ka lang para sa iyong sarili, 'wag na.  Hindi naman 'yon kailangan.  Kung trip mo lang mangtsismis, shhhh... Keep it to yourself.
  3. Control your emotions - Don't let your emotions control you.  'Pag galit ka, huwag mong hayaang ma-lead ka nito sa pagkakasala.  'Wag magbibitiw ng salita na magsisisihan mo rin sa huli.  
  4. Use encouraging words / constructive criticism - May mga puna talaga na kailangang sabihin upang makapagdulot ng pagbabago.  Kailangan lang isaayos ang mga salitang sasabihin bago ito bitawan.  Ilagay ang sarili sa kinatatayuan ng kausap.  "Do not use harmful words, but only helpful words, the kind that build up and provide what is needed, so that what you say will do good to those who hear you."  (Ephesians 4:29)
  5. Speak the truth in the spirit love (Ephesians 4:15) -  Kahit tama ang sinasabi mo, iba pa rin ang epekto nito 'pag mali ang tono.  Sabihin ito ng maayos at sa diwa ng pag-ibig.  Check your heart din, okeiz?  :)
  6. Read your Bible - Fill your heart with good things.  For the mouth speaks what the heart is full of. (Luke 6:45)  Ano ba ang laman ng puso mo?  Ano ba ang fini-feed mo sa sarili mo?  Kung si Lord ang laman nyan, kusa 'yang magfloflow.  Ganun din, kung puro galit ang laman, 'yon din ang lalabas.
  7. Pray "Lord, kayo po ang magprovide ng words para sa akin.  Bigyan Nyo po ako ng wisdom.  Please speak through me."  Ito ang prayer ko 'pag hindi ko alam ang sasabihin ko pero feeling ko may kailangan akong sabihin.    Effective.  Mas nakakapag-isip ako ng maayos at yes, nagproprovide Siya ng perfect words to say...na minsan feeling ko hindi na talaga ako ang nagsasalita.  The best talaga si Lord!

Dear Lord, 
Thanks po sa reminderssss at sorry po talaga kung minsan o madalas ay hindi ko na pipigilan ang sarili kong magsalita ng hindi tama.  Salamat po sa grace Nyo kasi kahit na ganoon ay ginagamit Nyo pa rin po ako to spread Your word.  Tulungan Nyo po akong i-tame ang tongue ko at nawa ay encouraging words at praises lang para Sa'yo ang lumabas dito.  Thank You, Lord.  Amen.  Amen.  Amen.  :*

Friday, September 11, 2015

Puro Tanong, Puro Tanong

Malungkot
pag di tayo magkasundo
tungkol sa bahay na titirhan
sa simbahang aattendan
sa pananampalataya tungkol sa Kristyanismo

Malungkot
Di ko maipaliwanag ang lungkot

Paano ang planong
Panghabambuhay na pag-iibigan?
Pagsasama sa isang bubongan?
Pag-aalaga ng mga anak?
Pagtanda ng magkasama?

Nasaan na ba napunta?
Napag-uusapan pa rin
Pero tila ba naliligaw na.

Nasaan na ba?
Saan ba tayo tutungo?
Sigurado ba tayo sa ating daan?
o di kaya'y mas kailangan pa
ng liwanag ng Araw?

Nasaan ba tayo?
Saan na nga ba tayo pupunta?

Ang alam ko lang,
Mahal na mahal kita.

Pero mas mahal ko Siya.
Si Jesus...Si Kristo higit sa lahat.

Mga lumang kwaderno

Naglinis ako ng kwarto at marami akong natagpuang mga bagay na hindi ko na pala nabibigyan ng pansin.
Mga lumang gamit, dating paninda, mga aklat, instructional materials, mga larawan, lumang ticket sa bus...at napakaraming basura.
Ang dami kong itinapon.

Nakita ko rin ang mga luma kong kwaderno.  Iba't ibang klase.  May mga kwaderno sa pag-aaral, lovelife at kung anu-ano pa.  Pero ang pinakamahalaga sa mga kwadernong nakita ay iyong journal na sinulatan ko araw-araw noong nagtuturo pa 'ko sa FCPC.  Un ung time ng pagbabasa ko ng books ng New Testament at nagpopost ako ng repleksyon sa literal na wall ko sa faculty.  Waaahhh...  Kumakalat na ang tinta sa mga pahina nun.  Naku, naku, naku.  Bakit kasi HBW ang ginamit kong ballpen, e, alam ko naman noon pa na ganoon ang epekto nun sa papel paglipas ng mga taon.

