Thursday, September 3, 2015

100 Pangarap

Lahat ng tao ay may pangarap.  Mga pangarap na nabuo noong bata ka pa, nag-aaral sa elementarya, hayskul, kolehiyo o nang makapagtapos ka na.  Pangarap na maaaring maliit o malaki.  Maaring para sa iyong sarili, pamilya, mga kaibigan, mga mahal sa buhay o mga hindi direktang kakilala.  Ito rin 'yong mga gusto mong maging o gustong matamo.  Pwedeng gusto mo pa ito ngayon o pwede ring hindi na.

May mga pangarap na iniisip nating imposibleng matupad at meron din namang feeling natin madali lang.  Kung ano man ang mga pangarap na 'yon sa ngayon, tignan natin kung gaano ba talaga natin ito kagusto at pagsikapan nating tuparin ang mga ito.  Sa tulong ng ating Diyos, magiging posible ang lahat basta magtiwala lang tayo sa Kanya.

Noong nasa ikalawang taon ako ng kolehiyo, sinubukan kong isinulat ko ang aking 100 mga pangarap.  Dahil ito sa payo ng aming guro na si Teacher Pony.  Pero hanggang 40 lang ata ang natapos ko. Hehehe.  Ang iba rito ay natupad na, ang iba naman ay nakalimutan ko na.  Nawala na aking lumang kwaderno pero nanatili ang mga pangarap...  sa mga sulok-sulok ng aking puso at isipan.  Susubukan kong maghukay at bumuo na rin ng bago.

Hindi pa huli para muling mangarap.

1.  Maging doktor
2.  Maging guro ng hayskul
3.  Maging mahusay na guro ng preschool
4.  Maging magaling  sa piano (yung parang normal na normal lang ang pagbabasa ng nota at pagtipa ng mga tiklado)
5.  Magturo ng piano
6.  Matutong mag-violin
7.  Tumugtog ng violin sa church
8.  Magkaroon ng ukulele at tugtugin ito
9.  Magamit ang ukulele sa pagtuturo ng kanta o kung ano pa man
10.  Maging magaling maggitara
11.  Makapagmasters degree (FLCD, Psyche or TEG)
12.  Magkaroon ng maraming time para sa mga gawain sa church.
13.  Makapagtayo ng sarili kong school o learning center (informal lang)
14.  Makabili, magpatayo...Basta, magkaroon ng sarili kong bahay.
15.  Mabili ang kabilang bahay.
16.  Ipagawa ang bahay namin.
17,  Makapagturo ng street children o makapagdaos ng extension class on a regular basis.
18.  Sumulat ng librong pambata.
19.  Sumulat ng devotional book.
20.  Mabilhan ng sasakyan sina Ma at Pa.
21.  Makapag-exhibit ng sariling artworks.
22.  Mag-aral ng photography.
23.  Ikasal sa taong mahal ko.
24.  Magkaroon ng tatlong anak.
25.  Pinturahan ang sariling bahay o kwarto o kahit anong parte ng bahay...kasama ang titira rito.  :D
26.  Magdesign ng sariling damit (tshirt)
27.  Magkaroon ng T-shirt printing business.
28.  Magkaroon ng cute at handy na sketch pad.
29.  Magkaroon ng iba't ibang sets ng colored pens, markers, at kung anu-ano pa for art purposes. :))
30.  Magcreate ng blog for teachers.

Hanggang dito muna.  Work ulit.  Magdaragdag akong muli kapag nakahanap na ng oras.  ;)


09.08.2015

I'm back!