Kailangan ko 'yong ma-preserve.  Napakahalaga sa'kin nun.  Ano bang gagawin ko?  Mag-eencode?  Naku, naku, naku.  Kailangan ko ng camera.  Kailangan ko ang makapangyarihang cellphone ko para ma-preserve ang mga nakasulat.  Pero sira nga un, eh...

Buti may mahihiraman.  Mamaya ka.

(Isinusulat ko ito rito upang aking maalala.)  :)

waaahhhh..hahaha

Quiet time - James 2

Good morning, Lord!
My journal (notebook) has no more room for ink so I'll be using this today.  :)

Thank You, Lord...
-holiday and time to rest
-e-mails and chat with friends
-plans for a get together
-new notebook
-laughter, laughter, laughter

Sorry, Lord...
-laziness and procrastination

Haaaayy....
Sorry po kung naiinis po ako tuwing nagagalit si Mama pero kasalanan ko rin naman.


What's your message for me today, Lord?

James 2

"My friends, as believers in our Lord Jesus Christ, the Lord of glory, you must never treat people in different ways according to their outward appearance." :1

Dapat pantay-pantay ang tingin at respetong ibibigay sa bawat tao, mayaman man o mahirap.
Naalala ko tuloy sa PTA meetings at klase.  Dapat hindi lang ang kayang magbayad sa mga projects ang binibigyan ng atensyon kundi lahat ng mga bata.  Wala dapat favoritism o kung ano pa man.

"Whoever breaks one commandment is guilty of breaking them all." :10
"Speak and act as people who will be judged by the law that sets us free." :12

At ayun nga.  Aminado ako na minsan fail talaga ako sa pagsunod sa dyan.  Hindi ko kayang sundin ang lahat ng commandments ng walang mintis.  Lalo na 'pag naiinis ako sa mga batang makukulit tapos nasisigawan ko, at 'pag naiinis akong pinagsasabihan ako ni Mama na mag-ayos ng kwarto ko...kahit alam kong tama naman siya.  Haay... Sorry na po.  Hindi man ako nagjujudge sa outward appearance ng tao, hindi ko napapakita sa kanila ang love nyo 'pag nagiging mainisin ako.
grace...grace...grace...
Tulungan nyo po ako, Lord, na maging mas mapagpasensya sa mga tao sa paligid ko.  At tulungan nyo rin po akong maging masunurin sa mga magulang ko.

"So it is with faith: if it is alone and includes no actions, then it is dead." :17

Tama, tama, tama!  Hindi pwedeng naniniwala ka lang na may iisang Diyos na buhay kundi nakikita rin ito sa buhay mo: sa mga salita at gawa.  Walang silbi ang salita kung hindi naman nakakakitaan ng gawa.  Even the demons believe-and tremble with fear.  Ano'ng pinagkaiba ng isang Kristyano?  May kilos at gawa.

Parang si Abraham.  Dahil may faith siya kay God, hindi siya nag-alinlangang i-offer ang anak niyang si Isaac.

"Can't you see?  His faith and his actions worked together; his faith was made perfect through his actions." :22

So ako, paano ko ba maipapakita sa aking mga gawa ang aking pananampalataya kay Jesus?
Apply, apply, apply!  Sayang ang mga natututunan kung hindi naman sinasabuhay.


  • Maglinis ka ng kwarto, Mai.  Paraan ito ng pagpapakita ng respeto kina Ma at Pa...pati na rin sa sarili mo.
  • Magwalis ka ng bakuran.  WAaaaah!  Utos 'yan ni Ma dahil wala ka namang pasok.  Gawin mo.  sumunod ka.  Ephesians 6:1  :)
  • Tapusin ang trabaho bago ang ano pa man.  Nakakahiya naman kay Lord na nagbigay sa'yo ng trabaho.  Nakakahiya naman sa mga batang tuturuan mo.  Mas patient ka sa kanila 'pag prepared ka sa class, di ba?  Trabaho bago date.  ;)
  • Parehong irespeto ang mga kapitbahay sa kaliwa at kanan...mayaman man o mahirap...at lahat pa ng mga taong makakasalamuha mo ngayon, bukas at sa mga susunod pang mga araw.
  • Ituloy ang storytelling sa kids para matuto pa silang magbasa.  'Yan talaga ang dahilan kung bakit ka binigyan ng mahabang break.
  • Ipunin mo na ang fund mo for retired pastors at ibalik ang fund for kawang-gawa.  Ayusin mo na ulit ang budget mo.


"You see, then, that it is by our actions that we are put right with God, and not by our faith alone."  :24

"So then, as the body without the spirit is dead, also faith without action is dead." :26


Yey!  Done.  Thank You, Lord, for Your word.  Ang dami pong dapat gawin ngayong araw.  Nawa po ay magawa ko ang mga ito upang makita Kayo sa kilos at gawa ko.  Amen.  Amen.  Amen.

Thursday, September 10, 2015

Unfinished business

Messy room, paper works, unfinished blog.

Time is running,  I cannot catch


Read, eat, sleep

Facebook, e-mail, chat

 Laugh, laugh, laugh with friends

Plans, plans, plans for get together

Whole day no work, half day on bed


Laziness?  Procrastination?


Ohhhh noooo!!!

...


Messy room, paper works, unfinished blog

There's a lot to do.


Where to start?  Here.

When to start?  Now.



NOT later, NOT tomorrow.  NOT even next week, next month or next year.

DO IT NOW!

The best way to start is to begin.



Do it with a smile.  :)



Thursday, September 3, 2015

100 Pangarap

Lahat ng tao ay may pangarap.  Mga pangarap na nabuo noong bata ka pa, nag-aaral sa elementarya, hayskul, kolehiyo o nang makapagtapos ka na.  Pangarap na maaaring maliit o malaki.  Maaring para sa iyong sarili, pamilya, mga kaibigan, mga mahal sa buhay o mga hindi direktang kakilala.  Ito rin 'yong mga gusto mong maging o gustong matamo.  Pwedeng gusto mo pa ito ngayon o pwede ring hindi na.

May mga pangarap na iniisip nating imposibleng matupad at meron din namang feeling natin madali lang.  Kung ano man ang mga pangarap na 'yon sa ngayon, tignan natin kung gaano ba talaga natin ito kagusto at pagsikapan nating tuparin ang mga ito.  Sa tulong ng ating Diyos, magiging posible ang lahat basta magtiwala lang tayo sa Kanya.

Noong nasa ikalawang taon ako ng kolehiyo, sinubukan kong isinulat ko ang aking 100 mga pangarap.  Dahil ito sa payo ng aming guro na si Teacher Pony.  Pero hanggang 40 lang ata ang natapos ko. Hehehe.  Ang iba rito ay natupad na, ang iba naman ay nakalimutan ko na.  Nawala na aking lumang kwaderno pero nanatili ang mga pangarap...  sa mga sulok-sulok ng aking puso at isipan.  Susubukan kong maghukay at bumuo na rin ng bago.

Hindi pa huli para muling mangarap.

1.  Maging doktor
2.  Maging guro ng hayskul
3.  Maging mahusay na guro ng preschool
4.  Maging magaling  sa piano (yung parang normal na normal lang ang pagbabasa ng nota at pagtipa ng mga tiklado)
5.  Magturo ng piano
6.  Matutong mag-violin
7.  Tumugtog ng violin sa church
8.  Magkaroon ng ukulele at tugtugin ito
9.  Magamit ang ukulele sa pagtuturo ng kanta o kung ano pa man
10.  Maging magaling maggitara
11.  Makapagmasters degree (FLCD, Psyche or TEG)
12.  Magkaroon ng maraming time para sa mga gawain sa church.
13.  Makapagtayo ng sarili kong school o learning center (informal lang)
14.  Makabili, magpatayo...Basta, magkaroon ng sarili kong bahay.
15.  Mabili ang kabilang bahay.
16.  Ipagawa ang bahay namin.
17,  Makapagturo ng street children o makapagdaos ng extension class on a regular basis.
18.  Sumulat ng librong pambata.
19.  Sumulat ng devotional book.
20.  Mabilhan ng sasakyan sina Ma at Pa.
21.  Makapag-exhibit ng sariling artworks.
22.  Mag-aral ng photography.
23.  Ikasal sa taong mahal ko.
24.  Magkaroon ng tatlong anak.
25.  Pinturahan ang sariling bahay o kwarto o kahit anong parte ng bahay...kasama ang titira rito.  :D
26.  Magdesign ng sariling damit (tshirt)
27.  Magkaroon ng T-shirt printing business.
28.  Magkaroon ng cute at handy na sketch pad.
29.  Magkaroon ng iba't ibang sets ng colored pens, markers, at kung anu-ano pa for art purposes. :))
30.  Magcreate ng blog for teachers.