31.  Ma-translate ang blog na ito sa English.  :D
32.  Maglaro at maligo sa ulan.
33.  Tumakbo/Makipaghabulan sa putikan.
34.  Magzipline sa iba't ibang lugar sa Pilipinas (o pwede ring mundo)
35.  Malibot ang buong Pilipinas.
36.  Malibot ang mundo.
37.  Makaakyat ng bundok.
38.  Makasama ang taong mahal ko sa aking mga adventures.
39.  Makatulong para maging active ang UMYAF sa church. (Maging active ang UMYAF sa church)
40.  Makapag-organize ng children's party sa birthday ko ngayong di na ako bata sa edad.
41.  Kumain sa iba't ibang kainan.
42.  Maging supervisor ng Kinder sa DepEd.
43.  Makagawa ng kumpletong visual aids para sa buong taon ng pagtuturo.
44.  Makatulong sa pagpapaganda ng Kindergarten program sa schools.
45.  Mapagkakitaan (sideline) o magamit ang iba pang skills habang tumutulong din sa iba.
46.  Magkaroon ng sariling kwarto.
47.  Magkaroon ng bahay na may rooftop/moon deck/terrace, playround (see-saw na gawa sa gulong at kahoy, swing/duyan, garden, damuhan kung saan pwedeng humiga o magpicnic)
48.  Maiayos ang kwarto namin ni Ate.
49.  Magkaroon ng sariling telescope o makasilip ulit sa malaking telescope doon sa planetarium.
50.  Magstargazing at cloud watching kasama ang mga kaibigan at mahal sa buhay.
51.  Magkaroon ng Kuya.
52.  Maging super close ang family.
53.  Gumaling na si Olan.
54.  Mawala na ang cancer at iba pang mga sakit sa aming pamilya.  STOP na!!!
55.  Mapakilala ang mapapangasawa kay Lola.
56.  Pagkakaibigang panghabambuhay (Joromahacsai Juaremgeon, HS friends, 'dfact, churchmates, UMYF and UMYAF friends)
57.  Mapa-illustrate kay Lan, Jas, sarili ko o iba pang mga kaibigan ang mga isusulat na kwentong pambata.
58.  I-surprise sa kaarawan o ordinaryong araw man.
59.  Dalawin o puntahan sa bahay for random reasons kahit hindi nagre-request.
60.  Makapagconcert,
61.  Magpakalbo.
62.  Magkaroon ng tree house o umakyat at matulog dito kung walang pambili.
63.  Makapaglaan ng fund for kawang-gawa (retired pastors, children, out-of-school youth)
64.  Maalala pa rin sa magandang paraan ng mga estudyante kapag tumanda na sila.
65.  Camping with family or friends.

Kapag nagsusulat ka pala ng mga pangarap, mas nalalaman mo ang desires ng heart mo.

"Delight yourself in the Lord and He will give you the desires of your heart." -Psalm 37.4
Sa tagalog, "Sa Diyos mo hanapin ang kaligayahan at ang pangarap mo ay iyong makakamtan."

Hanggang sa muli..  :)


09.17.2015

At dahil inspired ako ngayon!  :))

66.  Magdirect ng isang short film..
67.  Matapos kong isulat ang 100 dreams ko.
68.  Share Jesus sa lahat ng friends.
69.  Matuto ng iba't ibang dialects.
70.  Matuto ng iba't ibang languages.
71.  Maging missionary.
72.  Maging successful lahat ng naging at magiging estudyante ko.
73.  Mawala ang corruption sa Pilipinas.
74.  Wala ng gera.
75.  Kapayapaan.

Sa lahat ng mga ito, ilan kaya ang matutupad?  Ilan kaya ang totoong kailangan?  May kabuluhan ba ang lahat ng mga ito?

09.25.2015

May nagtanong sa akin kung ano ang gusto kong regalo sa birthday ko.  Sabi ko bulaklak...kasi gusto ko!  HAHAHA.  Kahit santan nga lang masaya na, eh.  Ngayon lang naman ako nag-request ng want at hindi need.  Haay... Sanaaa... :)

76.  Makatanggap ng isang bouquet ng bulaklak

09.25.2015 08.38PM

At may bigla kong naalalang isang pangarap na natupad na.