Hanggang dito muna.  Work ulit.  Magdaragdag akong muli kapag nakahanap na ng oras.  ;)


09.08.2015

I'm back!

31.  Ma-translate ang blog na ito sa English.  :D
32.  Maglaro at maligo sa ulan.
33.  Tumakbo/Makipaghabulan sa putikan.
34.  Magzipline sa iba't ibang lugar sa Pilipinas (o pwede ring mundo)
35.  Malibot ang buong Pilipinas.
36.  Malibot ang mundo.
37.  Makaakyat ng bundok.
38.  Makasama ang taong mahal ko sa aking mga adventures.
39.  Makatulong para maging active ang UMYAF sa church. (Maging active ang UMYAF sa church)
40.  Makapag-organize ng children's party sa birthday ko ngayong di na ako bata sa edad.
41.  Kumain sa iba't ibang kainan.
42.  Maging supervisor ng Kinder sa DepEd.
43.  Makagawa ng kumpletong visual aids para sa buong taon ng pagtuturo.
44.  Makatulong sa pagpapaganda ng Kindergarten program sa schools.
45.  Mapagkakitaan (sideline) o magamit ang iba pang skills habang tumutulong din sa iba.
46.  Magkaroon ng sariling kwarto.
47.  Magkaroon ng bahay na may rooftop/moon deck/terrace, playround (see-saw na gawa sa gulong at kahoy, swing/duyan, garden, damuhan kung saan pwedeng humiga o magpicnic)
48.  Maiayos ang kwarto namin ni Ate.
49.  Magkaroon ng sariling telescope o makasilip ulit sa malaking telescope doon sa planetarium.
50.  Magstargazing at cloud watching kasama ang mga kaibigan at mahal sa buhay.
51.  Magkaroon ng Kuya.
52.  Maging super close ang family.
53.  Gumaling na si Olan.
54.  Mawala na ang cancer at iba pang mga sakit sa aming pamilya.  STOP na!!!
55.  Mapakilala ang mapapangasawa kay Lola.
56.  Pagkakaibigang panghabambuhay (Joromahacsai Juaremgeon, HS friends, 'dfact, churchmates, UMYF and UMYAF friends)
57.  Mapa-illustrate kay Lan, Jas, sarili ko o iba pang mga kaibigan ang mga isusulat na kwentong pambata.
58.  I-surprise sa kaarawan o ordinaryong araw man.
59.  Dalawin o puntahan sa bahay for random reasons kahit hindi nagre-request.
60.  Makapagconcert,
61.  Magpakalbo.
62.  Magkaroon ng tree house o umakyat at matulog dito kung walang pambili.
63.  Makapaglaan ng fund for kawang-gawa (retired pastors, children, out-of-school youth)
64.  Maalala pa rin sa magandang paraan ng mga estudyante kapag tumanda na sila.
65.  Camping with family or friends.

Kapag nagsusulat ka pala ng mga pangarap, mas nalalaman mo ang desires ng heart mo.

"Delight yourself in the Lord and He will give you the desires of your heart." -Psalm 37.4
Sa tagalog, "Sa Diyos mo hanapin ang kaligayahan at ang pangarap mo ay iyong makakamtan."