77.  Stargazing sa bubong with a special someone.  :))

10.10.2015 07.03 PM

Hindi ako nakatanggap ng kahit anong klaseng bulaklak noong birthday ko.   Wala rin ang mga hiling na regalo.  Hindi rin nakapagchildren's party.  Pero marami pang mga bagay na nangyari na mas mahalaga kaysa ano mang regalo o bulaklak.  Salamat sa Diyos!  Marami pa akong susunod na kaarawan.  :))

78.  Matapos basahin ang buong Bible.
79.  Maintindihan ang book of Revelations.
80.  Maintindihan ang lahat ng sinasabi sa Bible.
81.  Mamatay nang naglilingkod kay Jesus.  <3

11.02.2015 05.48PM

Alam kong hindi lahat ng pangarap ay natutupad at hindi rin lahat ng gusto ay mangyayari.  Sa kabila nito, masarap pa ring mangarap para alam kung saan ba lalakad o dadaan papunta rito.  Syempre, mas mabuti ang plano ng Diyos.  Kalooban Niya ang masusunod at hindi ang sa akin.  :)

82.  Makapagregalo ng Bible sa isang kaibigan.
83.  Makabalik sa Naga... kasama ang mga Kuya o iba pang malapit sa puso ko.
84.  Makabalik sa lugar ng mga Dumagat sa Antipolo para kumustahin sina Anton, Kenneth, at iba pang mga batang naturuan.
85.  Magkaroon ng mobile library.

11.04.2015 04.45PM

Ang pangarap pala ay para ring goal.  Ano ba'ng pinagkaiba?  Hmmm... siguro 'yong goal ay may time frame at mas seryosong tutuparin.  Na-realize ko sa pagsusulat ko ng mga pangarap na para rin pala akong nagsusulat ng goals ko sa buhay.  Mas nagiging determinado rin akong gawin ang o tuparin ang mga ito dahil mas napag-iisipan ko.  Ang saya!  :D

86.  Mag-send ng letters through snail mail.
87.  Maka-receive ng letters through snail mail.

11.06.2015.01.31AM

Binasa kong muli ang aking mga pangarap at na-realize na may mga pangarap palang hindi na talaga matutupad dahil lumipas na ang oras.  May kinalaman dito ang permanenteng paglisan ng mga taong involve dahil natapos na ang kanyang oras dito sa lupa.  Haay.  Hindi talaga dapat nagsasayang ng oras kung gustong matupad ang lahat ng mga pangarap.

88.  Mag-compose, mag-record at mag-share ng sariling kanta...o maging bahagi ng paglikha ng isang kanta.  :)

11.12.2015 04.34PM

Parang gusto kong mag-revise ng huling isinulat.  Hahaha.  Dapat atang i-chop kasi masyadong marami para sa isang bilang.  Hahaha.  XD  Pero konti na lang ang slots.  Sabagay, pwede naman siguro itong lumampas sa 100.  Try ko ngang hatiin.  Hahahahha.

88. Mag-compose ng kanta at mag-share ng kanta.
89.  Mag-record ng kanta (sarili man o hindi pero mas maganda kung original).
90.  Maging bahagi ng paglikha ng isang kanta.

I feel better about this.  :D

11.15.2015. 03.34PM

a. What do you want to become?
I  want to become a church worker, writer, artist/illustrator/painter, environmentalist, guidance counselor, psychologist, teacher, musician...

b.  Now say it in present form.
Weehh??  I am a church worker, writer, artist/illustrator/painter, environmentalist, guidance counselor, psychologist, teacher, musician...

Wow!  Ang ganda ng na-share sa'kin ng sister ko mula sa seminar na kanyang pinuntahan.  Minsan daw ang mga pangarap natin na maging tayo ay tayo na.  Hindi pa lang natin nare-realize.  Nice!  :))

Tuloy ang pangangarap at pagsisikap na matupad ang mga ito (kung gusto mo pa rin ang mga pangarap mo.  May ilan din palang medyo napapa-atras na ako pero hindi ko buburahin.  Baka next time, gusto ko na ulit.  Hahaha. )

91.  Full-time church work
92.  Makapag-drums ng maaayos sa church.

11.18.2015 05.29 PM

"What do you want to become in five years?" pala ang kumpletong tanong.  Natatawa na lang ako.  HAHAHA XD  Pero pwede ko pa rin namang sagutin. Hmmm... In 5 years, I want to become a loving wife, mother, business woman, and a extension class/informal school teacher.  Gusto kong ma-maximize din ng out-of-school kids ang learning.