Hanggang sa muli..  :)


09.17.2015

At dahil inspired ako ngayon!  :))

66.  Magdirect ng isang short film..
67.  Matapos kong isulat ang 100 dreams ko.
68.  Share Jesus sa lahat ng friends.
69.  Matuto ng iba't ibang dialects.
70.  Matuto ng iba't ibang languages.
71.  Maging missionary.
72.  Maging successful lahat ng naging at magiging estudyante ko.
73.  Mawala ang corruption sa Pilipinas.
74.  Wala ng gera.
75.  Kapayapaan.

Sa lahat ng mga ito, ilan kaya ang matutupad?  Ilan kaya ang totoong kailangan?  May kabuluhan ba ang lahat ng mga ito?

09.25.2015

May nagtanong sa akin kung ano ang gusto kong regalo sa birthday ko.  Sabi ko bulaklak...kasi gusto ko!  HAHAHA.  Kahit santan nga lang masaya na, eh.  Ngayon lang naman ako nag-request ng want at hindi need.  Haay... Sanaaa... :)

76.  Makatanggap ng isang bouquet ng bulaklak

09.25.2015 08.38PM

At may bigla kong naalalang isang pangarap na natupad na.

77.  Stargazing sa bubong with a special someone.  :))

10.10.2015 07.03 PM

Hindi ako nakatanggap ng kahit anong klaseng bulaklak noong birthday ko.   Wala rin ang mga hiling na regalo.  Hindi rin nakapagchildren's party.  Pero marami pang mga bagay na nangyari na mas mahalaga kaysa ano mang regalo o bulaklak.  Salamat sa Diyos!  Marami pa akong susunod na kaarawan.  :))

78.  Matapos basahin ang buong Bible.
79.  Maintindihan ang book of Revelations.
80.  Maintindihan ang lahat ng sinasabi sa Bible.
81.  Mamatay nang naglilingkod kay Jesus.  <3

11.02.2015 05.48PM

Alam kong hindi lahat ng pangarap ay natutupad at hindi rin lahat ng gusto ay mangyayari.  Sa kabila nito, masarap pa ring mangarap para alam kung saan ba lalakad o dadaan papunta rito.  Syempre, mas mabuti ang plano ng Diyos.  Kalooban Niya ang masusunod at hindi ang sa akin.  :)

82.  Makapagregalo ng Bible sa isang kaibigan.
83.  Makabalik sa Naga... kasama ang mga Kuya o iba pang malapit sa puso ko.
84.  Makabalik sa lugar ng mga Dumagat sa Antipolo para kumustahin sina Anton, Kenneth, at iba pang mga batang naturuan.
85.  Magkaroon ng mobile library.

11.04.2015 04.45PM

Ang pangarap pala ay para ring goal.  Ano ba'ng pinagkaiba?  Hmmm... siguro 'yong goal ay may time frame at mas seryosong tutuparin.  Na-realize ko sa pagsusulat ko ng mga pangarap na para rin pala akong nagsusulat ng goals ko sa buhay.  Mas nagiging determinado rin akong gawin ang o tuparin ang mga ito dahil mas napag-iisipan ko.  Ang saya!  :D

86.  Mag-send ng letters through snail mail.
87.  Maka-receive ng letters through snail mail.

11.06.2015.01.31AM

Binasa kong muli ang aking mga pangarap at na-realize na may mga pangarap palang hindi na talaga matutupad dahil lumipas na ang oras.  May kinalaman dito ang permanenteng paglisan ng mga taong involve dahil natapos na ang kanyang oras dito sa lupa.  Haay.  Hindi talaga dapat nagsasayang ng oras kung gustong matupad ang lahat ng mga pangarap.

88.  Mag-compose, mag-record at mag-share ng sariling kanta...o maging bahagi ng paglikha ng isang kanta.  :)

11.12.2015 04.34PM

Parang gusto kong mag-revise ng huling isinulat.  Hahaha.  Dapat atang i-chop kasi masyadong marami para sa isang bilang.  Hahaha.  XD  Pero konti na lang ang slots.  Sabagay, pwede naman siguro itong lumampas sa 100.  Try ko ngang hatiin.  Hahahahha.

88. Mag-compose ng kanta at mag-share ng kanta.
89.  Mag-record ng kanta (sarili man o hindi pero mas maganda kung original).
90.  Maging bahagi ng paglikha ng isang kanta.