Hahaha.. weeehhh... Ngayon ko lang pinag-isipan.  Honestly, naiisip kong church worker pero ayaw kong makulong sa church.  Feeling ko sa labas talaga ako magiging mas kagamit-gamit, eh.  Pero syempre, submit sa plan ni Lord para sa akin.  ;)

93.  Graphic artist/designer

11.22.2015 07.35 PM

'Cause I feel so sporty today!  :D

94.  Matutong mag-basketball at makipaglaro nito.  Hehehehe  ;)

12.03.2105 05.59 PM

Masarap mangarap ng mas mataas pa sa mga naunang pangarap.  Aim high!  Achieve high!

95.  Maka-abot sa National Level ng Kindergarten Festival of Talents (o kahit ano pang contest) ang tinuturuan.  All for God's glory!  :D

12.14.15 01.33 AM

Ilang araw na akong puyat sa pagsusulat para sa VCS.  Katatapos ko lang din magsulat ng kwento na walang kinamalan dito dahil inspired.  Gusto ko pang mag-improve sa pagsusulat ng mga kwento at tulang pambata.

96.  Mag-aral ng Creative Writing.  :))

01.04.2015 12.02 AM

97.  Makasama sa ministry ang magiging partner sa buhay.

Feeling ko automatic na dapat 'to kasi bakit ako magpapakasal sa kanya kung hindi.  Natatandaan kong sinulat ko ito sa unang attempt kong magsulat ng 100 pangarap at bigla kong naalala dahil sa isang kwentuhan.  Napa-evaluate tuloy ako sa kasalukuyang relasyon.  Ano kayang mangyayari sa hinaharap?  Base sa mga sagot niya sa mga tanong ko at base sa mga sinabi niya kanina at noon... :)  Bakit kaya?  Magbabago pa kaya?  Sana talaga... :)

02.15.2016

Ang dami ko na palang nasulat.  Ayoko pa sana itong mapuno para may mapagsusulat pa sa susunod...pero pwede namang lumampas sa isang daan.  Hehe.

98.  Makasakay sa hot-air balloon.  :))  (tas skydiving, etc. (Hindi ko pa ba 'to nasusulat?  Hehehehe)

08.15.2016 6.38 PM

99.  Makasama si Jesus eternally.

Haaay... Kailan kaya 'yon?  Excited lang??  Hehe.  Alam ko naman pong may pinapagawa pa po Kayo sa'kin.  Help me, Lord, to remain faithful until the end.  Amen.

01.08.2016

Wooow! Matagal-tagal na rin pala. Ang dami kong napuntahan last year. Super thankful ako kay Lord sa pagdala niya sa'kin sa iba't ibang lugar...pati sa ibang bansa. :D

Ayoko pa 'tong dagdagan. Pwede bang i-edit na lang ung 23. Hahahaha xD (pero 'pag di na ako nakaisip ng pang 100 un na un. Hahaha)

23. Ikasal sa taong mas mahal si Lord kesa sa'kin. (Syempre, mahal ko at mahal din ako.)

Un naman talaga, eh. At un naman talaga dapat. Seek God first.  :)

100. Magtayo ng coffee shop.

2 comments:

  1. 07.15.2024
    Ai, wow! Ansabi? Hahaha

    Ang dami nang natupad sa mga pangarap na 'to. May mga pangarap pala akong cringy na nakakatawa. Meron ding nakaka- "Wow! Pinangarap ko pala 'to." At meron ding di ko sure kung gusto ko pa...pero check natin later kung matutupad Hahahahaha.

    Maraming nang natupad. Marami ring bagong pangarap na di pa naisulat. Marami pang matutupad sa mga susunod na panahon.

    Thank You, Lord, for the fulfilled dreams and the wonderful journey to get there. ❤️

    ReplyDelete
  2. Pangarap po Yung trabaho 😭

    ReplyDelete