I feel better about this.  :D

11.15.2015. 03.34PM

a. What do you want to become?
I  want to become a church worker, writer, artist/illustrator/painter, environmentalist, guidance counselor, psychologist, teacher, musician...

b.  Now say it in present form.
Weehh??  I am a church worker, writer, artist/illustrator/painter, environmentalist, guidance counselor, psychologist, teacher, musician...

Wow!  Ang ganda ng na-share sa'kin ng sister ko mula sa seminar na kanyang pinuntahan.  Minsan daw ang mga pangarap natin na maging tayo ay tayo na.  Hindi pa lang natin nare-realize.  Nice!  :))

Tuloy ang pangangarap at pagsisikap na matupad ang mga ito (kung gusto mo pa rin ang mga pangarap mo.  May ilan din palang medyo napapa-atras na ako pero hindi ko buburahin.  Baka next time, gusto ko na ulit.  Hahaha. )

91.  Full-time church work
92.  Makapag-drums ng maaayos sa church.

11.18.2015 05.29 PM

"What do you want to become in five years?" pala ang kumpletong tanong.  Natatawa na lang ako.  HAHAHA XD  Pero pwede ko pa rin namang sagutin. Hmmm... In 5 years, I want to become a loving wife, mother, business woman, and a extension class/informal school teacher.  Gusto kong ma-maximize din ng out-of-school kids ang learning.

Hahaha.. weeehhh... Ngayon ko lang pinag-isipan.  Honestly, naiisip kong church worker pero ayaw kong makulong sa church.  Feeling ko sa labas talaga ako magiging mas kagamit-gamit, eh.  Pero syempre, submit sa plan ni Lord para sa akin.  ;)

93.  Graphic artist/designer

11.22.2015 07.35 PM

'Cause I feel so sporty today!  :D

94.  Matutong mag-basketball at makipaglaro nito.  Hehehehe  ;)

12.03.2105 05.59 PM

Masarap mangarap ng mas mataas pa sa mga naunang pangarap.  Aim high!  Achieve high!

95.  Maka-abot sa National Level ng Kindergarten Festival of Talents (o kahit ano pang contest) ang tinuturuan.  All for God's glory!  :D

12.14.15 01.33 AM

Ilang araw na akong puyat sa pagsusulat para sa VCS.  Katatapos ko lang din magsulat ng kwento na walang kinamalan dito dahil inspired.  Gusto ko pang mag-improve sa pagsusulat ng mga kwento at tulang pambata.

96.  Mag-aral ng Creative Writing.  :))

01.04.2015 12.02 AM

97.  Makasama sa ministry ang magiging partner sa buhay.

Feeling ko automatic na dapat 'to kasi bakit ako magpapakasal sa kanya kung hindi.  Natatandaan kong sinulat ko ito sa unang attempt kong magsulat ng 100 pangarap at bigla kong naalala dahil sa isang kwentuhan.  Napa-evaluate tuloy ako sa kasalukuyang relasyon.  Ano kayang mangyayari sa hinaharap?  Base sa mga sagot niya sa mga tanong ko at base sa mga sinabi niya kanina at noon... :)  Bakit kaya?  Magbabago pa kaya?  Sana talaga... :)

02.15.2016

Ang dami ko na palang nasulat.  Ayoko pa sana itong mapuno para may mapagsusulat pa sa susunod...pero pwede namang lumampas sa isang daan.  Hehe.

98.  Makasakay sa hot-air balloon.  :))  (tas skydiving, etc. (Hindi ko pa ba 'to nasusulat?  Hehehehe)

08.15.2016 6.38 PM

99.  Makasama si Jesus eternally.

Haaay... Kailan kaya 'yon?  Excited lang??  Hehe.  Alam ko naman pong may pinapagawa pa po Kayo sa'kin.  Help me, Lord, to remain faithful until the end.  Amen.

01.08.2016

Wooow! Matagal-tagal na rin pala. Ang dami kong napuntahan last year. Super thankful ako kay Lord sa pagdala niya sa'kin sa iba't ibang lugar...pati sa ibang bansa. :D

Ayoko pa 'tong dagdagan. Pwede bang i-edit na lang ung 23. Hahahaha xD (pero 'pag di na ako nakaisip ng pang 100 un na un. Hahaha)

23. Ikasal sa taong mas mahal si Lord kesa sa'kin. (Syempre, mahal ko at mahal din ako.)

Un naman talaga, eh. At un naman talaga dapat. Seek God first.  :)

100. Magtayo ng coffee shop.

Wednesday, September 2, 2015

Wordpress. Blogger. Tumblr.

Meron akong tatlong blogs.  Pero nagsisimula pa lang talaga ako.

Ganito ko i-describe ang tatlo kong blogs sa iba't ibang sites.

Wordpress - Parang pro.  Kauna-unahan kong blog na na-create noong isang taon.  Hindi ko na ito ginalaw pakatapos magpost na isang artikulo.  Simple lang ang blog ko rito pero 'pag tinitignan ko feeling ko may dating.  Hahahah.  Sikreto lang ang blog na ito.  Ok lang mabasa ng iba baka sakaling makatulong din sa kanila.  Pero ayoko pang ipaalam na ako ang nagsulat.  Gusto kong magsulat muli rito.

Blogger - Random at madaling gamitin.  Ito na 'yon.  Na-excite ako sa blog na 'to.  Bagong diary/journal na pwedeng sulatan ng kahit ano at pwede ring basahin ng iba (kung pinupublish XD).  Na-curious lang talaga ako sa blog ng isang kaibigan (na nagpayo rin sa aking isulat ang mga kinuwento ko sa kanya) kaya ako napunta rito.  Wala rin akong cellphone ngayon kaya dito ko nabubuhos ang ibang lakas at oras ko.  Feeling ko free akong maglagay ng kahit ano at hindi ko kailangang maging pormal.  (Epekto rin siguro ng mga unang blogs na nabasa ko rito).  At ang nakakatuwa pa, nananagalog ako.  Hehehe.  Pilipino naman ako at mukhang marami ring Pilipino rito.  Pakiramdam ko nga lang limited ang magagawa rito (o 'di ko pa lang na-eexplore).  Parang bitin?

Tumblr - Cool lang i-share?  Feeling ko madaling i-share at willing akong i-share.   Kamukha ng instagram pero may mahabang caption (obserbasyon ko sa tumblr ng kaibigan ko).  XD  Pwede ring feeling ko lang 'yon.  Hehehe.  Kagagawa ko lang kanina.  Gusto ko kasing lagyan ng details kung paano gawin ang mga instructional materials na ipinost ko sa instagram para maging mas kapaki-pakinabang sa mga gurong magbabasa.  Nagrequest din kasi ang kaibigan ko na magshare pa more ng mga preschool activities dahil gagayahin daw niya.  Kagagawa ko lang nito kanina pero 'di ko pa nalalagyan ng laman.  Saka na siguro 'pag meron na ulit akong makapangyarihang cellphone para pangkuha ng larawan.  Na-eexcite ako pero hindi ko sure kung ifi-feel ko ba ito o babalik ako sa wordpress.

Ang dami 'no?  Gusto ko nga sana isa lang, eh.  Redundant na ata kasi may facebook at instagram pa ako.  Pero sabagay, hindi naman ako masyadong nagpopost doon ng mahahabang artikulo na gaya nito.  Alin ba ang pinakamainam sa tatlo?  Depende siguro sa paggagamitan.  Kailangan kong magset ng objectives para makapili ng tama.

Ang dami kong gustong isulat.  Gusto kong magcreate ng blog para sa random thoughts ko lang at sa sharings para sa mga kapwa guro ng Kinder.  Gusto ring magsulat ng mga kwentong pambata, devotional book, at marami pang iba.

Sa ngayon, ito na nga lang muna.  Andito ako sa Blogger at nagttype ng mga nasa isip ko na parang wala akong tatapusing trabaho.  Hahahaha.  Enjoy naman.

Hello, Bagong Kwaderno!  Natutuwa ako sa'yo.  Tulungan mo akong makaipon ng gutts na magshare pa ng thoughts ko.  Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mananatili rito.  Basta, sa'yo ko muna ibubuhos ang aking mga pangarap.  Labyu!  :D



Publish?  Publish.  Ok lang 'yan.  Hahahahaha.